CLEO POV
Halos wala ng araw ang makikita sa kalangitan ng makauwi ako sa mansion, mabuti na lang at nasabi ko kanina kay Manang Merin na siya nalang ang magsundo kay Genesis sa school nito dahil may date kami ni Calyx pero napormada pa dahil sa babaita na yun.
Nagtatampo ako kay Calyx dahil sa mga inakto niya kanina pero naiintindihan ko iyon dahil kailangan siya ni Bernadette kanina.
Nasa hamba pa lang ako ng pinto ng mansion ay naririnig ko na ang nakakarinding iyak ni Bernadette.
"Those motherfuckers tried to rape me! They need to pay for what they did to me!" Sigaw ni Bernadette habang umiiyak ito at nakayakap kay Calyx na pinapatahan siya.
Nakita naman ako ni Bernadette at ang bruha ay ngumisi sa akin na parang panalo siya sa laban. Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa ginawa nito kaya inirap ko na lamang siya at tinaasan ng kilay sabay cross arm.
Napag-isipan ko kanina na bakit ako susuko kay Cakyx kung ako naman ang boyfriend niya. Susuko ako kapag si Calyx na mismo ang nagsabi sa akin kaya hindi ako magpapatalo sa mga kadramahan ng Bernadette na ito.
"Huhuhuhuhu! They are ruthless for doing these to me," palayaw na iyak niyang saad habang enjoy na enjoy sa kakayakap kay Calyx. Dahil ayaw ko na sa nakikita ko ay tumikhim ako ng napakalas para madinig nilang dalawa iyon.
"Aw, Cleo your here." Pagpapanggap ng bruha sabay punas sa pekeng luha niya. Hindi na rin siguro ako magtataka na baka pineke niya ang sitwasyon niya kanina na muntik na daw siya kuno marape para lang makuha ang atensyon ni Calyx.
Kadiring babae, attention seeker.
"Ayos ka lang ba? Hindi kaba nasaktan? Sana natuloy na lang nila ang pagrape sayo-este! Dapat mo silang ipakulong sa ginawa nilang kabayaran-este! kababuyan." Pagpepeke ko rin sabay lapit sa kaniya.
Mabuti hindi natuloy, sana nga natuloy eh. Charot lang!
Sinamaan naman ako nito ng tingin dahil naramdaman niya ata na peke lang ang pagaalala ko.
"Huhuhuhu, I'm okay thank you for your concern, but no thanks. Calyx can you accompany me to my room, my leg is trembling, I can't walk anymore." Pagpapa-awa ng g*ga.
Dapat siya yung ipakulong eh, sa mental nga lang.
"Sana hindi ka na nga makalakad habang buhay." Mahinang bulong kong saad sabay iwas ng tingin.
"Pardon?" Biglang wika ni Bernadette na alam kong narinig niya ang sinabi ko kasi magkalapit lang kami.
"Ang sabi ko magpahinga kana habang buhay, charot lang! Pahinga kana para makabawi ka ng lakas." Sambit ko at ngumiti dito, ngiting may pang aasar na siyang ikinainis nito lalo.
MAKALIPAS ang isang linggo ay lagi akong bw*sit na bw*sit sa bwesita namin dito, kahit hindi naman siya welcome. May oras na parang reyna siya makautos sa akin, ano siya hilo? Poison or lason, well lason naman talaga siya sa lipunan kasi plastic siya.
Lagi itong nagpapaawa kay Calyx kapag nandito siya, umuuwi ng maraming shopping bags tapos ako pa ang pinapabuhat. Nakakainis sarap sabunutan!
Medyo nagtatampo na ako kay Calyx kasi wala na siyang oras sa amin ni Genesis lagi na lang ang Bernadette na yun at siya pa talaga ang naging sponsor ng babaeng iyon ah, kung hindi ko lang boyfriend si Calyx ay iisipin kong magbabalikan sila.
Sa isang linggo na nakalipas ay may weird akong napapansin sa sarili ko, lagi kasi akong napapagod kahit na wala naman ako ginagawang mabibigat na trabaho. Lagi din ako nahihilo at nasusuka pero isinawalang bahala ko na lang iyon dahil baka pagod lang ako sa trabaho ko at kailangan ko lang ng mahabang pahinga.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanfictionCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...