CLEO POV
Dali-dali akong pumunta sa pwesto nila Angeline para tanungin kung napansin nila si Genesis na umalis.
"Oh baks para kang hindi mapakali diyan," Natatawang sabi ni angeline.
"Napansin nyo bang umalis si Genesis?" Tanong ko sa kaniya.
Baka kasi napansin nilang umalis yun.
"Hindi bakit?" Nakakunot na noo niyang sagot sa akin.
Lagot ako nito.
"Hindi ko kasi siya makita, pwede nyo ba akong tulungan na hanapin siya," nahihiya kong paghingi ng tulong sa kanila.
"Sige sige, lagot tayo nito kay Sir Calyx pag nalaman niyang nawawala si Genesis, kasalanan pa natin," may halong takot na sabi ni angeline sabay kagat ng kuko niya.
"Oo nga halika na bilis," pagsangayon ko kahit na halos mamatay na ako sa kaba.
"Ahm, tulungan ko na kayo sa paghahanap since kabisado ko naman ang pasikot sikot dito," pagprepresenta ni Val.
"Maraming salamat val," pagpapasalamat ko sabay ngiti sa kaniya.
"Walang anuman, maliit na bagay lang ito ano kaba," natatawang niyang saad.
Nagsimula na kaming maghanap kay Genesis. Tanong dito, tanong doon, ayan lang ginagawa namin sa mga taong nakakasalubong namin pero ni isa sa kanila ay walang nakapansin kay Genesis.
Jusko po! Naiiyak na ako.
"Maghiwalay-hiwalay tayo para mabilis mahanap si Genesis," pagsuggest ni val na sinang-ayunan naman namin.
"Baks, wag ka ng umiyak, mahahanap din natin siya," pagpapagaan ng loob ni angeline sa akin. Hindi ko kasi namalayan na tumulo na pala luha ko dahil sa kaba.
Kung wala sila ngayon panigurado hindi ko alam ang gagawin ko nun baka nga abutin pa ako dito ng dis oras ng gabi kakahanap sa batang iyon.
Genesis nasaan kana ba?
Halos napuntahan na namin ang bawat sulok ng playground pero wala talaga.
"Nakita mo ba?" Tanong ni Angeline kay Val.
"Hindi," sagot naman ni Val kaya napaupo na lang ako sa lupa.
"Hindi ko rin siya makita, naku maghahapon na," natataranta kong sabi dahil ngayon ko lang napansin na malapit ng maghapon.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay may bigla kaming narinig na tunong ng telepeno.
"Hala! Tumatawag na si lola merin!" Nagpapanic na sabi ni angeline at sinagot niya naman iyon.
"Hello po lola," panimula ni angeline at medyo nanginginig pa.
"Umuwi na daw kayo ni Cleo kasi hinahanap na ni master si baby genesis, dalian nyo ha," dinig kong sabi ni lola merin sa cellphone.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni angeline at halos iisa lang ang emosyon sa mukha namin. Takot, pero hindi ko masisi si angeline kung magsusumbong siya kasi kasalanan ko naman.
"A-ah ok po," sagot ni angeline sabay baba ng cellphone niya.
Nagsimula naman kami ulit na hanapin si Genesis pero makalipas lang ang ilang minuto ay bigo kaming mahanap siya.
"Nakita nyo ba si Genesis?" Tanong ko sa kanilang dalawa ng magkasalubong na kaming tatlo.
"Hindi e, wait lang cleo ah," sagot ni angeline at kinuha ang cellphone niya dahil nagriring ito.
"Hala! Si lola tumatawag ulit! Ano sasabihin ko?" Taranta niyang sabi at napatingin sa akin.
"Sabihin na lang kaya natin para matulungan din tayo sa paghahanap kay Genesis diba?"
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
ФанфикCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...