AFTER 6 YEARS...
CLEO POV
"Iyong mama mo nga chismosa eh!" Dali dali ko naman tiningnan ang aking napaka kulit na anak. Natagpuan ko lang siya sa tabing bahay namin na nakikipag away sa kapitbahay namin. Ito talaga batang ito.
"David! Sinasabi ko sayo! Nangaaway ka na naman diyan! Umuwi ka na at maligo, hindi mo pa natapos ang assignment mo. Naku! Kukurutin kita sa singit, sige ka!" Bumelat muna ang ang limang taong gulang kong anak sa kapit-bahay namin kaya napailing na lamang ako.
Christian David Madrigal, iyan ang pangalan ng anak ko at ginamit ko ang surname namin kasi hindi naman kami kasal ni Calyx.
Medyo matabil ng kaunti ang dila ng anak ko, saan pa ba magmamana edi sa lola.
Medyo masungit rin ito pero malambing ito sa akin. Naempluwensyahan lang siya ng pasaway kong kapatid kaya ayan naging pasaway.
"Sige po dada, wait lang!" Sabi nito at bumingisngis pa.
"Dalian mo isasama kita sa palengke!" sigaw na balik ko sabay pasok sa two storey house namin.
Ang nasa baba ng bahay namin ay ang aming karenderya, ang aming pinagkukuhanan ng pera araw araw.
Kaming dalawa ni Nanay ang nagluluto at si Anne naman ang server. Sino mag aakala na magaaply sa amin si Anne as a server kasi sabi niya ay wala na daw siyang balak bumalik sa manila katulad ko.
Siguro tungkol yon sa ex niyang si Alfred.
Si Nanay naman matapos niya maoperahan ay 3 months niyang hindi magalaw ang kanang kamay dahil sa stroke niya pero dahil sa pag tyatyaga namin sa pag papa check up at sa treatment na rin ay gumaling din si Nanay.
Nagpapasalamat rin ako kay Leslie at Anne dahil sila yong kaibigan kong nandito sa tabi ko ng buntis ako at lugmok sa kalungkutan
Si Leslie ang kakambal ni Anne. Medyo mas mahinhin itong si Ate Leslie. Sa katunayan ay ang gaganda nila, parang may lahi katulad ko. Pero ang sabi daw nilang dalawa ay na rape daw ang nanay nila ng isang banyaga kaya ganyan ang lahi nila.
Hindi naman daw nila nakilala ang nanay at tatay nila at wala silang balak na kilalalanin iyon.
Si Clark naman ay 2nd year college in civil engineering. Sa awa naman ng diyos medyo nakaluwag luwag kami ng pinanganak ko si David. Lucky charm siya ng buhay namin.
About naman kay Calyx at Bernadette wala na akong balita sa kanila basta ang last kong narinig sa balita is magpapakasal daw silang dalawa.
Edi good for them. Naka move on na ako eh.
Minsan hinahanap ni David ang ama niya at hindi ko naman siya panagsisinungalingan dahil may sama ng loob ako sa ama niya. Matalinong bata si David at madali niyang naintindihan nung ipinaliwanag ko sa kaniya na ako mismo ang nagdala sa kaniya ng siyam na buwan. Lahat ng tanong niya tungkol sa isang ama niya ay sinasagot ko ng maayos at walang halong kasinungalingan.
"Anak ito ang bibilhin mo si Clark mo na ang tutulong dito sa akin sa kusina. Paki singil narin si Aling bebang sa Avon niyang utang sa akin 250 pa yon. Sabi niya babayaran niya sa linggo. Linggo na ngayon kaya paki singil nalang. Tapos ito ang 500 paki bayad sa SSS ko. At syempre may tabi ako para sa apo ko, bilhan mo siya ng bagong tsinelas at bagong bag malapit na ang pasukan." Ang bait talaga ng ina ko. Ina ko 'to!
"Si Nanay talaga may ipon na po ako dito para sa school supply ni Christian." Niyakap ko siya patalikod busy kasi siya sa pagluluto ng menudo.
Pinagbawalan ko na siya sa pagtrabaho ng sobra sobra pero ayaw naman makinig. Sa kanya talaga ako nagmana sa pagkatigas ng ulo hehe.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanficCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...