(SERIES #1)
"I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano'
Through this story we will encounter the sto...
Jelena's POV It's already the summer break. At hindi ko nanaman makikita si Florence. Kung pwede lang pumasok kahit walang pasok gagawin ko eh, makita lang siya.
Miss na miss ko na siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa din nababawasan ang pagmamahal ko sakaniya.
Pero this past few months ay kakaiba siya umakto. Tsaka parati rin siyang kumakain. One time ay tinulungan ko pa siya sa CR dahil nagsusuka siya.
What's happening to her?
Medyo tumaba din siya pero she still look hot.
Napapadalas din ang pamumutla at pagkahilo niya. May sakit ba siya?
What's wrong with her?
But why do I still care?
Wala na nga siyang pake saakin. Kahit isang salita ay wala siyang sinasabi saakin. Malamig ang kaniyang mga mata tuwing matatama yung mga mata namin.
Pero sumaya naman yung pagkatao ko nung hiningi niya yung food ko. Ayaw daw kasi niya ng kare-kare kasi may mani daw kaya hiningi niya yung pagkain ko.
Afritada.
May pagka sira ulo din yun noh? Totoo naman, saan ka ba makakita at makakain ng kare-kareng walang mani? Mas weird naman siguro kung walang mani yung kare-kare.
Kesa naman hindi siya kumain ay nakipagpalit nalang ako sakaniya.
Gustong gusto niya yung Afritada.
Favorite niya siguro yun. Pero wala naman siyang namention saakin na mahilig pala sa afritada, edi sana parati ko siyang pinagluluto noon.
Si Adrien naman, ayun wala pa rin pinagbago. Kakabwisitan niyo pa din.
Well nagbago naman, pero mas lumala ang kademonyohan nung beshy niyo.
Last time na nakita ko siya ay muntik na niya ginawa saakin yun dahil gusto daw niya akong anakan.
Pontio pilato talaga.
Gusto niya akong anakan eh, di ko nga gusto magkaanak sakaniya.
Masyadong entitled.
Buti nalang ay dumating si Blaire. Kundi ay ginawa na saakin ni Adrien yun. Umalis na rin kasi agad si Adrien nung pagkapasok na pagkapasok ni Blaire.
Nakwento ko iyun sakaniya at as expected galit na galit siya. Mabait at mahinhin na tao si Blaire pero once na ginagago mo yun ay mas masahol pa yun sa demonyo.
Nalaman rin nina Thalia at Liora dahil sinabi ito ni Blaire sakanila.
Kahit gusto na nilang sasaksakin at sapakin si Adrien ay pinigilan ko pa rin sila. Ayokong madamay sila sa gulo ng buhay namin.
Anygaysss, yes anygays dahil mga bading kayo!
Anygays nag s-scroll ako sa insta at lumabas yung bagong post ni Flo. She hadn't posted anything, last post niya ay nung nasa beach kami.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
♥︎liked by you and 334,908 others cuttierenzie Guess who's back? Back again!
comments are turned off
Shet ang ganda niya talaga!
Sinasabi ko sa oras na mapirmahan ko talaga yung divorce papers namin ni Adrien ay hahabulin ko na siya.
Yung ngiti na nakapaskil sa aking mukha ay biglang nawala.
Her stomach....
Parang mas lumaki For sure naman hindi lalaki yan ng ganyan dahil sa pagkain.
Is she...
Is she pregnant?
Nadurog naman yung puso ko sa thoughts na buntis yung taong mahal ko.
She's pregnant?
Omg, is she really pregnant?
But who's the father?
Wala naman akong nakikitang lalaki na kasama nila.
Mas lalo't nasa faculty lang naman siya, kundi ay nasa klase lang niya na isusubstitute niya.
Kaya ba ayaw niya ng kare kare noon?
The times na matamlay siya....
Yung oras na nagsuka siya.....
Yung pinaguusapan nila nun ni Sasha sa faculty....
So buntis nga talaga siya?
Am I too late to have the love of life?
Huli na ba ako?
Magkaka anak na sila, pano ko pa siya makukuha?
Do I still have a chance?
Ngumiti nalamang ako ng mapait at inawasan na humikbi. Ramdam ko pa rin yung sakit at pagkadurog ng puso ko.
Hindi ko na napigilan, nilapag ko yung cellphone ko sa sofa at umiyak.
Ang sakit, sakit.
Sobrang sakit malaman na wala ka nang pag-asa sa taong mahal mo.
Alam ko namang hindi niya ako mahal pero sana man lang mayroon pang pag asa na mahalin niya rin ako!
Hindi ba pwede yun?
Mahalin niya rin ako tulad ng pag mamahal ko sakaniya?
Haha pota.
Ang swerte naman ng magiging ama ng anak niya. Ang swerte swerte niya kasi nakuha niya si Florence. Nakuha niya yung babaeng hirap na hirap akong habulin at kalimutan.
Ang swerte niya kasi mapapasakniya yung taong mahal na mahal ko.
Yung taong handa kong piliin na makasama habang buhay.....
Ba't ba ang unfair ng buhay na 'to?
Pero bakit ganto?
Kahit nalaman ko na magkakaanak na sila umaasa pa din ako.
Umaasa pa din ako na pupuntahan niya ko sabihin sakin na mahal niya ko at pipilin niya rin ako.
Why does it feel like something keeps me holding onto nothing?
Why am I still hoping that she will knock on my door, that she's gonna tell me everything will be ok for us, that we can still have a future together.
Why?
Bakit?
Hindi naman siguro ako ganun ka desperada sakaniya noh?
Pero what if masyado na'kong desperada sakaniya?
What if nagsasawa na siya sakin?
What if.....
Tanginang buhay ko 'to dinaig pa yung buhay ng isang sundalo kung manakit. Kala mo naman nagtraining ako para maging handa ako na masaktan.
Eh wala namang ganung training. Kung meron edi sana nag attend na'ko.
Pero puta, ang sakit pa din.
Ang sakit malaman na nahulog na siya sa iba...
Ang sakit makita na magkaka anak na sila.....
Ang sakit makita na masaya siya sa iba....
Bitter ka din minsan Lord. Nakakainis. Oo lord nakakainis!
Parang tanga kasi. Ba't kailangan mo pa kaming pagtagpuin kundi naman kami para sa isa't isa?
Ano lesson?
Lord teacher ako promise, sawang sawa na'ko sa mga lessons.
Hindi ba pwede na sa kasiyahan naman ako mag sasawa?
Wala bang ganun?
Kung may ganun inform niyo ko, mag sign up agad ako!