•Nobody understands - MBSW

417 6 0
                                        

Florence's POV
Nagstay muna ako dito sa condo ni Sasha, dahil ayaw niya akong paalisin pero sa totoo ay ayoko din munang mapag-isa.

Ewan ko ba siguro natatakot ako na baka mangyari ulit yung nangyari kagabi.

Pinaimbestigahan ko naman na agad sa mga lawyer at sa private ditective namin kung sino yung gumawa nun.

Buti nalang ay nakakuha agad kami ng information. Nakuha sa dash cam ng sasakyan ko yung plate number nung motor ng stalker ko.

Alam namin na yun yung sumusunod saakin pero hanggang ngayon ay hindi pa din namin alam yung identity niya. Masyadong magaling mag tago yung gago.

Anyways si Connor naman at sina Tita Marga at Ate Leana ay pumunta rito kanina para icheck ako.

Alam mo yung feeling na napaka daming taong nagco-comfort sayo, at andyan para sayo pero it still feels like nobody understand how you really feel?

Sina Tita at Ate ay kakaalis lang, si Connor naman ay nagstay kasama namin ni Sasha. Siya yung tatayong guard namin ngayon gabi.

Napagdesisyonan din naming hindi na ito ipaalam kita sa apat na magkakaibigan. Tama kayo sina Jelena yung tinutukoy ko.

Close kasi kaming lahat ay parang kaibigan na din namin sila, pero ayaw naming mas mag alala sila sa nangyari saakin.

Kaya hindi na namin 'to pinaalam sakanila mas lalo na kay Jelena.

Pagkaalis nina tita ay naligo agad ako. Hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ako ng cr, umiiyak.

Hindi ko kasi pinakita na weak at iniyakan ko yung nangyari saakin kagabi, knowing myself ay never akong umiiyak sa harap ng mga tao.

Kahit sa mga bestfriends ko pa. Oo naglalabas ako ng hinanakit at sama ng loob pero never once ay umiyak ako sa harap nila.

Kapag kasi umiyak ako sa harap ng mga tao feeling ko ay weak ako. At iju-judge nila ako dahil adult nako at eto umiiyak pa din ako.

Ang huling beses na umiyak ako sa public ay nung nawala yung mga magulang ko. Pero pagtapos nun ay never na uli akong umiyak sa harap ng mga tao.

Sinusubukan ko na hindi umiyak ng malakas o kahit sinukin at ubuhin dahil ayokong mag-alala sa'kin yung mga kaibigan ko.

Grabi pa naman mag-alala yung mga yun, and I hate it when they get hurt themselves pag ako mismo yung nasasaktan.

Ganto kasi friendship namin problema ng isa, problema ng isa.

Walang maiiwan kahit saan.

Walang left out.

"Flo, ok ka pa ba diyan? Do you need help?" Rinig kong tanong ni Sasha mula sa labas.

Ngayon ko lang narealise na kanina pa pala ako nakatunganga, tangina kanina pa pala tumutulo mga luha ko. Bwiset.

"Patapos na din beh, teka lang!" Sagot ko at hinugasan agad yung mukha ko.

Pagtapos nun ay lumabas na rin ako pero chineck ko muna kung di ako mukhang umuhog kanina.

"Here, you can wear this" pinasa naman saakin ni Sasha yung isang pair ng pajama saka lumabas muna ng kwarto para makapag palit ako.

Pagkatapos ko naman ay tinulungan niya akong iblow dry yung buhok ko.

Iniinsist niya kahit sinabi kong kaya ko naman. Pero dahil caring citizen daw siya ay tinulungan na niya ko.

























Nung matapos siya ay kakapasok lang din ni Connor na ngayon ay inaantay kami sa kama habang nakahiga.

"Wow sarap buhay ah" binatuhan ng unan ni Sasha si Connor.

"Baho ng hininga mo beh, shut nalang ang mouth para di magsingaw singaw" sabat naman ni Connor.

"OY CONNOR TIMOTHEE PIRALEZ NEVER NAGING MABAHO YUNG HININGA KO FOR YOUR INFORMATION!" Sigaw ni Sasha at binugahan ng hininga yung kaibigan namin.

"Geh sis sabi mo eh, pero please lang iclose mo nalang ang mouth" natatawang sagot ni Connor.

"Oh tama na kayong dalawa. Baka magsakalan pa kayo diyan" sambit ko bago pa makapagsalita si Sasha.

"Siya kaya yung nauna" tugon ng kaibigan kong babae sabay turo kay Connor.

"I'm stating facts here po"

Humiga nalang ako sa tabi ni Connor at tumabi saakin si Sasha.

Nasa gitna nila ako at mas ok na yun, baka pag si Sasha pa yung gumitna ay magsabunutan pa sila habang natutulog.

Nung tumahimik na silang dalawa ay yumakap naman ako kay Sasha dahil masikip na kapag naglagay pa ako ng unan sa gitna namin.

Si Connor naman ay niyakap din ako mula sa likod ko.

"Goodnight Flo, tsaka sayo gurang!" Maligayang sambit ni Connor.

"Kapal talaga ng mukha mo! Pero goodnight Flossie. Tsaka sana pangit din panaginip mo gurang the 2nd"

Mabuti nalang ay nagsitigil na din sila sa asaran nila dahil gusto ko na talagang makatulog.

Sa dami daming kagaguhang nangyayari sa buhay ko ay tulog nalang ang nagiging escape ko sa mundong 'to.

Kung pwede nga lang na kamatayan na ay mas magpapasalamat pa'ko lalo. Luhuran ko pa.

Hinyupak kasi yang rapist x stalker na yan. Sana pinatay nalang niya ko kung ganyang pang gagago din yung gagawin niya sa buhay ko.

Feeling clown si loko, kala mo naman nakakatawa pinaggagagawa niya sa buhay ko.

Eh para lang naman siyang insekto na akala mo kulang sa pansin.

Kung di lang talaga ako naging weak nung time na yun edi sana nahuli ko na kung sino siya.

Kung di lang talaga... alam ko na sana kung sino siya at kung may kaugnayan ba siya sa pumatay sa mga magulang ko...























Naghahabol ako ng hininga at pawis na pawis nung bigla akong nagising. Napaginipan ko nanaman yung mga nangyari kagabi.

Unconscious ako nung ginawa sakin yun nung pontio pilatong lalaking rapist pero kahit papaano ay naradaman ko pa rin yung pag galaw at pag hawak niya saakin.

Sadyang hindi lang talaga ako makagalaw at hindi ko mamulat yung mga mata ko.

Ayan din yung naging bangungot ko simula kagabi. Kaya agad din akong pinatahan ni Sasha at Connor dahil nanginginig ako at walang tigil sa pag iyak.

Masyadong realistic yung panaginip ko. Alam mo yung parang totoo yung mga nangyayari sa panaginip mo?

Ganun.

Ganun na ganun yung pakiramdam.

Bakit hindi nalang din kasi ako pintay nung lalaking yun? Pinili pa niyang palalain yung sitwasyon ng buhay ko.

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now