Florence's POV
Break ng mga bata ngayon kaya andito uli kami sa canteen kasama yung 4 na teachers.
Habang kumakain kami ay may tumawag saakin.
Yung boses na halos isang taon ko na din hindi narinig.
"Baby Rence!" Tumakbo papunta saakin si Ate Leana.
Umuwi pala siya pero di niya sinabi sakin.
"Hi guys, how are you two?" Tinanong niya yung dalawang unggoy.
Nakayakap pa rin ito saakin...
"Ok lang naman te, pero miss kana ni Baby Rence" gusto kong tusukin ng tinidor yung dalawa pero ngumiti nalang ako.
"Awe, how are you bb ko" she asked.
Before I could answer ay nagwalk out si Ma'am Jelena.
Nagulat kaming lahat sakaniya kaya napatingin kami sakaniya.
Rinig na rinig pa ang malakas at galit na tunog ng heels niya habang siya ay naglalakad.
Anyare kaya sakaniya?
"Ah, ok lang naman ako ate. Ikaw? Bat di mo sinabi na umuwi ka na pala? Sana sumama ako kina tito nung sinundo ka" I said. Tumawa naman ito at umupo sa tabi ko.
"It's ok. I know your busy. Sabi din ni mom nagstart na daw internship mo" sagot naman nito.
"Wait you're Nurse Leana Alvarez right?" Tanong ni Ma'am Thalia.
"Yes. I am also the cousin of Florence, well she's like a little sister to me na" sagot naman ni ate kay Ma'am Thalia.
"I'm Thalia by the way. This is Blaire and Liora. Yung nag walk out naman ay si Jelena, pasensya kana mukhang di nanaman nadiligan yun" saad ni Ma'am Thalia at hinampas siya ni Ma'am Liora.
"God, Thalia you're mouth" Ma'am Blaire stated.
Pansin ko sakanilang apat ay si Ma'am Thalia ang palabiro tapos si Ma'am Blaire yung pinaka seryoso.
"Una nako Baby Rence, baka hinahanap nako ni mom" nag paalam na din ako kay Ate at umalis na din siya agad.
Knowing Aunt Margaret ayaw nun yung mga pabagal bagal.
Strict talaga siya when it comes to time.
Kahit anak ka pa niya ay di ka exempted sa sermon niya pag di ka dumating sa tamang oras.
Nang makauwi ako sa condo ay naligo agad ako.
Dumaan muna ako sa office pero di ako nagtagal dahil gusto ko ng magpahinga.
Hindi muna daw matutulog dito si Ate kaya hindi ko muna inayos yung guess bedroom.
Kakatapos ko lang kumain kaya nag toothbrush muna ako.
Gustong gusto ko na din kasing magpahinga dahil nakakapagod mag PE.
Eto lang ayoko sa MAPEH eh, yung PE. Diyan talaga nawawala ang dignidad ng isang tao.
Papasayawin ka ba naman kahit labag sa kalooban mo.
Pero no choice need pa din sumayaw, kaya eto pagod na pagod ako.
Pano ba naman ako pinagturo ni ma'am ng steps sa mga bata.
Kahit nakakapagod ay puno pa din ng tawanan ang klase namin kanina.
Ok nako dun, dibali nang mabawasan ang dignidad atleast nageenjoy.
Alas 9 na din ng gabi kaya naisipan ko munang manood ng movie.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
