•I rewind the tape - MBSW

385 9 1
                                        

Florence's POV
4 years na yung nakalipas, kaya apat na taon na rin kaming kasal ni Jelena.

Pinanganak naman ng asawa ko yung bunso namin noong December 25, 2027 na si 'Paris Jaylen Padilla Dela Mercano'.

Through IVF yung process sa pagbubuntis niya sa bunso namin, effective naman kasi healthy si Jaylen nung lumabas siya sa nanay niya.

Si Rixie ay 5 years old na ngayon, si Jay naman ay mag 2 years old palang.

Ang bilis ng panahon at ang lalaki na ng mga anak namin.

Kontento na kami ni Elle sa dalawang anak, swerte pa nga namin dahil isang lalaki at babae ang binigay saamin.

Sana ol diba?

Teacher pa rin si Jelena tsaka yung mga kaibigan namin, habang ako ay nagtatrabaho bilang dean at principal ng school.

Pero kahit anong school trip ang mangyari ay hindi ako makasama sama, pinag aagawan kasi ako ng college, highschool, elementary at kindergarten.

Kala niyo tao lang nag aagawan sakin noh?

Hindi beh, dun kayo nagkakamali!

Napagdesisyonan ko na magbukas din ng kindergarten para all around na yung school namin.

Tas nag open na rin ako ng scholarship, ayun maganda naman yung takbo ng university.

"Mama!" tumakbo saakin si Rixie, kakatapos lang ng pasok niya.

Nasa kinder palang siya ngayon, pero next school year grade one na yung baby ko.

Gusto niya daw na dito na siya mag aral para daw hindi na kami mastress ng mommy niya kakahanap ng paaralan na papasukan niya.

Sweet ng anak namin noh?

Mainggit kayo!

"Look po mama! Teacher gave me so many stars" pinakita naman niya saakin yung mga nakastamp na stars na nakuha niya.

Tanda ko pa nung kaedad niya ko ay ganyan din ginagawa ko kay mommy.

"Wow, galing naman ng baby ko! Syempre kapag very good may reward" inupo ko siya sa legs ko.

Nandito kasi ako sa office ko ngayon, wala pumipirma ng kung ano anong chene.

Miss ko na nga yung office ko sa law firm ko, mukhang nilumot na yata yun.

Yung condo ko naman ay nireserve ko nalang para pag gusto nang mag pakaindependent ng mga anak namin ay ipapamana ko nalang yung sakanila.

Naghire lang ako ng care taker...

"Wala po akong gusto mama" sagot ng anak ko.

Hah?

Anong wala?

Kung ako yan nagpabili na'ko ng ipad okaya jollibee.

Charizzz, joke lang.

Nagmumukha akong bad influence sa mga anak namin.

"Sure?" Tanong ko sakaniya.

"Actually mommy, gusto ko po pala ng Afritada"

Ayan na nga ba sinasabi ko eh.

Yung peyborit nanaman niyang Afritada ala Mommy Jel.

Oo, si Jelena taga luto namin kasi ayaw niya daw akong mas nas-stress dahil sa gawaing bahay.

Hindi kami naghire ng mga katulong sa bahay namin, baby sitter lang para kay Jay ang meron kami.

At mostly nagstay lang sila sa bahay habang nag tatrabaho kami.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now