•It's 2 A.M. - MBSW

125 3 0
                                    

Florence's POV
It's 2 A.M. at ginising ko si Connor dahil nagc-crave ako. Nakalimutan ko na hindi nga pala nakakapagluto si gaga kaya ginising niya rin si Sasha.

"Ano gusto mo beh?" Tanong ni Sasha habang nagtitingin ng mga ingridients sa drawer niya.

"Gusto ko ng garlic parmisan wings na puro hita. Tsaka Mac&Cheese tas may confectionery sugar sa taas" nakangiting saad ko.

Tumingin naman ito saakin na may naglalakihang mata.

"Beh walang parmisan wings na puro hita. Pano ko gagawin yun? Tsaka sure ka ba? Mac&Cheese with confectionery sugar?" tanong nito saakin.

"A-ayaw mo ba?" Humikbi naman ako at pinunasan yung mga mata ko.

"Hoy gaga ba't mo pinaiyak?" Rinig kong tanong ni Connor bago ito lumapit saakin.

"Ayssst, shhh wag ka iiyak bebe. Eto na lulutuan na kita ng parmesan wings na puro hita tsaka Mac&Cheese na may confectionery sugar" sabi ni Sasha at hinanda na yung mga sangkap.

"Totoo ba yan? Lulutuan mo talaga ako?" Sinisinok na tanong ko sakaniya.

Gosh I hate prenancy.

Simpleng bagay nalang iniiyakan ko pa.

"Oo, eto oh unahin ko muna yung mac&cheese para madefrost yung chicken"

Pinanood ko lamang siya habang nagluluto siya. Nakangiti ako na parang bata, nasasatisfied sa ginagawa niya.

"Yieeee! Excited na'ko!" Tili ko habang nagluluto siya.

"Oh sige na beh, upo ka muna baka mapano pa kayo" inalalayan naman ako ni Connor sa upuan.

Naguilty pa din ako kasi ginising ko sila ng gantong oras. Nakakaletse din 'tong pregnancy cravings na 'to.

Nalungkot naman ako bigla at humikbi. Pumunta naman agad saakin si Connor.

"Anyare beh? May masakit ba? Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong niya.

"Gusto ko makita si Ma'am Jelena" wala sa sariling sambit ko.

"Hah? Ma'am Jelena? Beh tulog na yun bukas nalang ok?" Umiling iling naman ako at mas umiyak pa.

"Noooo! Gusto ko now na!" umiyak lang ako ng umiyak at tinawagan na rin agad ng kaibigan ko yung taong gusto ko makita. 








_______________________











Jelena's POV
Tumawag sakin si Connor at sinabing gusto daw akong makita ni Florence.

2:30 ng umaga gusto ako makita?

Sinabi din niya sakin na bilisan ko dahil hindi daw ito tumitigil kakaiyak.

Ba't naman siya umiiyak? At ba't naman niya ko gusto makita?

Ah oo nga pala.....

Buntis nga pala siya.

Nakalimutan ko.....

Tumayo naman ako agad, hindi na'ko nagpalit ng damit. Dahil gusto na daw ako makita ni Florence ngayon din. Buti nalang malapit lang yung condo ni Sasha sa bahay ko.

Mabilis lang ako nakarating dahil walang traffic, unti lang yung mga sasakyan sa daan.

Tumakbo nalang ako agad sa unit niya at niring yung doorbell.

Binuksan naman agad ni Connor.

"Sorry po sa abala, Ma'am. Huhu di na po kasi namin alam pano patatahanin si Flo eh"

"It's ok, where is she?"

Ok lang, basta kay Florence.

Basta sa taong mahal ko.

Pinapasok na'ko ni Connor at dinala ako kung nasaan si Florence. Doon ko siya nakitang umiiyak sa bisig ni Sasha habang may nakahain na mga pagkain.

"Is that mac&cheese with confectionery sugar?!" Nandidiring tanong ko.

Well nakakadiri naman talaga. Ano kayang lasa niyan?

"Ah, eh yes po ma'am"

Umalis naman si Sasha at ako yung pumalit sa pwesto niya.

"Hey sweety, why are you crying?" Tanong ko kay Florence.

"Ikaw kasi! You're not talking to me anymore. Iniiwasan mo na'ko!" Humikbi pa ito lalo. Siniksik naman niya yung mukha niya sa leeg ko.

"Ah ma'am, sa kwarto na po kami. May guess room po diyan kung gusto niyo po mag stay. Iwan na po namin kayo" turan ni Sasha at hinila si Connor.

Nilipat ko naman yung atensyon ko kay Florence.

Anong hindi ko daw siya pinapansin?!

Iniiwasan ko raw siya?

Ay gago siya nga unang umiwas sakin tas ako naman di pumapansin sakaniya?

Ganto ba talaga pag buntis?!

"I'm so sorry, love. I thought ayaw mo akong kausap kaya di kita pinapansin. Sorry baby, please don't cry na po" I whispered at inangat naman niya yung ulo niya.

"Ayaw mo na ba saakin? Why cause I'm pregnant na? Kasi mukha na akong bangag?" Sunod sunod sa tanong niya sakin.

"What? No, love of course not. You're still beautiful and I still love you even now that you're pregnant" sagot ko sakaniya habang pinupunasan yung mga luha niya.

"Really? Hindi mo ko jinojoke time?" umiling iling ako at hinala siya sa bisig ko.

Asan ba jowa nito?!

Buntis siya tas hindi man lang samahan nung jowa niya.

ABA MAS GAGO PA YUN SAKIN AH!

Mga lalaki nga naman.

"Love love ko" she called.

I was a bit taken back sa kung paano niya ko tinawag. Is this for real?

She called me ‘love love’ again.

Hala kinikilig nanaman yung puday ko! Hahaha

"Yes, baby?" Tanong ko sakaniya.

"Let's eat love love. Here oh, mac&cheese with confectionery sugar" hinalo halo niya yung mac&cheese habang tinitignan ko ito na may pandidiri.

Yuck.

Anlasa niyan?

"Here love love, try some!" wala akong nagawa kaya sinubo ko nalang yung nasa kutsara.

Mas ok pa na kainin ko kesa umiyak ulit siya.

Nginuya nguya ko naman yung nasa bibig ko. Infairness hindi siya ganun ka pangit yung lasa.

Lasang mac&cheese pa rin naman pero mas matamis na version.

"You like it, love love?" masayang tanong niya saakin.

"Yes, but it's too sweet. Hindi ba yan nakakasama for the baby?" umiling naman siya bago sumubo.

Kumuha din siya ng chicken at sinubuan ako.

"Nyam nyam yan, love love. Sasha cooked it for me!" parang masayang batang sambit saakin.

"It's very delicious. I didn't know Ms. Madrid can cook" sagot ko sakaniya.

"I can cook too! Pero di ganyan reaction mo!" Iiyak nanaman sana siya pero pinatahan ko agad.

Hinyaan ko nalang siya kumain hanggang sa maubos niya yung pagkain. Sinusubuan niya rin ako pero sabi ko ay siya nalamang ang kumain.

Pinapanood ko nalamang siya habang masayang kumakain ng pagkain na niluto ng kaibigan niya.

Susulitin ko nang tignan siya. Baka ito na yung huli eh.....

Atleast na sulit ko kahit huli na.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now