Maghahapon na pero sobrang init parin ng panahon kaya halos sobrang pagpawisan ako dahil sa ginagawa ko.
"Oh! Bili bili na kayo ng suman, turon at bananacue! Mura lang po ito at masarap pa, kasing sarap pa ng nagtitinda kaya i mine nyo na! Charot lang!" Sigaw ko na halos ilang beses ko ng sinasabi kaya hindi ko alam kung mapapaos na ako nito kinabukasan. Ramdam ko na din ang lagkit ng katawan ko dahil buong hapon na akong nandito sa loob ng palengke.
"Ijo, pabili nga ako ng limang turon mo atsaka limang suman na din. Masarap ba iyan, ijo?" Biglang sabi ng isang matanda sa akin na sa tingin ko ay nasa mid 40's na.
"Ay oo naman po lola! Niluto ko po yan na may halong pagmamahal at pinagdasal ko din yan na kung sino ang bibili nito ay sana masarap ang ulam ngayong araw. Mura lang naman po itong turon na tig lilimang piso lang tapos ito pong suman ay tig sampong piso lang po. Oh diba! Mura lang po kaya damihan nyo na! Charot lang po hehe," pagsasalestalk ko na may halong pagbibiro kaya parehas naman kaming natawa dahil sa sinabi ko.
"Oh siya sige, gawin mo ng tig sampo." Sabi nito kaya natuwa naman ako.
Oh pak! Galing ko talagang mag salestalk.
Bilib na siguro kayo sa akin no? Ano pang hinihintay nyo diyan, bumili na kayo! Charot lang!
"May sukli ka ba sa limang daan, ijo?" May inabot naman ito sa akin na limang daan kaya kinuha ko naman iyon at sinuri kung totoong pera iyon. Mahirap na baka kasi peke ito. Nang masigurado kong totoong pera ito ay tumingin muna ako kay lola ganda at ngumiti ng napaka tamis dito.
"Sandali lang po lola ganda ah, tatawagin ko lang po ang katapid ko. Wala po kasi akong panukli dito eh," pagpapaalam ko dito dahil kakakuha lang kasi ni nanay kanina ng perang nabenta ko kaninang umaga kaya halos wala pa sa tatlong daan ang meron ako ngayon.
Tumango naman ito sa akin kaya dali-dali akong naglakad at hinanap ang kapatid kong hindi ko alam kung nasaan. Habang naglalakad ako ay napansin kong madaming napapatingin sa akin. Sino ba naman hindi mapapatingin sa akin kung sobrang ganda ko, charot lang pero totoo iyon walang halong biro.
Siguro nung umulan ng kagandahan ay nasalo ko lahat hahaha charot lang!
Maputi ang balat ko at sobrang kinis pa na ikinaiingit ng mga babaeng nandito na mukhang aso naman. Meron din akong makinis na mukha kaya lang ay may konting tigyawat dahil madalas akong magpuyat at maglagay ng make-up sa mukha. May matangos din akong ilong ko at may hugis heart shape na labi. Maganda din ang katawan ko dahil coca cola body ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit sobrang dami ng lalaking nagkakagusto sa akin. Hindi sa pagmamayabang ah pero lahat ng nanliligaw sa akin ay hindi ko sinasagot. Alam ko naman kasing katawan lang naman ang habol nila sa akin. Tsaka wala pa akong panahon para diyan sa pagibig naiyan dahil naka focus muna ako ngayon sa pamilya ko.
Sinabi ko din sa mga lalaking nanliligaw sa akin na bakla ako pero mapilit parin sila at wala daw silang pake kuno kung bakla ako. Well, lahat naman ng lalaking nanliligaw sa akin ay may itsura, may mayaman din pero lahat ng iyon ay hindi ko sinagot.
"Kalokang bata nayun, nasaan ba kasing nagsisipunta iyon?" Bulong na sabi ko dahil nasa dulong bahagi na ako ng palengke pero hindi ko parin siya nahahanap.
Habang lumilinga linga ako sa paligid ay saktong napadako ang tingin ko sa isang basketball court na nasa labas ng palengke at doon ko nakita ang kapatid ko na naglalaro. Agad naman akong pumunta doon at nang makarating ako ay hinila ko ito sa tenga niya.
"Halika ka nga ritong bata ka, hindi ba sinabi ko sa 'yo na wag kang lalayo masyado sa akin dahil wala akong mapaguutusan!" Pagsesermon ko dito habang palabas kami sa basketball court.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanfictionCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...