CLEO POV
Nang natapos na akong kumain ay iniligpit ko na iyon at hinugasan sa lababo. Aalis pa lang sana ako ng kusina para pumunta sa opisina ni sir calyx ng biglang dumating si lola merin.
"Oh ijo, saan ka pupunta? Itotour pa kita diba?" Tanong ni lola merin sa akin.
"Opo, pinapapunta lang ako sandali ni sir calyx sa opisina niya. Kaso hindi ko po alam kung saan banda dito ang opisina niya." Sambit ko at napakamot na lamang sa aking kilay.
"Ganun ba, halika at ituturo ko sayo kung nasaan banda ang opisina ni master. Baka kasi maligaw ka pa kapag sinabi ko lang, sobrang lawak pa naman ng mansion na ito."
"Koreki ka diyan lola! Baka maligaw nga ako dito at mapunta pa ako kung saan saan, you are my life saver talaga lola! #Thebestlolaever! Oh diba pak! Mahal na talaga kita lola! Charot lang!" Sabi ko at tumawa ng mahina pero binatukan lang ako ni lola merin.
"Sira ka talagang bata ka kung ano ano pinagsasabi mo," ani nya kaya napanguso naman ako habang hinihimas ang ulo ko na binatukan niya.
Nang maglakad na si lola ay sumunod naman ako sa kaniya habang nangungulangot. Minsan ay binibilog ko pa ang nakukuha kong kulangot sa ilong ko.
Ilang lakad lang ang ginawa namin bago kami tumigil sa isang hallway na madaming pintuan na nakakabit bawat gilid.
"Eto ang kwarto ni baby genesis at yung ibang pintuan na katabi niya ay mga guest room na at ito naman ang kwarto ni master." Sabi ni lola habang tinuro ang kwarto ni baby genesis na isang kulay blue na pintuan na madaming naka kabit na mga stickers. Sunod naman na tinuro ni lola ay ang kulay black na pintuan na pagmamayari ni sir calyx.
"Ah ok po," sabi ko nalang sa kanya at napatango tango pa.
Naglakad lang kami ng kaunti at tumigil ulit kami sa isang kulay puting pintuan. "Etong puting pintuan na nakikita mo ay yan ang opisina ni master. Oh siya ijo maiwan na kita, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka. Nasa hardin lang ako at may inaayos doon."
"Sige po, maraming salamat po sa paghatid," naka ngiting pagpapasalamat ko dito.
"Walang anuman ijo, sige na at pumasok kana sa loob baka mainip si master sayo kakahintay. Medyo mainipin pa naman ang taong iyon." Sambit ni lola sa akin kaya napatango naman ako sa sinabi niya.
Nang hindi ko na masyadong nakikita ang katawan ni lola merin palayo sa pwesto ko ay tsaka ako humarap sa pintuan na nasa harapan ko.
Kayang kaya mo yan Cleo, matapang kang tao, hinding naman nanga-ngain ng tao si sir calyx e. Pwera na lang kung aswang siya my ghad! Sana hindi jusko, kinakalibutan talaga ako sa mga aswang aswang na yan. Sa probinsya kasi namin ay madaming aswang kuno pero wala naman akong nakikita at natatagpuan na nagtratransform into aswang, except doon kay aling rica na lahat ng masamang elemento ay nasa kaniya na. Pero syempre joke lang! Normal na tao lang si aling rica no, pwera lang sa pagiisip niya duh!
Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ko naisipan na kumatok ng tatlong beses.
"Come in," dinig kong sabi ni sir calyx sa loob.
Dahan dahan ko naman binuksan ang pintuan niya at ang unang bumungad sa akin ay ang lamig ng aircon at infairness ang bango ng opisina niya ah.
Nang nakapasok na ako sa loob ay sinarado ko muna ang pintuan bago ako humarap sa kaniya at yumuko bilang panggalang dahil narin sa kahihiyan na ginawa ko kaninang umaga.
Ang pogi niya kasi e!
Shuta! Kalma selp! Wag maging marufok for today's videow! Kahoy ka, anay siya, pero lalagyan lang ng insecticide yan, sure kill over germs yan.
100% TESTED AND PROVEN!
"Sit down first," walang emosyon na sabi nito sa akin kaya umupo ako sa upuan na nasa harapan ng table niya.
"First i will introduce myself, I'm Calyx Drake Montenegro and im twenty four years old. This is my golden rules here in my house," panimula na sabi ni sir kaya sobrang seryoso akong nakatingin sa kaniya. Dahan dahan naman itong tumayo at umupo sa harapan ko.
At hindi ako magiging sinungaling sa inyo kung hindi ko sinasabi na naglalaway ako ngayon sa kaniya. My ghad ilabas nyo ako dito! Baka lumabas ang pinakatinatago kong kalandian.
Sino ba naman kasing hindi maglalaway ngayon sa kaniya e folded ang white long sleeve niya hanggang siko at kitang kita ko ang namumutok nitong mga muscles.
At hindi lang iyon nakabakat rin ang dickavolity niya vebs!
Sana someday makita ko ang katawan niya para naman maconfirm ko kung may abs siya, chariz!
"As i was saying... Hey! Are you with me? Spacing out again, Mr. Madrigal?" Tanong bigla ni sir sa akin at shet lang mas lalo siyang naging gwapo kapag nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
Dahan dahan namang lumapit si sir calyx sa akin kaya halos matigil ako sa kinauupuan ko. Omg! Hahalikan ba ako ni sir? My ghad wait! Hindi pa ako ready!
"Aray!" Daing ko dahil biglang pinitik ni sir ang noo ko, ang sakit at ang lakas pa naman.
"Hey you, dummy listen to me carefully," malamig nitong sambit sa akin at lumayo ng kaunti.
"This is my rules and regulations here in my house that you should obey and understand," panimula niya ulit at humalukipkip pa sa harapan ko.
"First, you need to take care my son properly. Second, you need to feed him and cook him a healthy foods and snack, oh by the way my son is kinda stubborn so i expecting to you to be patient to his behaviour. Third, you need to fetch him and drive him to school. And last, don't.fall.inlove.with.me or even flirt with me, or else you will be fire, are we clear with that?" Mahabang sambit nito sa akin pero para akong tnga na nakatulala sa kaniya dahil wala akong naintindihan.
"And i hope you got along with my son, so your job will be easier," dugtong pa niyang sabi.
"A-Ah eh, don't panic because it's organic hehe, #happyprend." Ang nasabi ko nalang sa kaniya habang kinakamot ang batok ko.
"St*pid," sabi nito at napatampal na lamang sa kaniyang noo.
Stress ka ba boy?
Wag kang mag aalala, ako rin!
Stress na sa mga pinagsasabi mo.
"Sabihan ko nalang si manang na sabihan ka ng rules and regulations. Tnga-tnga ka nga pala at pwede ba, magaral-aral ka nga ng english hindi iyong sasagot ka ng walang ka kwenta kwenta." Straightforward niyang sabi sa akin kaya napahawak naman ako kunwari sa dibdib ko.
Aray naman ang sakit mo naman mag salita ah.
Isa ring judger itong si sir e, ama nga siya ni Genesis walang duda.
"Opo sir," nahihiyang sambit ko dito. Maka english pa naman ako kanima wagas tapos hindi naman pala tugma sa sinasabi ni sir. My ghad brilyante ng lupa kainin mo na ako ngayon! Nakakahiya!
"Ok you can go now," sabi nito at bumalik siya ulit sa ginagawa nito sa kaniyang laptop.
"Go roam around so you get familiar here," dugto na sabi pa nito sa akin.
"Ok po sir, bye." Nagwagayway pa ako ng isang kamay sa kaniya bago lumabas ng opisina niya.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
Fiksi PenggemarCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...