Florence's POV
Ilang liggo na ang nakalipas simula nung trahedyang nangyari saakin.
Nakakalungkot lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli o hindi pa namin nakikila kung sino yung stalker ko.
Nakakapunyeta moments nga naman.
Nakapag take na din kami nina Sasha at Connor ng LET o Licensure Exam for Teachers.
Aaminin ko na, hindi siya madali at mas una pang maubusan ng laman utak ko sa LET na yun kesa sa pagtuturo.
Ako na ngayon yung may ari ng school, yes pinasa na ito saakin ni Aunt Marga and now she moved to US sa Seattle kung saan nagtatrabaho si Ate Lea.
At dahil ako na din naman yung may ari nung school ay hinire ko nalang yung sarili ko tsaka yung dalawang ulupong na maging substitute teacher sa highschool department.
Temporary palang naman since wala pa kaming license. Pero once na magkaroon kami ay tatahakin na namin yung susunod na hakbang.
Ang maging isang ganap na guro at principal at owner ng school.
Oo principal din ako, kasi principal namin nun si Aunt Marga pero pati yung role niya na yun ay napasa din saakin.
Si Jelena naman?
Ayun nagkikita pa rin kami pero nilalabanan ko yung sarili ko na wag tumingin sakaniya at wag siyang lapitan.
Mahirap oo, pero kailangan kong tiisin dahil para din naman sakaniya yung ginagawa ko.....
Hanggang ngayon pa din naman ay mahal ko siya.
Walang araw na hindi siya lumipad sa isip ko at walang oras na nabawasan ang pagmamahal ko sakaniya.
Kahit mali, ay siya pa rin talaga.
Siya lang ang pinipiling mahalin at makasama ng puso ko....
Wala pa naman akong klase at tamang tambay lang sa MAPEH Department faculty room.
Naroon rin yung ibang mga teachers na walang klase pero mostly ay may klase na sila.
Yung isusub ko kasi na teacher ay after pa ng break kaya stress free palang ako ngayon.
Wala naman akong ginagawa pero ramdam ko ang pagkahilo at bigla ko nalang naramdaman na nasusuka ako.
Tumakbo ako agad sa CR at duon nag ano...
Alam niyo na yun.
Nilabas ko lang lahat ng nakain ko kaninang umaga.
May pumasok naman sa CR at tinulungan ako. Hinawakan nito ang aking buhok para hindi madumihan.
"Let it all out, Flo" napatigil naman ako nung marinig ko yung boses niya.
Hindi ako nakapagsalita pa at naglabas nalang muli. Ano bang nakain ko kanina at ganto yung nangyayari saakin?
Si Sasha naman nagluto nung umagahan namin kaya for sure ay safe yung mga pagkain namin.
Pero hindi rin ito yung unang beses na nangyari saakin 'to. Siguro mga pangatlo or pang apat na beses na.
Nung matapos ako ay flinush ko yung toilet tas dumiretso sa lababo at hinilimusan yung mukha ko.
Pinunasan naman ni Jelena ng tissue nang matapos ako mag hilamos.
Hanggang ngayon ay ganto pa rin siya saakin. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Ok ka na ba? Wala ka namang lagnat. May nakain ka ba?" Sunod sunod niyang tanong na may halong pag-aalala at takot sa boses niya.
"I'm fine, medyo nahilo lang ako" malamig na sambit ko.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
