•22 - MBSW

376 8 2
                                        

Jelena's POV
Today is January 29, and it's my girl's birthday! Finally she's turning 22!

She's also 7 months pregnant now. And we are both excited to finally meet our little girl.

May isa rin akong surpresa kay Flo. Kinwento ko na rin sa mga kaibigan namin yung relasyon at mga nangyari saamin.

Ang sabi nila ay nakakahalata sila noon pero hindi nalang daw sila nagsalita. Masaya sila para saamin though nakakuha ako ng threats muna kina Connor at Sasha.

Pero payag naman sila sa planong surpresa ko. Nakausap ko na rin yung tita ni Flo, at pumayag din siya.

Nakakalungakot lang dahil hindi siya makakapunta at nasa states pa rin daw sila.

Pero syempre hindi alam ng bebe ko yun.

Surprise nga diba?

But for her 22nd birthday napagplanuhan namin na mag celebrate sa isang orphanage.

Tamang tama dahil sunday rin ngayon.

Kwento kasi saamin nina Connor at Sasha na gustong gusto daw niya mag donate at tumulong. Especially sa mga orphanage.

Kaya dito nalang namin naisipan mag celebrate. For sure naman magugustuhan ni Florence yun.

Nagdala na rin kami ng mga donations para sa mga bata. Mostly ay laruan at mga damit ang binili namin.

Syempre pagkain rin para sakanila pero ang mga staffs daw yung naghahandle nun kaya sakanila nalang namin iaabot mamaya.

Nagbigay din kami ng pera para sa mga trabahador. Makatulong lang kahit papaano sakanila.

Alam kong hindi papayag si Flo na pera namin yung gagamitin para dito kaya hinayaan nalang namin si Sasha na mahiram yung black card niya.

Taray diba?

Black card.

Sana ol nalang....

(Ako na author pero ako mismo wala nun. -A)

Hindi ko alam kung anong powers ang meron si Sasha para ibigay sakaniya ni Flo yung black card niya.

Kakaiba din si anteh, napapayag ba naman yung card holder na ipahiram sakaniya yung card.

Kung ako yan nasampal ko muna siguro siya bago ko maibigay.

"Hoy handa na ba yung lahat?" Tanong ni Thalia.

"Teka si buntis wala pa! Tangina niyo iniwan niyo yung buntis!" malakas na sagot ni Sasha.

Napamasahe nalang ako ng sentido sa dalawang 'to. Kahit kailan talaga, jusko parang di mga guro kung makaasta.

"I'll get her" pigil ko sa kaingayan nila.

Nagbabangayan ba naman, dinaig pa yung mga batang hamog eh.

Tumango nalang yung dalawa kaya dumiretso na'ko sa kwarto ni Flo.

Well guessroom ni Sasha.

Dito pa rin kasi siya nakikitira, kaya madalas ay andito ako dahil ayaw niyang humiwalay saakin.

Kaya pag may pasok ay doon lang siya sa office ko tumatambay. Hindi naman siya nabuburyo doon as long as may pagkain.

Diba?

Magastos talaga bebe ko, pero hindi sa mga materyal na bagay kundi sa mga pagkain...

Binuksan ko yung pinto at doon bumulaga saakin yung kumakain na Florence.

Chocolate na may strawberry naman ang kinakain niya ngayon.

"Love love!" Tawag niya saakin.

From Ma'am to Love love real quick, kaya niyo yun?

Di niyo kaya yun!

"Yes po?"

"Gusto ko ng afritada"

Natawa naman ako habang naglalakad papunta sakaniya.

"Bakit ka tumatawa? Dahil ba masyado na'kong mataba kakakain? Mukha na ba akong circus clown na kulang pa sa make up?"

Ayan nanaman po ang kaniya mood swings.

Mood swings ni Florence entered the group...

"No baby, pero kakakain mo lang kasi ng chcolates with strawberries. Baka mamaya hindi ka na makakain niyan" malambing na sagot ko sakaniya at hinalikan yung sentido ng noo niya.

"Pero love love, I'm craving for some afritada" nagsimula naman na siyang magmaktol na parang isang bata na ayaw bigyan ng candy.

"I promise baby I will give you some afritada once we arrive sa pupuntahan natin ok?"

"San ba tayo pupunta?" She crossed her arms at tinignan naman ako ng masama.

"It's a surprise, love. Hindi ko pwede sabihin sayo" she huffed and kicked her feet like a little child.

"Fine! Alis na tayo gusto ko ng afritada ko!"

Inalalayan ko naman siya sa pagtayo tsaka sa pagbaba narin ng hagdan.

Mas naging sensitive na rin ang pagbubuntis niya ngayon dahil ilang buwan nalang ay manganganak na siya.

"Oh ba't nakasimangot yan?" tanong ni Blaire.

"I want Afritada!" inis na sagot ng kasama ko.

"Tara na oo, para makakain na din 'to ng Afritada"

Umalis narin kami agad dahil malapit na magwala si Florence doon sa Afritada niya.

Nagpacater nalang din kami tutal hindi kami makakapagluto ng ganon ka rami, kulang kami sa oras.

Syempre hinding hindi mawawala sa menu yung Afritada na favorite ng bebe ko.

Nilagyan ko siya ng blind fold pagkapasok namin ng sasakyan. Ayaw pa niya nung una pero nung nilambing ko ayun, umoo naman.

Lambing lang talaga katapat nito.










"Pag ako natisod dito sinasabi ko sayo Jelena ako mismo maglilibing sayo!" masungit sa saad niya.

Inaalalayan ko siya sa pagbaba ng kotse. Yung iba kasi ay pinauna ko na para mahanda na nila yung mga bata.

"Trust me, love. Hindi ng hindi kita hahayaang matisod"

lumakad na kami papunta doon sa may party.

"Here they are! Ok everyone what will we say to Ate Flo?" rinig ko yung boses ni Sasha mula sa mic.

Tinanggal ko yung blindfold niya at doon siya binati ng mga bata at trabahador.

"HAPPY BIRTHDAY ATE FLO!"

Halata naman ang surpresa at kasiyahan sa mukha niya.

"OMG?!" tili niya habang naluluha.

"Happy birthday, beh! Idea talaga ni Ma'am Jel 'to" saad ni Connor at niyakap nila si Florence.

"Beh wag ka umiyak, sayang make mo" pinunasan naman ni Thalia yung mga luha sa mukha ni Florence.

Nakasmile lamang ito habang nakatingin sa paligid.

"You did this for me?" Tanong niya at tumango nalang ako.

"Thank you, love love!" bulong niya saakin habang nakayakap siya saakin.

"You're welcome baby, anything for you" I kissed her cheeks na biglang namula.

Glad to know I still have my effects on her.....

Inabutan naman siya ng mic ni Sasha at inalalayan niya ito paakyat sa stage.

"Thank you everyone! I appreciate it so much! And special thanks to Ma'am Jelena for planing this for me, kahit tinarayan ko siya kanina! Thank you, thank you. I love you so much, mwa mwa chupchup!" natawa naman ako sa mga huling sinabi niya.

Parang tanga naman eh.

Bumaba na ito agad sa stage at hinyaan si Sasha doon. Lumapit naman ito saakin at bumulong.

"Yung afritada ko beh, asan na?"

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now