Jelena's POV
Nakita ko kung paano natumba sa sahig yung anak at asawa ko.
Natamaan ng bala si Parixia nung nabaril si Adrien ng mga pulis dahil na out of balance ito.
Si Florence naman ay ilang bala ang natamo. Siya yung napuruhan dahil siya talaga ang target ni Adrien.
Tumakbo ako agad sa mag ina ko at binuhat yung anak ko habang nasa harap naman si Florence.
"Wag niyo kong iwan dalawa! Punyeta kayo sinasabi ko sayo Florence wag na wag mo kong iiwan!" Humihinga pa yung asawa ko pero mahina na ang pulso nito.
"Ma'am" tumabi naman agad ako at kinabit nila yung mag ina sa stretcher bed.
"Please save them!" mayroon namang yumakap saakin at alam kong si Connor yun dahil sa amoy palang niya.
"Lika na ate, kailangan natin sumunod sakanila sa hospital" tumakbo agad ako papunta sa kotse at si Connor na yung nag drive.
Hawak hawak ko si Jaylen habang pinupunasan yung mga luha ko.
Please love love, lumaban kayo.
Wag niyo kong iwan!
Bumaba ka agad ako ng sasakyan kasama si Jaylen at tinakbo ko yung emergency room.
"Doc! Doc asan yung mag ina ko?" tanong ko sa doctor na nakasalubong ko papasok sa emergency room.
"Yung bata po ay nasa emergency room na at inooperahan po siya para matanggal yung bala na tumama sa lower left abdomen niya" nakahinga naman ako ng maayos nung malaman ko na nasa maayos na kamay na ang anak ko.
"Yung asawa ko po doc?"
"I'm so sorry Ma'am we did everythig we could but she was dead on arrival.... sila po nung lalaki"
Gumuho naman yung mundo ko sa sinabi nung doctor.
Please tell me this is a joke!
"Ate?" pinasa ko muna si Jay kay Connor dahil alam ko na kahit anong oras ay matutumba ako.
"Jel?!" sinalo naman ako ni Blaire at humikbi ako sa bisig niya.
"What happened, Jel? Is Flo ok? Si Parixia?" sunod sunod na tanong saakin ni Liora.
"My daughter is in the operating room" sagot ko sakaniya.
"Si Florence?" tanong ni Sasha.
"T-they.... sila n-ni Adrien.... they w-were both..... dead on arrival"
Nasaksihan ko ang gulat at ang pagtulo ng kanilang mga luha.
"HINDI! HINDI TOTOO YAN! HINDI PATAY SI FLORENCE!" sigaw ni Sasha.
"Hindi totoo yan! Hindi pa patay yung bestfriend ko!" niyakap naman ni Thalia si Sasha at pilit nitong pinapakalma.
"No, hindi ako papayag! Hindi pa patay si Florence, hindi pa patay yung bestfriend ko Thalia!" humikbi naman ito kay Thalia na umiiyak na rin.
Si Connor naman ay tahimik lang sa gilid hawak hawak yung anak ko na mahimbing na ang tulog.
Bakit mo ko iniwan, mahal??
Akala ko ba tatanda tayo kasama ang isa't isa?
Pero ba't ang daya daya mo?
Iniwan mo nanaman ako....
Iniwan mo kami...
Isang linggo namin dinaos yung burol ni Florence. Si Parixia naman ay unti unti na rin gumagaling at pinayagan na siyang umuwi ng doctor.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
