(SERIES #1)
"I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano'
Through this story we will encounter the sto...
Florence's POV Nakahiga pa rin kami ni Elle sa blanket na nakalatag sa buhangin.
Nakabalot ang kamay niya saakin at ganun din ang kamay ko sakaniya.
Nakasandal sa balikat niya ang ulo ko habang ang alon lang ng dagat ang nagsisilbing tunog sa paligid namin.
We're cuddling in the sand under those thousand stars.
Gabi na pero nais muna namin sulitin ang oras na 'to.
Hanggang sunday pa naman kami pero iba pa rin ang pakiramdam pag sinulit mo ang mga moments ng present.
Iba pa rin kasi talaga pag sinulit mo ang isang bagay dahil di naman tayo sigarado na muulit pa ito.
"Elle" mahinang tawag ko sakaniya.
"Mhm?" sagot naman nito.
"Can I ask you something?" Tanong ko at tumango naman siya.
This is the one thing stuck in my mind since that day. Kaya ngayon ko na 'to itatanungin.
After all deserve ko pa din mabigyan ng kaliwanagan.
"When I fetch you in the bar that night. You told me in the car that you don't love your husband and you like me. What does that mean?" Kumunot naman ang noo niya at tumingin ito saakin.
"Uhm..." wala naman na itong nasabi kaya ako na muli ang nagtanong.
"Do you like me more than friends?" I asked straight to the point.
I'm not doubting that she likes me like that. Nahahalata ko naman sa galawan niya minsan.
"If I said yes, are you going to leave me?" Tanong niya na tila ba'y may halong takot at pangamba sa boses niya.
"Do you, Elle?" huminga naman ito ng malalim at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
One thing I notice about her ay hindi siya masyado nagpapakita ng emosyon. Kaya mahirap din siya basahin at intindihin minsan.
"Yes" maikling sagot niya. Tibok naman ng puso ko ang bumilis ngayon.
So tama nga?
Gusto nga niya ko?
"Kelan pa?" tumingin ito saakin at ako ay seryoso lang.
Curious kasi ako!
Ganto ako pag nacu-curious.
"Since the day I met you" saad niya. Nakangiti siya ngunit may tagong takot sa mga mata niya.
"Why? Kasal kana Elle. I can't let you fall for me knowing na may asawa ka na" I stated pero halata pa din ang lungkot sa boses ko.
Totoo naman diba?
Kasal na siya at hindi na pwedeng maging kami.
Hindi ako papayag na makipag divorce siya dahil gusto niya ko.
"I told you before Kenzie, I don't love him" malungkot na sagot niya.
"Why? Hindi naman kayo pwedeng magpakasal lang dahil trip trip niyo lang" I said.
My voice is filled with curiousity, pain and mix emotions.
"I can't tell you the reason yet, Kenz. But trust me, we are getting a divorce. If you're worried that I'm divorcing him because of you, it's not. There is a bigger reason for that, love" paliwanag niya at hinaplos ang mukha ko.
Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko nung tinawag niya akong ‘love’ tila ba'y na babaliw yung puso ko sa isang salita.
"But you aren't divorced yet Elle. I can't be your mistress" malumanay na sagot ko.
Totoo naman, kahit kelan pa sa buhay ko ay hindi ko ginusto maging isang kabit.
"You won't be, Kenz. Trust me, I won't let that happen" tumango nalamang ako at mas dinikit ang katawan ko sakaniya.
"Can I ask you something?" Tanong niya.
"What is it?" Tumingin muli ako sakaniya at inantay ang tanong niya.
"Can I court you?"
Tila ba'y tumigil ng ilang sigundo ang oras at ang puso ko naman ay walang tigil na kumakabog sa dibdib ko.
Court me?
Sure ba siya diyan?
Nagisip muna ako ng ilang minuto habang nakatingin sakaniya.
Wala akong ibang maisip dahil nawawala nanaman ako sa mga berdeng mata nito.
"Yes"
Ngumiti naman ito ng malaki nung marinig niya yung sagot ko.
"Are you sure about your answer?"
"Are you sure about courting me?"
Natawa naman kaming pareho sa mga tanong namin.
Pero kahit papano ay kailangan pa din namin maging sigurado sa mga desisyon namin.
Ayoko namang pagsisihan namin 'to sa huli.
Mas lalo't magiging co-teacher ko pa siya.
Isa pa yun, I can't wait to work with her.
Pero sa moment na 'to, para bang nalimutan namin na parehas kaming guro.
"I like you too, Elle. Since the first time I saw you when Ma'am Thalia introduced us to you and Ma'am Blaire"
Napatingin naman ito saakin sa gulat.
Dahil kahit ako ay hindi ineexpect na magugustuhan ko siya eh mas lalo nung oras na nalaman kong may asawa na siya.
"What? That fast?" Kunot noong tanong niya sakin.
"Ay hindi sis, that slow siguro" inirapan nanaman niya ko.
Eto talaga napaka hilig mangirap, buti nalang gusto ko siya.
Ilang oras na kaming nakahiga lang dito. Ewan ko ba pero napaka tahimik ng lugar na 'to tapos kami lang dalawa ng bebe ko yung magkasama.
Oo bebe ko bakit?
Ang may problema sisipain ko.
Kinuha ko naman yung cellphone ko at pinicturan yung view.
Yung dagat at himpapawid syempre, ano pa bang view meron dito?
Nang buksan ko yung instagram para ipost ay bumungad sakin yung post ni Elle.
Picture ko na sillouette, ito yung oras na bago ko siya tinapon sa tubig kanina.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
♡51,376 likes real_reaielle Le soleil se couchait toujours avec ton sourire, ma chère. (translation: the sun would always set with your smile, my dear)
Kahit gusto ko maglumpasay sa buhangin at tumalon talon sa dagat ay ngumiti nalang ako.
Kasi naman te, ang sweet naman kasi ng isang Jelena Reaielle.
Yes nakakaintindi ako ng french dahil naghire sina Lola lang private language teacher para saamin nung mga bata pa kami.
Gusto kasi nila na matuto kami magsalita ng iba't ibang language dahil balang araw kami na ang mag te-take over ng kumpanya ng mga Herbertia.
Knowing our family kahit saang sulok ng mundo ay mayroon kaming property at buisness.