CLEO POV"I haven't agreed yet!" Inis na sabi ni calyx habang papasok kami ng mansion.
Kanina pa sila ganyan sa van, nagsisigawan dahil gusto na akong paalisin ni calyx pero itong genesis ay ayaw niya.
Kahit gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil naaawa ako kay genesis. Sa mga narinig ko kanina ay alam kong naging malapit ng tuluyan sa akin si genesis.
Pero pakshet lang talaga! Ang sakit ng pisngi ko ngayon as in, tapos medyo dumudugo pa ang gilid ng labi ko.
"I don't care, dad." Walang gana na sabi ni genesis at humikab, mukhang inaantok na siya.
"Ay hala! Ijo, bakit ganyan ang itsura mo? Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka? Atsaka bakit ka pala nagsisigaw master, may kaaway ka ba?" Biglang sabi ni lola merin ng makarating na kami sa sala at mukhang kakarating lang nito dahil nasa lapag pa ang mga gamit niya.
"Tanungin mo diyan sa baklang yan!" Masungit na sabi ni calyx at nagmadaling umalis paakyat sa itaas ng mansion at kasunod naman niya si genesis.
"Ijo anong nangyari diyan sa labi mo dumudugo!" Gulat na sabi ni lola merin ng makita niya ang dumudugog labi ko.
Ngumiti na lang ako kay lola merin para iparating na okay lang ako.
Okay nga ba ako?
Siguro, masyado na akong naging pakialemera sa buhay nila at hindi ko na napapansin na sumusobra na ako.
Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako sa harapan ni lola merin at nakita kong mas lalo siyang nagalala sa akin.
"Hindi ka okay ijo, ilang araw lang akong nawala dito mansion tapos ito ang madadatnan ko. Sabihin mo lang ang hinanakit mo sa akin anak, handa akong makinig sayo." Sambit ni lola merin sa akin at hinaplos nito ang pisngi ko. Napayakap naman ako sa kaniya ng mahigpit at napahagulgol na lang ako sa balikat niya.
Sobrang swerte ko na kahit wala ang nanay ko dito ay atleast nandito si lola merin na tinuring ko ng tunay na nanay ko.
"Masakit pala magmahal lola,"
"Mas masakit pa sa sampal ni calyx sa akin. Pagkatapos niya akong paasahin ay parang wala lang sa kaniya ang lahat. Sobrang mahal ko po si calyx, lola merin kahit na alam kong mali dahil amo ko siya at parehas kaming lalaki." Kung nadidiktahan lang ang puso ay pipiliin kong hindi mahalin si calyx dahil sinabi niya naman sa akin kanina na, gusto niya ako pero hindi niya ako mahal.
I'm not enough to be loved?
"Anak, hindi kasalanan ang umibig pero minsan may sayad ang utak ni kupido ay pinana ka sa maling tao para matutunan mo na tumayo sa sarili mong mga paa. Na hindi kailangan sumandal sa kahit na kanino man anak, siguro hindi siya para sayo at sign na ito para magmove on ka." Mahabang pahayag ni lola merin sa akin habang himihimas nito ang likuran ko.
May point si lola siguro hindi nga talaga siya para sa akin at alam kong hindi niya gugustuhin na magmahal sa isang katulad ko.
Nakalimutan ko pa lang straight pa sa isang ruler si calyx at akala ko naman ay mababaliko ko siya pero akala ko lang pala yun. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at damdamin ko. Hindi nyo rin naman kasi ako masisi dahil ito pa lang ang kauna unahan na nagmahal ako.
"Walang masama kung naging aggressibo ka o naging padalos dalos ang naging pasya mo. Nagmahal ka lang at walang masama doon, meron ding kasalanan si master. Sinaktan ka niya at hindi makatuwiran ang dahilan niya, kahit boss ko siya ay pagsasabihan ko ito." Napangiti naman ako kay lola at humiwalay na ako ng yakap sa kaniya.
Napakaswerte ng anak at apo ni lola merin dahil being mother material at the best lola, sana meron din akong katulad niya pero hanggang sana na lang iyon.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanfictionCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...