•All I do is try, try, try - MBSW

130 3 0
                                    

Florence's POV
2 weeks na nung nakalipas nung malaman ko na buntis ako. At dun lang din nalaman na 6 weeks na din akong buntis.

Sinabihan rin ako ng mga kaibigan ko na wag muna daw ako magturo dahil hindi maganda kay baby pag nastress ako.

Hinindian ko naman sila dahil sa trabaho ko lang nakukuha yung stress reliever ko.

Kapag naman wala akong ginagawa ay kusang bumabalik yung mga masasamang alaala.

Yung alaala ko kay Jelena, dun sa rapist, sa threat ni Adrien at sa parents ko din.

Ewan ko ba puro relapse lang nakukuha ko pag wala akong ginagawa for sure naman ay mas nakakasama yun kay baby.

Kahit anong gawin ko ay balik pa din ito ng balik, kahit gaano ko pa pasayahin o idistract yung sarili ko ay bumabalik pa rin sila.

Para silang mga multo sa utak ko na hindi natatahimik, nakakagigil kaya.

But whatever happens ay kinakaya ko pa rin para saakin at sa anak ko.

Yes tinanggap ko siya bilang anak ko, anak ko lang hindi nung criminal.

Mahirap man tanggapin ang mga nangyari pero sinusubukan ko pa din maging masaya at makahanap ng makakapagbigay saakin ng peace of mind.

Ika nga ni Taylor Swift “All I do is try, try, try” kaya iyun din ang ginawa ko.

Pilit kong sinusubukan na makahanap ng bagay na makakatulong saakin.

Yung dalawa ko namang kaibigan ay sobra sobra ang naitulong saakin. Dahil sila yung nagaalaga saamin ng anak ko, at nagsisilbing kasiyahan ko kapag nagbe-breakdown ako bigla.

Sabi naman ng doctor ay normal yun dahil sa mood swings kapag buntis ka. Ayun, nagmumukha tuloy akong abnormal.

May oras na naiyak ako, meron naman tumatawa ako at meron din na galit ako.

Napapadalas ang init ng ulo ko, kaya nagiguilty ako kapag napagbubuntungan ko ng init ng ulo yung mga students ko.

Nagsosorry nalamang ako sakanila pero hindi ko sinabi na buntis ako. Maryosep baka makaabot pa yun kay Jelena at mas mawarshock pa siya kapag nalaman niya iyun.

As much as possible ayoko talagang malaman niya ang trahedyang nangyari saakin kasi alam kong sobra sobra ang pag-aalala nun saakin at mas mahihirapan akong iwasan siya.




























"Hoy beh tama na kakaisip diyan, lika na kakain na tayo. Baka gutumin yung bebe ko"

Bruha talagang Sasha 'to.

Pero kahit ganyan yan ay mahal na mahal ko pa rin sila ni Connor.

"Oo na eto na"

Naglakad kami papunta sa cafeteria at dumeretso sa table namin.

Kasama pa rin namin yung apat na teachers, sobrang close talaga naming pito pero hindi namin sinabi yung balita sakanila.

"Oh umupo ka diyan, ano gusto mo?" Tanong ni Connor.

Wala akong choice kaya umupo ako sa tabi ni Jelena pero nasa kabilang gilid ko naman si Sasha.

Miss ko na siya guys.

"Kahit ano" sagot ko kay Connor.

"Ayan nanaman tayo sa kahit ano mo eh!" Pagmamaktol niya.

"Kare-kare na walang mani, yun gusto ko" tinignan niya ako na may naglalakihang mata.

"Te trippings ka din noh? Meron bang kare-kare na walang mani?"

Napasimangot naman ako bigla, sinisgawan niya ko.

"Ay chariz sige kare-kare na walang mani" umalis siya agad at sumandal kay Sasha.

"Ok ka lang?" Bulong niya saakin. Tumango nalang ako dahil nawala yung enery ko na makipag usap sa ibang tao.

Yoko na talaga sa mood swings!

"You look pale Flo, ok ka lang?" tanong ni Ma'am Thalia. At tumango lang ako.

Napansin ko din yung pag-aalala ni Jelena saakin pero hindi ito nagsalita.

Miss you na, my love.

Gustong gusto ko siyang lapitan at magmakaawa na wag niya kong iwan pero nakakainis kasi di ko magawa.

"Why don't you take the day off, mukhang hihimatayin kana beh" dagdag naman ni Ms. Liora.

"I'm ok po ma'am, kaya ko pa naman po" sagot ko sakaniya.

"Tsk, stubborn" rinig ko namang sambit ng katabi ko.

"Sure ka ba? I can substitute for you muna. Isang araw lang naman, tsaka wala na rin akong klase" singit naman ni Ma'am Blaire.

"Take a rest Flo, baka sabihin pa ng mga studyante mo nagkakalat ka ng virus" napasimangot naman ako sa sinabi ni Jelena.

Does it look like I'm carrying a disease?

"Fine" napabuntong hininga nalamang ako dahil alam kong wala akong laban sa kanilang apat.

"Oh mga fudams niyo mare" nilapag ni Connor yung mga pagkain namin. Tinignan ko lang yung kare-kare na may halong pandidiri.

"Ayoko yan" turan ko kay Connor. "Ay gago ka, yan pinabili mo beh" sagot naman nito.

"I said yung walang mani" "Ay be tinanong ko yung tindera wala daw ganon"

Igh tangina kadiri ang weird kaya! Kare kare tapos may mani? Tf, sino nakaisip ng pagkain na yan.

Kumakain naman ako niyan dati pero ngayon naweirduhan ako. Tas ampangit pa ng kulay, mukhang tae ng tao na may diarrhea.

"Do you want mine, bae?" Tanong ni Sasha sa tabi ko. At iniling ko yung ulo ko.

Napatingin naman ako sa ulam ni Jelena, mukhang masarap.

Afritada kasi ulam niya.

"Ma'am, I want your food" turo ko sa pagkain niya. Hindi naman ito nag dalawang isip at pinagpalit yung pagkain namin.

Nagdasal na muna kami, dahil nung huling beses na kumagat si Sasha ng pagkain at di pa kami na kakapagdasal ay di ko siya kinausap buong araw.

Juntis moments nga naman....

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now