•My smile is like I won a contest - MBSW

144 3 0
                                    

Florence's POV
"ELLE!" sigaw ko sa fiancé ko.

Oo fiancé ko, may problema kayo?

"Yes, love love?"

"Yung panubigan ko beh, pumutok na!" malakas sa usal ko sakaniya. Sobrang sakit kasi, at nagkakaroon na'ko ng contractions.

"What?! Now?!"

"Ay hindi beh, bukas pa! Tangina mo ka ang sakit!"

Nagsimula naman siyang magpanic habang ako ay nakaupo sa sofa dumadaing.

Galing diba, kala mo siya yung manganganak.

"HOY KUMALMA KA NGA! Baka ikaw pa unang maospital kesa sakin!" Tumingin naman siya saakin at panic pa din ang nakasulat sa mga mata niya.

"Ok, ok" pinakalma niya muna yung sarili niya bago siya pumunta sa kwarto namin.

Dito kasi kami sa bahay niya nakatira, yung condo ko naman ayun mukhang nilumot na ata.

Pagkababa niya ay dala dala na niya yung hospital bag na hinanda namin last week.

Mas ok nang prepared nuh!

"Hold onto me, baby"

Inakay naman niya ako papunta sa sasakyan niya. Sinakay niya ako sa passenger seat tas kinabitan ng seatbelt.

Syempre mag seatbelt pa din, alanganaman tumalsik ako pag nag break siya bigla.

Nagmaneho na siya ng mabilis papuntang hospital. May dugong racer yata 'to eh.

Parang naiwan yata kaluluwa ko sa bahay dahil sa pagmamaneho niya.

Tumakbo naman siya sa loob at pagkalabas niya ay may dala na siyang wheel chair.

Inupo niya ako dun sa wheel chair tas kinuha niya yung hospital bag.

Medyo bumaba naman yung level of pain pero alam ko panandalian lang yan dahil nararamdaman ko na yung contractions.

"Doc!" Tawag nv fiancé ko.

"Here Ms. Padilla follow me!" sinundan namin si doc sa labour room. Binigyan din ako ni doc ng hospital gown para daw mas komportable ako.

Tinulungan naman ako ni Jelena magpalit, kaya ayun hindi ako gaano nahirapan.

"Love love, call our friends" utos ko kay sa fiancé ko.

Kinuha niya agad yung cellphone niya at cinall si Ma'am Thalia.

Siya kasi yung pinaka one call away saamin. Kahit nasa klase siya ay sasagutin niya yung tawag mo.

"Hi mga beh, ano need niyo?"

Kinuha ko naman yung cellphone kay Jelena.

"I'm in labor beh. Share ko lang beh baka sakaling interesado ka sa chika ko" sagot ko sakaniya.

"WHAAAAAAAAAAAA OMG!!!!!! YOU'RE IN LABOR?! HALA GAGI WAIT LANG!" Sigaw niya mula sa kabilang linya.

Nagtatakbo naman siya sa faculty room, kinukuha ata yung gamit niya.

Tumakbo naman siya sa Science office tas sinabi iyun kila Ma'am Liora. Tinawagan nalang ni Connor si Sasha para sabihin ito sakanila ni Ma'am Blaire.

"Papunta na kami diyan! Wag mo muna iire yang anak niyo, dapat present kami pag ginawa mo yun!" excited na sabi niya at pinatay yung call.

Tawang tawa naman yung kasama ko sa kagaguhan ng kaibigan namin.

"Nakakahawa tawa mo beh, tumigil ka" tumigil agad siya sa pagatawa at nilapitan ako.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now