•You should've known - MBSW

370 5 1
                                        

Jelena's POV
Nakauwi na ako ng bahay ko at imbes na marelax ay mas yumanig yung galit ko.

Andito si Adrien?

Takshapong tao 'to hindi na nawala sa buhay ko. Dinaig pa yung kabute kung sumulpot sa buhay ko.

Pumasok na ako at sa sala ko siya nakita. Nakaupo sa sofa habang may whiskey at sigarilyo sa kamay.

Aga aga yan inaatupag, sa lahat ng bagay, ayan pa naman yung pinaka ayaw ko. Yung umiinom ng kay aga aga at naninigarilyo.

"Where have you been wife?"  Tanong saakin nung platipus sa harap ko.

"It's none of your business, what are you doing here?" sagot ko sakaniya habang sinasabit yung susi ng sasakyan ko.

"Always feisty, you never changed wife"

Manyak ang gago!

Sipain ko kaya betlog niya! Kala mo sinong matapang taob naman pag nasipa yung bugok niyang itlog.

"What do you need Adrien? I don't have all day to deal with you"

"Come on, Jelena. Hindi mo ba talaga ako papakitaan ng affection? It's almost the end of the contract our marriage why not sulitin natin?" Nakangisi ito habang binibuga yung usok mula sa bunganga niya.

Jusko anong klasing hayop ba 'to at mas matalino pa yata ang mga aso't pusa kesa sakaniya.

"You should've known by now Adrien. Hindi kita mahal at kahit kailan man ay hindi kita mamahalin! Tsaka kung gusto mo manigarilyo please do it outside wag dito. Wag mong gawing incense yang sigarilyo mo, kundi ako mismo kakaladkad sayo papalabas" pagbabanta ko sakaniya.

Aalis na sana ako nung muli siyang magsalita.

"You were with her weren't you?"

Napatingin naman ako agad sakaniya.

"With who exactly?" tanong ko sakaniya.

Aba malay ko ba sinong 'her' yung tinutukoy niya.

"Don't act dumb with me Jelena. You should've known by now na hindi ako tanga para hindi malaman yung relasyon niyo ng Herbertia na yun!" Galit sa turan niya.

Wait....

How did he?

"Of course I know about it Jel, I have eyes all over the both of you. Let me guess? Hindi ka niya mahal? That's too sad, umasa ka sa taong akala mo mamahalin ka rin" tumawa naman siya na parang isang kontrabida.

Kontrabida naman talaga....

Kaya siguro mayaman 'tong gago na 'to. Masyado kasing kinacareer ang pagiging kontrabida.

Kontrabida na nga, bida bida pa.

Pano naman ako na hindi mahal ng taong mahal ko?

"Shut up, you don't know what you're saying Adrien. And why would I give a fuck about that Herbertia?"

Nararamdaman ko mas lumalalim na yung galit ko sa lalaking 'to.

Malalim naman na talaga galit ko, mas lumalim lang talaga.

"Come on Jelena, wag na tayong magplastican pa. We both know it to ourselves na mayroon kayong relasyon ni Florence Dela Mercano" sabat pa niya.

"You don't have any proof or evidences" I stated.

May tinapon naman siyang brown envelope sa coffee table pero hindi pa din nawawala ang mga ngiti nito.

Masama yung tingin ko sakaniya, pano ba naman hindi sasama eh bulakbol yung nasa harap ko.

"Go on wife, open it" ngumisi pa ito lalo.

Puro kayabangan talaga walang hiya. Kung matatanggal ko lang talaga yung ngisi niya baka wala ng panghalik yan sa mga babae niya.

Kinuha ko naman yung envelope tsaka ko binuksan.

Nanlaki naman yung mga mata ko sa mga litratong nasa loob.

Pictures namin ito ni Florence. Mayroon sa parking ng campus, sa private villa ko, sa parking condo niya tas yung iba ay papasok siya o kami sa office ko.

"Believe me now wife?"

Tumingin ako kay Adrien at sinampal sakaniya yung mga litrato.

Di lang sampal yung deserve niya pero satisfied na ako na nagwagi yung intrusive thoughts ko.

"So what if we have a relationship? Nung ikaw nambabae I just kept my mouth shut, so what gave you the right to tell me this shits?!" Galit kong singhal sakaniya ngunit tumawa lamang ito.

"I love you Jelena-"

"No you're obsess with me Adrien!" Putol ko sakaniya.

"Well what's the difference if I love you or I'm obsses with you? That doesn't matter Jelena. All that matters ay nasaakin ka at hinding hindi kita iiwan. I can give you everything, my dear. And what can that child give you? She can't even provide you a home kung hindi dahil sa pera ng pamilya niya"

Sinampal ko ulit siya dahil hindi na kakaya ng pasensya ko yung mga pinagsasabi niya.

Totoo ba 'to? Jusko baka mas mature pa yung anak ni Florence sakaniya. Tanginang yan!

"Shut up Adrien. Hindi totoo yang mga sinasabi mo! That child you are talking about, she can provide me a much better home than you could ever give. She can give me everything I want and need. Everything that you couldn't give me!"

Ako naman ang sinampal nito, ramdam ko yung sakit saaking pisngi.

"WHAT CAN SHE POSSIBLY GIVE YOU THAT I COULDN'T HUH? I HAVE ENOUGH MONEY TO BUY EVERYTHING YOU WANT AND I'M DAMN SURE I CAN BUY ANYTHING AND EVERYTHING THAT MAKES YOU HAPPY!" malakas na sigaw niya.

Nagecho sa buong bahay yung boses niya, mas masakit pa sa tenga yung boses niya kesa sa mga salita ni Flo.

"You dumbass! When will you ever learn that money can't buy everything? And seriously Adrien? You really think mapapasaya mo ko? Mayaman ka nga tanga ka naman!"

Sinampal nanaman ako nung bugok pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon na nagpakita na nasaktan ako.

"You are so ungrateful! Pasalamat ka na sinagip ko yung utang ng pamilya niyo saamin! You should be grateful for that! Kundi saakin edi sana naghihirap na kayo!"

Mas kumulo naman yung dugo sa mga sinabi niya.

Sinagip?

Kailan pa niya sinagip yung pamilya namin?!

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at hinila niya ako papalapit sakaniya.

"Makinig ka Jelena, isang beses pa na puntahan mo yang Florence na yan sinasabi ko sayo hindi lang banta ang ibibigay ko sakaniya kundi kamatayan na!"

Umalis siya agad nung binitawan niya ako. Padabog naman niyang sinara yung pinto.

Wait-

What does he mean na hindi lang banta?

Pinag bantaan niya si Florence?

Married But Secretly WaitingWhere stories live. Discover now