•Like a little kid - MBSW

380 6 0
                                        

Florence's POV
Binigyan na ako ni Jelena ng Afritada ko. Kaya narito ako kumakain habang nanonood maglaro yung mga bata.

Nagpapalaro kasi sila lima at makita ko lang masaya silang lahat ay masaya na din ako.

Contento na'ko na nakapag pasaya kami ng mga tao, especially ng mga bata sa birthday ko.

Kinwento na rin sa'kin ni Jelena na pera ko daw yung ginastos nila dito kasi alam nila na mawawarshock ako pag nalaman ko na sila yung gumastos.

Aba dapat lang pera ko yung gamitin noh!

"May gusto ka pa love, love?" umupo si Jelena sa tabi ko.

"More" turo ko sa ubos ko na plato.

"Sure ka? Baka masobrahan kana" umiling uling naman ako.

"I want more"

Kinuha yung plato ko at kumuha ulit siya. Hehe sarap ng afritada eh.

Tumayo naman ako kung nasaan siya. "Bakit ka tumayo?"

"I want that too, please!" Turo ko sa sweet&sour. Nakakatakam kasi.

Kumuha naman siya ng platito at nilagyan niya yun ng ulam. Puro afritada na kasi yung nasa plato ko.

Kinuha ko naman yung platito na may sweet&sour sakaniya saka kinain yun.

"Mhm..."

"Ang sarap" I jump like a little kid hanggang sa makarating ako sa table namin.

Umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina tas nilapag ng bebe ko yung plato na puno ng afritada at kanin.

Hiniwa ko yung chicken tapos hinaluan ko yung ng sabaw ng afritada at sweet&sour.

Sarap talaga ng mga pagkain pag buntis ka.

"Careful, love love. Baka mabilaukan ka" saad ni Jelena at binigyan niya ko ng tubig.

Miss ko na talaga mag wine.

Pero ok lang 2 months nalang ay ipapanganak ko na yung anak namin.

Oh diba naging ina din siya ng wala sa oras.

Dapat lang!

Damay damay 'to.

"Love love, gusto ng ice tea pero yung lasang wine" saad ko sakaniya.

"Walang ganun beh" maikling sagot niya.

"Fine."

Ininom ko yung tubig na bigay niya tas inubos ko ulit yung kinuha niyang pagkain kanina.

Ay pinakuha ko pala.

"Flosssssieeeee! Lika dito beh!" tawag saakin ni Ma'am Thalia mula sa stage.

"Ok guys cake time!" sambit naman ni Ma'am Liora.

Inalalayan naman ako ng maganda kong bebe paakyat ng stage.

Nilabas naman nina Connor at Ma'am Blaire yung isang 4 tier cake.

"Laki naman niyan par!"

"Ah oo, yung matitira ay ipapamigay nalang natin mamaya" tumango naman ako sa sagot ni Sasha.

Kung may matira man ay hindi namin yan mauubos, kaya tama siya ipamigay nalang.

"Ready na ba kayo kumanta?" tanong ni Ma'am Thalia

"OPO!" sigaw ng mga bata.

Maayos ang pakikitungo ng mga bata saamin. Siguro ay nakatulong din ang pagiging mga guro namin.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now