•You ruined my life - MBSW

534 6 0
                                        

Florence's POV
"DAMN YOU ADRIEN NASAAN YUNG MGA ANAK KO?!" malakas na sigaw ko sa telepono.

It's been two days simula nung maabduct si Parixia at si Jay.

Hindi namin alam kung paano yun nangyari pero kahit yung babysitter nila ay nawawala rin.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin sila, kaso tumawag si Adrien kaya nagsisigaw na ako rito.

"If you really want to have your children back puntahan mo ko sa lumang manor ng mga Herbertia. At wag na wag kang magsasama ng ibang tao! Subukan mo lang at kikitilin ko ang buhay ng panganay mo" pag babanta niya.

Hayop na Adrien 'to!

Wala nang ibang ginawa kung hindi maging consumisyon sa buhay namin!

"Wag na wag mong sasaktan ang mga anak ko Adrien! Isang pantal lang niyan ay ako na mismo ang papatay sayo!"

Tumawa naman ito na parang isang kontrabida sa kabilang dulo ng tawag.

"Nasa sayo yan Florence" pinatay naman niya agad yung tawag at binalibag ko yung cellphone ko.

I swear to God!

Saktan lang talaga niya ang mga anak ko ay ako mismo ang kikitil sa buhay niya!

"Love?" binaling ko yung atensyon ko saaking asawa na ilang araw na ring walang tulog.

Narito kaming lahat sa bahay namin ni Elle.

Pati sina Atty. Peralta, Atty. Marcez  at Mr. Monte ay narito.

"I know where they are. Pero hindi kita pwede isama" saad ko kay Jelena.

Kumunot naman ang noo niya. Alam kong hindi siya papayag pero kailangan.

Sinabi ko sakanila lahat ng sinabi ni Adrien at gumawa kami ng plano para mahuli ito at makuha namin yung mga bata.

Umalis naman kaagad ako at pumunta sa lumang manor ng mga Herbertia.

Sa Taytay, Rizal yung location nito kaya medyo ilang oras din ang byahe.



















"ADRIEN!" malakas na sigaw ko pagka pasok ko sa manor.

Hindi ito ang unang beses na punta ko dito dahil 7 years old lang ako nung inabandona namin ito.

"There you are! Nice to see na wala kang kasama" maligalig na sagot niya saakin.

Nagdilim naman yung aura ko at inikot ko yung paningin ko para hanapin yung mga anak ko.

"Ilabas mo yung mga anak ko!"

"Don't worry, Florence. Kasama nila yung babysitter nila, pero tayo. Syempre chichikahan muna tayo, little sister"

Ano raw?

Little sister?

Gago ba 'to?

Yuck!

Wala akong kapatid na mas masahol pa sa hayop!

"What do you mean?" kunot noong tanong ko sakaniya.

"Oh come on little sis. Hindi mo man lang ba tatanungin kung paano napadpad dito yung mga anak mo? You're better than that Flo" nakangising sagot niya.

"Stop calling me little sister. Hindi kita kapatid at hinding hindi kita tatanggapin bilang kapatid ko!" galit na usal ko sakaniya.

"Ouch, that's hurts my feelings" umakto ito na akala mo eh broken hearted. Kapal ng mukha!

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now