Chapter 22

2.5K 45 0
                                    

CLEO POV

Nandito ako ngayon sa isang cottage with matching sipsip sa fresh buko na hawak ko.

"Mwuah! What a best summer day." Preskong wika ko at nilanghap ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.

Well, well, well mga bakla medyo okay na kami ni sir calyx at hindi ko na idedetalye ang kahihiyan na ginawa ko kahapon. Hindi ko sigurado kung okay na kami ni sir kasi hindi niya naman na ako sinusungitan tapos pinapansin niya na din ako pero tungkol nga lang kay genesis, mas okay na yun atleast mabawasan ang kahihiyan na ginawa ko kahapon.

Mula sa aking pwesto ay natatanaw ko si Genesis na nagtatampisaw sa dagat kasama sila angeline, jacob, lola merin at mang frey. Meron din silang ibang kasama doon sa dagat na mga kaibigan ata ni sir calyx or mga pinsan niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla nag-aya ng vacation si sir calyx basta paggising ko na lang kanina ay sobrang tuwang tuwa si genesis na magswiswimming daw kami sa dagat na pagmamay-ari ng lolo ni sir calyx. Akala ko nga kami lang e pero kasama din pala ang mga kaibigan ni sir calyx at mga pinsan niya.

Si sir calyx naman ay hindi ko makita mula pa kanina, kaya wala tuloy nagpapakilala sa akin dito. May kasama pa naman ako dito sa cottage na sa tingin ko ay asawa ng isa sa mga kaibigan ni sir calyx.

"Hey! Won't you join them?" Tanong ng lalaking kasama ko dito kaya napatingin naman akin sa kaniya.

"Ako?" Takang tanong ko at tinuro pa ang sarili ko.

"Yeah you, by the way I'm Philip Sebastian, your boss brother in law." Nakangiting pagpapakilala niya sa akin at inabot pa ang isang kamay niya sa akin para ata makipag shake hands.

"Ahm, me Cleo Madrigal, me not swin couz it's too lamig yanow!" Maling maling english ko kaya napatawa naman siya habang ako ay napakamot na lang sa aking batok.

"Pwede ka naman magtagalog ano ka ba." Natatawang sambit niya kaya natawa naman ako ng tipid dito. Akala ko mapapasabak ako sa gyera my ghad! Wala pa naman akong dala-dalang kargada.

"Hindi kasi ako na inform na nagtatagalog ka pala, anyways, oy pak english yon! So ito na nga ayokong magswimming ngayon kasi tinatamad pa ako tsaka baka masira pa ang skin 'no!" Pagbibiro ko sa kaniya kaya tawang tawa naman ito sa akin at sabay na umupo sa tabi ko.

"Alam mo bagay kayo ni Calyx, ang ganda mo tapos ang sayang kausap." Sambit niya sa akin kaya napangiti naman ako ng palihim. Ayan pren ang gusto ko sayo e!

Shiper!

"Syempre, genes ng mga Madrigal ito 'no." Mayabang kong saad sa kaniya with matching sipsip sa buko ko.

"Hindi naman sa naghihimasok ako ha, pero may gusto ka ba kay Calyx?" Bigla naman akong nasamid sa iniinom kong buko juice dahil sa tanong niya sa akin. Wow ha hindi daw nahihimasok pero mangangalap ng chismis ganun?

Vaklang tow!

"Hayyy, oo pero binusted niya ako." Deretsong sabi ko sa kaniya.

Namilog naman ang magagandang mga mata niya, gulat na gulat sis?

"Weh?" Parang hindi siya makapinawala dahil sa sinabi ko.

Kahit hindi naman sinabi ni sir na basted na ako sa kaniya ay sinabi niya naman sa akin na 'ill stop courting you' so ano pa ba ang ibig sabihin nun edi basted na.

"Mahabang kwento sis, pero ganun talaga eh, masyado daw akong maganda para sa kaniya." Pagbibiro ko at sabay flip hair na akala mo naman may mahabang buhok.

Hindi naman ito natawa sa biro ko kaya hindi ko na lang siya pinansin kahit na nakatingin ito sa akin. Ninamnam ko na lang sariwang hangin dahil kailangan kong mag relax relax ngayon.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now