•Sometimes you just don't know the answer - MBSW

139 3 0
                                    

Florence's POV
Maaga akong umalis para bisitahin si Zian. Kailangan ko na talaga ng sagot sa mga tanong ko.

Pinaalalahan na din namin yung babysitter ni Jay na wag muna silang lalabas ng bahay mas lalo't delikado pa.

Si Parixia naman ay yung Tita Thally muna niya yung magbabantay sakaniya.

Bantay sarado yung mga kaibigan namin kay Parixia. Nakwento kasi namin sakanila kahapon yung isinaiwalat ni Mr. Monte saamin.

Kaya ayun bantay sarado sila kay Parixia dahil binabantay naman ng babysitter si Jay.

Pagkababa ko ng sasakyan ay binigay ko agad yung id ko sa attendant tas tinulungan nalang ako ng pulis makapunta sa visitors area.

Doon nagaantay si Zian.

"Florence" bati na saakin na may halong ngiti pero hindi napalitan yung seryosong mukha ko.

"Talk" usal ko sakaniya pagkaupo ko.

"I'm really sorry Flo, hindi ko sinasadya yung ginawa ko sayo nun. Pinilit lang ako ni kuya na gawin yun sayo dahil nalaman niya na may relasyon kayo ni Ate Jelena. Akala kasi ni kuya kapag nabuntis ka ay mas mapapalayo yung loob mo kay Ate, at makukuha niya ulit yung loob ng ex-wife niya. Tutol ako sa pinaplano niya Flo pero wala akong nagawa dahil binantaan niya yung buhay ko at siya daw mismo ang mananakit sayo. I'm really sorry Flo, masyadong malakas at delikado si kuya para malabanan ko siya. Hindi ko sinasadya yung ginawa ko sayo"

Nagulat naman ako sa inamin ni Zian. So pati iyun ay plano ng kuya niya?

Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng lalaking yun!

Nang damay pa talaga ng ibang tao, mas malala ay kapatid pa niya ang pinagbantaan niya!

"Paanong delikado si Adrien?" tanong ko sakaniya.

Huminga muna siya ng malalim bago eto sumagot saakin.

"Back when he was 14 and I was 5 doon namin nalaman na mayroong 'Anti-social Personality Disorder' si Kuya Adrien. Habang tumatanda si kuya ay mas lumala siya. He's too dangerous Flo, tas nalaman ko na nakawala siya sa kulungan. Be careful Florence hindi biro kalabanin si Kuya Adrien. For sure he is back for his revenge, wag na wag mong pababayaan si Ate Jelena at Parixia, Flo. Sila ang target ni Kuya Adrien" paliwanag niya saakin.

No wonder ba't psychopath yung lalaking yun. Mayroon pala siyang metal disorder.

"Bakit siya galit sa pamilya namin?"

"Honestly hindi ko alam, ever since he turned 15 parati na niyang sinasabi saamin kung gaano siya ka galit sa inyong mga Herbertia. Pero kahit isang beses ay hindi niya sinabi saakin yung rason. Sila lang nila mom and dad ang nakakaalam" sagot niya saakin.

Naniniwala naman ako sa sagot niya, dahil alam kong hindi nagsisinungaling si Zian.

Mabait naman siya pero dahil sa kuya niya kaya siya nandito ngayon.

Pero hanggang ngayon ay gusto ko pa rin malaman kung galit na galit saamin si Adrien.

Napakadami kong tanong but sometimes you just don't know the answer to those questions.

"I'm really sorry sa nagawa ko Flo. Alam ko hindi ako naging ama kay Parixia, dahil hindi pa ako handa but this time let me make it up for her. Hindi ko hinihiling na maging ama niya ako, ang gusto ko lang ay kahit makasama man lang siya para maradaman niya nandoon yung taong nakabuntis sa nanay niya kahit hindi niya alam" mahinhin niyang saad saakin.

Never ko kasing sinabi kay Parixia yung tungkol sa nangyari saakin noon.

Ang akala lang niya ay nabuo siya tulad nang prosesong ginawa kay Jay. Through IVF.

"I don't know Zian. Hindi ko masasagot yan nang wala si Jelena" tumango naman siya pero kita pa rin sa mga mata niya ang guilt, lungkot at kahihiyan.

Walang kasalanan dito si Zian dahil dinamay lang siya ni Adrien.

Pero ngayon ang gusto kong harapin ay si Adrien....

__________________________
(short chapter)

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now