CLEO POV
NAGISING ako dahil sa matinis na tunog mula sa cellphone ni Calyx. Kaya ginising ko ito. Nairita pa siya dahil pagod at antok pa raw siya. Sinong hindi mapapagod kung halos maguumaga na kami nakatulog?
"Sagutin mo na'yan baka importanteng tawag," sambit ko kaya wala naman siya nagawa kundi sagutin ang tawag galing sa sekretarya ninya.
Tumayo na ako kahit masakit ang gitnang bahagi ng pwet ko. Napansin yata ni Calyx na napapangiwi akong naglalakad kaya binuhat niya ako gamit ang isang kamay at ang isa ay nakapasak ang telepono. Lumapit naman ako sa leeg ninya at sumiksik doon. Naramdaman ko ang paghalik niya sa bandang tenga ko.
"Yes, I'll be there in 8....yes yes....thank you." Iyon ang huling narinig ko sa kanya bago ako nito binaba sa bathtub.
"Still beautiful sexy body. I can't get enough of this sight but we need to hurry, " tinawanan ko lang siya. Kung magsalita parang hindi pa nakatikim eh, halos magsawa na nga siya.
Wala naman nangyari kababalaghan at harutan lang tapos kunting haplos goods na. Siya pa mismo ang nagsuot ng damit ko.
Nang nasa hagdanan kami ay narinig namin ang nagtatawanan. Si Genesis kinikiliti ni Donya Josephine at si Bernadette na nakamasid lang habang tumatawa. Peke naman.
Minsan ay parang napapansin kong parang magkatulad sila ng mata ni Genesis at Bernadette. Pati ang ilong at tenga nito ay kuhang kuha ni Genesis kay Bernadette. Hindi ko alam kung napapansin ba iyon ni Calyx o hindi pero isinawalang bahala ko na lamang iyon.
"Ahem! Good morning," sabay na bati namin ni Cakyx kaya nakuha namin ang atensyon nilang tatlo. Nakita ko sa sulok ng aking mata kung paano umusok at nangasim ang mukha ni Bernadette nang nakita ang kamay ni Calyx sa bewang ko kaya lihim naman akong napangiti.
Ang asim naman talaga ang budhi mo ghirl!
Naalala ko pala na hindi naniniwala si Calyx sa sinabi ko pero gagawa ako ng paraan para mapatunayan ko na totoo ang sinasabi ko. Na may masamang balak ang demonyitang iyan. Test and proven chos.
"Good morning mommy, good morning daddy." masayang bati ni Genesis sabay takbo sa direksyon namin. Napatawa naman kaming dalawa ng damhan ninya kami ng yakap at pinugpog ng halik sa mukha.
"Good morning son," masigla din bati ni Calyx.
"Good morning din Genesis," bati ko.
Kinarga naman siya ni Calyx papunta sa Lola Josephine ninya. Kaya napatingin ako sa gawi ng matandang babae. Nakatingin pala ito sa akin ng mariin na parang inaapak ang mga susunod kong hakbang.
"Good morning son, you look happy today! What's the reason for those shining smiles?" usisa ng nanay ninya.
Pero tinignan lang ako ni Calyx ng makahulugan sabay hila ng upuan.
"Nah! Actually I'm tired and sleepy. We just exercise, yah know." Ngumiti siya ng pilyo sabay haplos ng hita ko kaya ngitian ko siya ng bahaw sabay pinagdilatan ng mata. Inalis ko ang kamay ninya pero kinindatan ninya lang ako at binalik ang kamay ninya sa hita ko kaya wala na akong magawa.
Naiilang pa naman ako sa mga matatalim na tingin ng nanay ninya at ang epal na babaeng ito.
Jusko pahamak ito.
"Mommy, where did you sleep last night? I have a nightmare last night and I want to sleep with you, but you're not there." Inosenteng tanong ni Genesis na muntik kong nang ikamatay sa kaba.
Ubo-ubo naman akong kinuha ang baso ng tubig at tinungga. Si Calyx naman ay napahalakhak. Kinurot ko naman siya sa singit kaya napaigting siya at sumeryuso.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
ФанфикCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...