•I can see you starin' - MBSW

129 4 0
                                    

Florence's POV
Nakalipas na ang isang buwan mula nung maglasing ako sa bar. Naalala ko pa nun ay sinabi saakin ni Jelena na siya daw sumundo saakin. Kaya naman dinala na niya ako sa bahay niya.

Nagstay ako dun dahil gusto daw niya kong makasama sa buong araw. Naintindihan naman niya na kailangan ko din umuwi agad dahil kailangan ko pa ayusin yung final demo ko tsaka yung reports na din.

Almost end na din ng April nun kaya pinagtrabahuhan ko na yung final demo ko. Aba kahit may pagkalandi din ako ay kailangan ko pa rin grumaduate nuh!

Tas ayun 2 araw bago yung final demo ko ay nakita ko sina Jelena at Adrien sa parking lot. Magkahalikan tas may hawak din siyang boquet.

Napansin ko din na nakita ako ni Adrien kaya pumasok na'ko agad sa kotse ko. Nung makapasok ako ay dun tumulo yung nga luhang kanina ko pa pinipigilan tumulo.

Bago pa pumasok ng sasakyan si Jelena ay hinalikan nanaman niya ang mga labi at pisngi ng kaniyang asawa.

Bakit ba ko nagkakaganto?

Wala naman akong karapatan.

Ang tanga tanga ko talaga! Kahit kelan ang tanga tanga ko!

Eto lang naman ako umasa na magiging kami nung taong gusto ko kahit alam kong mayroon na siyang iba. Kahit alam kong kasal na siya at masaya sila.

Bakit ba ang tanga ko para maniwala na hindi niya mahal yung asawa niya?

Makalipas ang ilang punas sa aking mga namamagang mga mata ay umalis na rin agad ako sa University ko. Oo university ko, ako may ari nito.

Mayabang na kung mayabang ano bang pake niyo eh akin nga 'to eh?























Hindi muna ako umuwi sa condo ko nung araw na yun dahil dumeretso ako sa Law Firm ko.

Dumeretso agad ako sa opisina ko at sinabi ko kay Mia na wag na muna niya kong gambalahin. Gusto ko munang mapag-isa.

Masyado akong nasaktan sa nakita ko kanina kahit alam ko na wala naman talaga akong karapatan para masaktan at ako lang naman yung tanga na mafall sa babaeng masaya na sa relasyon nilang mag-asawa.

Kumuha ako ng wine at binuhos sa wine glass. Pinirmahan ko na rin ang kailangan kong pirmahan dahil sa pag oover work ko na din nakukuha yung kapayapaan ng utak ko sa mga masasakit at nakakastress na bagay, simula pa nung mawala sina mommy.
























Ilang oras habang ako ay pumipirma ay may kumatok sa pintuan ko. Alam ko namang si Mia yun.

"Hi po ma'am. Andito po pala si Mr. Adrien Acoszta gusto daw po niya kayong makausap" magalang na sambit ni Mia.

"Ah, sure let him in" tumango naman ito at ilang minuto ay andito na yung lalaking kinaiinisan ng buhay ko.

"Mr. Acoszta please have a sit" saad ko sakaniya.

Pagak talaga pamamlastic ko sa lalaking 'to. Deserve niya naman kaplastican ko.

Di man lang magsabi eh pupunta pala dito walang hiya.

"What can I help you with sir?" Mahinhin kong tanong at pilit na binababaan ang pride ko.

"Well Ms. Dela Mercano, I would like to talk to you about my wife"

Tumigil naman ang mundo ko ng ilang minuto sa sinabi niya.

Wife?

Oh ano nanaman meron sa asawa niya?

"What about Mrs. Acoszta?" Tanong ko at kinunot ang aking mga kilay.

"Wag na tayong magplastican Ms. Dela Mercano. We both know that you and my wife are having an affair. I can see you starin' at her sweetheart. I can see how you look at her"

Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya.

"Grabe ka Ms. Dela Mercano isa ka pa namang Herbertia. Your name holds so much power but here you are having an affair with my wife" dagdag pa nung gago.

"Don't you dare bring my family's name in our conversation Mr. Acoszta, and how can you be so sure na tama yang inaakusa mo saakin?" tapang tapangan kong tanong sa lalaking nasa harap ko.

"Seriously? Kung wala talaga kayong relasyon ni Jelena can you please explain this to me?" he showed me a footage of me and Jelena na magkasama.

Yung una ay nung nasa parking lot kami ng school papasok sa kotse niya, eto yung araw na niyaya niya akong lumabas.

Yung pangalawa ay nung nasa dalampasigan kami eto yung mga oras na umamin kami sa nararamdaman namin sa isa't isa.

Meron pa yung sinundo ko siya sa bar dahil naglasing siya nun.

At yung panghuli ay yung magkahalikan kami sa parking lot nung condo ko. Eto yung araw na hinatid niya ko sa condo ko, yung sinundo niya akong lasing sa bar.

Binaling ko naman yung tingin ko kay Mr. Acoszta na naka ngisi at kitang kita sa mga mata niya ang galit at pagkamuhi.

"So Ms. Dela Mercano, are still going to deny that you and my wife are having an affair?" Tanong niya pero mas malalim na ang kaniyang boses ngayon.

Hindi naman na ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.

Saan niya ba nakuha yan? Okaya naman ay kanino niya nakuha yun?

What if yung stalker ko pala yun?

May uganayan ba sila ng stalker ko?

Punyeta sino ba kasing yung hayop na yun?

"Let's have a deal Ms. Dela Mercano" muling nagsalita yung pontio pilato sa harap ko.

"What do you want?"

"Lumayo ka sa asawa ko at hindi na kita muli pang gagambalahin o ipagpatuloy niyo lang yang relasyon niyo at ilalabas ko ang masahol na pinag gagawa niyo ni Jelena, tandaan mo Ms. Dela Mercano mapapahamak din si Jelena kapag hindi mo pa siya nilayuan...." nawasak naman ang puso ko sa sinabi niya.

"At ano nalang kaya ang sasabihin ng mga tao at ng pamilya mo kapag nalaman nila na isang kabit ang isa sa pinaka respetadong tao sa pamilya ng Herbertia? What would the students think kapag nalaman nila ang role model nila at ang may ari ng university ay kabit ng instructor niya?" Dagdag pa niya.

ABA PUTA KA PALA EH!

Nakangisi lamang ito habang natawa na parang isang demonyo.

Demonyo naman talaga, mas kinareer lang niya.

Bumuntong hininga nalamang dahil kahit gaano pa kasama ang kasalanan ko ay hinding hindi ko kayang iwanan si Jelena.

"Student teacher niya ko and how would that work Mr. Acoszta?" Tanong ko sa putang nasa harap ko.

"I'm sure you can work that out Ms. Dela Mercano. I'm sure you can build a relationship with her at the same time knowing where your place is"

DEMONYO KA TALAGA!

"Fine. Is that all?" Maikling sagot ko.

"Yes, Ms. Dela Mercano. But know I'm always watching you" tumayo naman na ito at umalis agad sa office ko.

Aba dapat lang, ano yun dapat kakaladkarin ko siya palabas ng opisina ko?

Pero ayan nga, siya ang rason kung bakit napunta kami sa isang masaklap na sitwasyon ni Jelena.

Pasensya na mahal ko, pero kailangan ko itong gawin.....

Para din sayo 'to mahal ko...... sana maintindihan mo.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now