•I don't wanna share - MBSW

369 8 0
                                        

Florence's POV
Finally graduation na ng mga Senior High ngayon. Kailangan daw nandun ako kahit ayoko naman.

Ano ba gagawin ko dun eh di naman ako teacher ng senior high?

Pero kahit ayoko ay wala akong choice.

Kung pwede lang ibulgar na buntis ako at tinatamad akong umattend gagawin ko eh.

But no.

Hindi na nila kailangan malaman yung information na yun.

Ngayon nakaupo ako dito sa pinaka harapan. Dapat talaga ay mag speech pa'ko pero sabi ko si Sasha nalang.

Mas magaling mag speech yun kesa saakin.

"Beh oh" inabot saakin ni Connor yung fishball, kwek-kwek at Cheese rings na pinabili ko sakaniya.

Gutom yung juntis niyo ganun talaga.

Kahit madaling araw ay ginigising ko pa sila para lang ipagluto o bilhan nila ako ng pagkain.

Minsan ay naguilty din ako kasi nadadamay yung tulog nila dahil sa mga cravings ko pero sabi nila ay ok lang naman daw.

Para kay baby naman daw.

Umupo si Connor sa tabi ko habang kumakain lang ako. Kakababa lang din ni Sasha mula sa stage at umupo ito sa tabi ko.

"Uy cheese rings, penge ka ko!" She was about to get some pero nilayo ko iyun sakaniya.

"Noooo!" tugon ko sakaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Isa lang naman te"

"No, I don't wanna share it!" sumimamgot naman ito kaya wala akong nagawa kundi bigyan siya.

"Oh, isa lang ah!" ngumiti naman ito na parang bata at kumuha ng isang cheese ring.

Inubos ko na rin agad yung mga kinakain ko dahil patapos na din yung ceremony.

Bandang huli talaga yung speech part ni Sasha, sa totoo lang ay kanina pa talaga ako nababagot dito.

Yung apat na teachers naman na kasama namin ay nasa kabilang banda sila ng gym.

Sa gym namin ginanap yung ceremony dahil sapat lang yung laki neto kesa naman sa labas eh ang init init.

Buti sana kung papaypayan nila ako diba?










Sa wakas ay natapos na din yung ceremony. Ang tagal tagal, pano kung ano ano pang pontio pilato pinaglalagay nila.

Sinama pa'ko wala naman akong ginawa dun.

Palabas na kami ng university at doon ko nakasalubong sina Ate Lea at Aunt Marga.

"Rencey!" Maligalig na tawag saakin ni Ate Lea.

"Kamusta ka na?" Tanong niya.

Ay oo nga pala, di pa pala niya alam.

"Ok naman ate, kayo ni tita kamusta na buhay niyo sa Seattle?"

"It's great actually. Binisita kami nina Lola at Lolo last week. Sayang nga daw wala ka dun miss ka na daw nila"

"Aww, miss ko na din sila ate"

Totoo naman, miss ko na sina lola't lolo, ilang years ko na kasi silang di nakikita.

Nakatira sila sa Florence, Italy.

Sila kasi ang pangalan sakin. Request daw iyun nina lola na sila ang pangalan saakin.

Kami talaga ni Ate Lea yung paborito nilang apo saaming 7 na magpipinsan.

Tas kami lang din ni Ate Lea yung only child saaming pitong magpipinsan.

"Nak, mukhang tumaba ka yata pero di naman ganun ka halata" singit ni tita habang naguusap kami ni Ate Lea.

"Well tita I have to tell you something. Pero sa bahay na po" tumango naman siya saakin kaya umuwi na rin kami agad sa bahay nila.

Tinext ko din sina Sasha na baka kila Aunt Marga muna ako mag stay at nag reply naman sila ng “sige, ingat ka diyan beh”.








Pagkapasok namin sa bahay nila ay kinwento ko agad sakanila ang naging bunga nung trahedya.

Alam nila na nar*pe ako nun pero hindi nila alam na nagbunga ito.

"Omg, sweetheart. Kailangan na talaga natin mahanap yung lalaking yun! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sayo" galit sa turan ni Aunt Marga.

"Ma, kumalma ka. Yung puso mo" pigil ni Ate Lea sa nanay niya.

Si Aunt Marga kasi ay may risk na for heart attacks kaya as much as possible ay inaalalayan namin siya. Especially sa diet at excercises niya.

Ayoko naman kasing mawalan nanaman ng isa pang ina. Hindi ko kakayanin pag nangyari 'yun.

"I'm ok, anak. But how's the baby?" tanong niya saakin.

"Sabi po ng doctor ay healthy daw po yung baby tas healthy din daw po yung pregnancy ko. Kaya wala naman pong problema" ngumiti naman si tita sa sagot ko.

"That's good Flo, pero mas magingat ka ngayon nak ha?" Tumango tango nalamang ako sa sinabi ni tita.

"Ilang months na beh?" Tanong ni Ate Lea.

"Mag 3 months na next month ate"

"May copy ka ba ng ultrasound anak?" Tanong ni Aunt Marga.

"Meron po kaso naiwan ko po sa condo ni Sasha. Dun po muna kasi ako sa condo niya tumutuloy para din daw po mabantayan nila ako ni Connor" mahabang sagot ko.

"That's ok iha. And I'm so happy dahil andyan yung friends mo para tulungan at alagaan ka" nakangiting saad ni Aunt Marga.

Mas swerte pa'ko sa swerte, dahil kina Connor at Sasha.

"Well pwede naman ako magstay kasama niyo, para na rin matulungan ko kayo" sabi ni Ate Lea.

"Ay hindi na ate. Kaya naman namin, alagaan mo nalang si tita"

"Are you sure?"

"Oo ate mas sigurado pa sa sigurado. 200% sure, tsaka ok naman kaming tatlo. Kaya naman namin, mas kailangan ka ni tita, ate" paninigurado ko sakaniya.

Bumuntong hininga ito at hindi na ako pinilit.

"If you say so. Pero pwede mo naman akong tawagan kapag may problema ok? I'm just a call away" tumango naman ako at niyakap niya ako.

Swerte ko talaga sa mga taong nakapaligid saakin.

Pero mas swerte ako kung siya yung kasama ko ngayon.

Kung pwede lang makasama siya, edi hindi sana ako puro "sana" dito. Kaso hindi, talaga pinaglalayo kami ng tadhana sa isa't isa.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now