Chapter 29

1.7K 31 4
                                    

CLEO POV

Dali-dali akong umalis ng C.R at binalikan si Genesis sa bench na pinag-iwanan ko kanina. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakita ko na si Genesis na abalang kumakain ng ice cream.

"Genesis, saan galing iyan?" takang tanong ko ng makalapit na ako sa pwesto niya. Baka kasi nakita siya ng demonyitang babaeng iyon.

"I buy it." simpleng sagot habang dinidilaan ang ice cream. Napailing na lang ako at umirap sa hangin.

"Umuwi na tayo, baka hinahanap kana ng ama mo." wika ko sabay bitbit ng mga pinamili namin at umpisang lumakad na. Alam kong hindi ninya ako susuwayin. Broken ako eh.

Nang nasa parking lot na kami ay si Mang Frey na ang nagdala ng mga pinamili. Habang nasa byahe napaisip ako sa narinig ko kanina sa banyo.

Sasabihan ko ba? Na masama ang babaeng iyon?

Tulala lang ako sa buong byahe dahil nagdadalawang isip ako kung magsusumbong ba ako kay Calyx or hindi. Nakarating kami ng mansion at nabalik lang ako sa ulirat ko ng biglang sumigaw si Genesis.

"Lola!" masiglang sigaw ni Genesis at nagmamadaling tumakbo sa isang magandang matandang babae.

"My handsome grandson!" maligalig ding sigaw ng matanda.

"Why are you so late? I though your class ended 3:40 PM and it's already 5:15 PM?" wika ng matanda kaya umiksena na ako.

"Magandang hapon po," bati ko sabay yuko bilang paggalang sa lola ni Genesis. Baka mother-in-law bonding na this.

"Who are you?" Narinig ko ang pagkadigusto sa tinig ninya kaya napayuko na ako ng lalo. Medyo wala na nga pag-asa para sa relasyon namin ni Calyx, sa pamilya pa kaya niya?

"A-ako po si Cleo, boyfri-" hindi ko na natapos dahil may matinis na boses ang umeksena na kinaganda ng mood ng matandang babae.

"Tita J! I miss you why you didn't tell us that you coming today, I thought your flight will be on Friday why so sudden?"sulpot ng kabute.

"Oh darling, I just run some errands and I miss my handsome grandson ofcourse his father. By the way, again, who are you again?" Medyo na gulat pa ako ng bumaling silang dalawa sa akin.

"Um tita he is Genesis's nanny slash boyfriend of YOUR son." Kung wala lang dito ang ina ni Calyx kanina ko pa nasupalpal ang babaitang Ito. Siya ba ang tinatanong? Bida bida.

"B-boyfriend?" she look horrified by that word.

"Opo, nice to finally meet you ma'am." magalang kong wika sabay ngiti. Kahit magiging mother in law ko siya soon dapat ay magalang parin tayo.

May narinig kaming bumukas na gate kaya napatingin kaming lahat doon, si Calyx lang pala. Nakita ninya yata na may di inaasahang bisita kaya dali dali niyang pinark ang kotse ninya at parang sabik na tumakbo sa direksyon ng mama ninya kaya gumilid ako.

"Mom," bati ninya sabay halik ng pisngi ng ina ninya.

"My son." masayang bati din ng ginang.

"Come, come inside." pangaaya ni Calyx kaya pumasok kami at ito naman si linta na si Bernadette ay todo kapit sa matandang ginang at nakikiplastikan.

Eww.

Plastic ako slight lang pero siya, lahat yata ng kaplastikan na kain niya na. Bitter ako pero siya malandi. Magka-iba kami.

"Lola, are you staying for good?" Tanong ni Genesis habang nakakandong sa akin.

Kakain kami ng sabay-sabay nila Bernadette at ng ginang, syempre kami rin ng small family ko. Choss soon pa.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now