Florence's POV
Matapos ang 2 klase ay break na ng mga bata. Dumiretso naman na ko ng cafeteria dahil dun ko kikitain sina Sasha at Connor.
Nang makarating ako sa loob ay nakita ko silang nakaupo sa dulong lamesa.
"Hi peeps!" Bati ko sakanila.
"Sa wakas kahit kelan talaga napaka bagal mo!" Saad ni Connor at inirapan ko lang siya.
"Hi kids! Can we share your table? Puno na kasi yung iba" I looked on my right kung saan nakatayo sina Ma'am Blaire, Ma'am Jelena, Ma'am Thalia at isa pang guro na di ko kilala.
"Sure ma'am!" Umusog naman kami ni Sasha para makaupo si Ma'am Jelena sa tabi ko at si Ma'am Blaire sa tabi ni Sasha.
Si Connor naman ang nagpresenta na bumili ng mga pagkain namin. Apaka gentle dog nga naman ng kuya niyo.
"Hi I'm Liora Gradson, I'm also the mentor of Connor" sabe ng isang guro. May red siyang buhok at blue na mata.
Ang ganda niya, pero parang ang bata niya masyado.
"I'm the youngest saaming apat that's why I look younger than them" dagdag pa neto.
"Maka look younger ka kala mo naman ang laki ng tanda namin sayo" pangbabara naman ni Ma'am Thalia.
"I'm Florence Dela Mercano"
"I'm Sasha Madrid" pagpapakilala namin ng katabi ko.
We shook our hands at nagkwentuhan muna kami about school stuffs.
Ilang minuto ay bumalik narin si Connor dala dala ang dalawang tray.
Oh diba dinaig pa si batman.
Tinulungan naman namin siya ni Sasha na ibaba ang mga pagkain sa lamesa, nakakahiya naman kung sila ma'am pa ang gumawa nun para samin.
"Let's pray!" Connor said. Yes the three of us always pray before eating.
I taught them that because it was taught to me by my grandparents. So since then it has always been our habit.
I love how they didn't say anything about it. Besides tama pa din naman talaga na mag pasalamat tayo sa panginoon dahil sa mga pagkain na ibinigay niya saatin.
Si Ma'am Thalia naman ay binaba at niluwa yung kinagatan niyang chicken fingers, pati rin si Ma'am Blaire ay binaba ang dapat niyang kakagatan na burger.
"Yuck Thalia! Table manners for god's sake!" Ma'am Liora said.
"Sorry..." her friend said.
"Stop you two! Magdasal na tayo" Ma'am Jelena interferes. I lead the prayer and we ate afterwards.
Habang kumakain ay may dumating na lalaki. Oh I remembered him. He's Adrien Acoszta, he has his own buisness and yes he is teaching in our highschool department.
Though di ko naman talaga siya naging teacher noon.
"Hi guys!" Bati niya.
"You must be the interns. I know you heard about me, but I'm Adrien Acoszta. Jelena's husband" muntik ko ng mabuga yung tubig na nasa bunganga ko buti nalang ay inabutan ako ng tissue ni Sasha.
Wala namang issue saakin na mag-asawa sila pero nakaramdam ako ng higpit at parang kutsilyong sinaksak saaking dibdib.
"What do you need? " malambing na tanong ni Ma'am Jelena sa asawa niya.
"Well gusto sana kitang yayain for lunch but since kumakain kana, mamaya nalang dinner" Ma'am Jelena nodded at her husband at nagpaalam naman yung lalaki sakaniya.
Nang makalayo yung asawa niya ay napansin ko naman ang tingin ng tatlong guro.
Yung tingin nila na para bang diring diri sila sa lalaking yun, ewan ko ba pero may vibes sila na ganun na parang di sila masaya sa relasyon nila ni Ma'am Jelena.
Ma'am Liora even rolled her eyes, but none of them said anything.
Naweirduhan naman kaming tatlo doon pero we decided to shrug it off.
Pero sa nahagap kong chismis about kay Sir Adrien ay isa daw itong pakboy kuro.
Di ko alam kung totoo ba iyun pero madami dami nadin akong nakitang mga articles na nakita siya sa mga bar and clubs with alot of different women.
Jusko di ko nga alam na kasal na pala yan...
Gwapong gwapo pa nga ako sakaniya nung highschool pako, not until nalaman ko na playboy at pakboy siya.
Though wala akong pake sakaniya, sino ba siya?
Naalintala lang talaga ako sa pakiramdam ko kanina.
Ewan ko ba parang ang sakit saakin na malaman na may asawa na si ma'am kahit wala naman akong karapatan or wala akong kahit anong feelings sakaniya.
Nang matapos yung break ay sumunod na din ako agad kay Ma'am Jelena sa next class niya.
Eto ay ang 9-Chrysanthemum. Nabanggit niya na eto ang section 1 sa grade nine.
Per grade kase ay may tig 7 sections. Eto na yung pangatlong napasukan namin sa araw na toh.
"Pareho lang ang gagawin mo ok?" Tumango naman ako sakaniya at nagpakilala na sa mga bata.
"Good Morning class, I'm Ms. Florence Dela Mercano you're student teacher" I greeted the kids.
"Good Morning, Ms. Florence!" Bati naman nila na puno ng sigla.
Susme naalala ko pa nga nung highschool ako ay parang wala akong buhay kung makapag greet ng teachers. Buti nalang talaga di sila ganun.
I sat down sa pinaka likod hanggang sa tinawag ako ni ma'am para sa explanation ko.
While I'm explaining and discussing nakikita ko kung gaano ka attentive yung mga bata.
Nakikinig din sila ng maayos at wala namang inaantok.
Proud ako sa part na yun kase alam kong may natutunan saakin yung mga bata, dahil nakakasagot sila pag may tanong ako.
Bago naman ako lumipat sa susunod na artist o artworks ay tinatanong ko din sila kung meron ba silang di naiintindihan.
Nang matapos yung buong araw, actually half day lang talaga ang pasok ng mga highschool sa paraalan namin.
So ayun nga nang matapos yung araw na toh ay nagpaalam na din ako kay ma'am at pumunta sa parking lot.
Nagpaalam na rin ako kina Sasha at Connor, alam naman nila na maaga akong umuuwi dahil gusto kong matulog o minsan ay may kailangan ako asikasuhin sa firm ko.
Oo nga pala nakalimutan kong imention, I own a law firm. I built it myself with my own money.
Simula kasi nung mamatay yung mga magulang ko ay napagdesisyonan kong magtayo ng law firm to honor their service as a well known lawyers.
Dapat talaga ay law ang kukunin kong course, kaso pinilit ako nina lola na wag ko na ituloy kaya eto nag teacher nalang ako. But that doesn't mean hindi nako pwede magtayo ng firm ko.
My law firm is called "Office of Affairs (OOA) " and no one knows I own it except for Connor and Sasha.
Though until now the lawyers working on my firm hadn't solved the case of my parents death.
Even the private investigators I hired haven't find anything yet.
So here I am hoping for them to solve so that I could finally give the justice my parents deserve.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
