Florence's POV
Habang naglalakad ako parking lot ay may pamilyar na boses na tumawag saakin.
"Flo teka lang!" Huminto ako sa paglalakad nang marinig ko yung boses ni Zian.
Siya yung nakababatang kapatid ni Adrien, at nanliligaw din siya saakin simula nung highschool palang kami.
"Ano nanaman ba yun? Diba sabi ko sayo tumigil kana kakahabol sakin at mag move on kana?" lumingon ako sakaniya.
"Alam mo naman di ko kaya yun Flo. I can't get rid of it, I can't get rid of my feelings for you. Tsaka tulad naman ng sinabi ko sayo Flo, di ako titigil na ligawan ka hangga't hindi kita napapa oo" mahabang sagot niya.
"Ilang beses ko na sinabi sayo 'to Zian, please lang ayokong saktan mo lang yung sarili mo sa huli" hinawakan niya ang kamay ko at mas lumapit pa siya sakin.
"Please Flo, don't make me do that. Promise hihintayin kita kahit gaano pa katagal yan. Alam mo namang mahal na mahal kita Flo" he said with a smile.
Huminga nalang ako ng malalim at kinuha yung bulaklak.
"Fine, pero Zian. Please wag mong aksayahin yung oras mo sakin. Ayoko munang pumasok sa isang relationship and di mo naman masisigurado na sasagutin kita. Kaya ngayon palang Zi, try to move on" tumalikod na ako at naglakad papalayo sakaniya.
Mabait naman si Zian eh, greenflag din naman siya pero di siya yung type ko na lalaki.
Matagal nang nanliligaw si Zian sakin pero di ko alam sa lalaking yan di napapagod na hintayin ako.
Binaba ko sa passenger seat yung bulaklak at pinaandar yung sasakyan.
Dadaan muna ako sa firm ko bago umuwi. Kailangan kong kamustahin yung case nina mommy and daddy.
Nang makarating ako sa firm ay sinalubong ako nung secretary ko.
"Good Afternoon Ms. Dela Mercano" bati niya habang nakangiti.
"Good Morning Mia, andito ba sina Atty. Marcez and Atty. Peralta?" tanong ko habang papasok kami ng elevator.
"Yes, ma'am. Would you like me to call them to you office?"
"Yes, thanks Mia. Also call Mr. Monte I would also like to talk to him" tumango naman si Mia at tinawagan agad si yung attorneys at private investigator namin.
Pagkapasok ko ng office ay inabot ko kay Mia yung bulaklak na binigay ni Zian kanina at pinalagay sa vase.
Di naman porket na wala akong feelings kay Zian ay ibabasura ko na yung bulaklak na binigay niya.
Sayang naman yung ganda ng bulaklak kung ibabasura ako, at di ako ganong tao.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na si Mia kasama sina Atty. Peralta, Atty. Marcez at Mr. Monte.
Nung makapasok ang tatlo ay nagpaalam at lumabas na din kaagad si Mia.
"Good Afternoon, Ms. Dela Mercano" bati ni Atty. Marcez.
"Good Afternoon" bati ko naman sakanilang tatlo.
"So may balita na ba about my parents case?" I asked them.
"Well may natanggap akong footage from someone and I saw the plate number of the car na nakabangga sa parents mo" Mr. Monte showed me a picture from the footage.
MRQ3917
"Who sent the footage?" Tanong ko sa private ingestigator ko. Nakatitig lamang ako sa plate number nung sasakyan.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
