CLEO POV
Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka move on sa nangyaring paghalik sa akin bigla ni sir calyx. Nakakahiya paano ko siya haharapin nito?
"Ano ba Cleo halik lang iyon! Walang malisya yon kaya brace yourself. Wag kang t*nga-t*nga, alam mo kung ano ang mangyayari kapag nagustuhan mo siya. Paano na ang pangarap mo sa pamilya kapag nagustuhan mo siya edi nganga?" Sambit ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
Ang hirap kapag puso at isip ang nag aaway, sa tingin ko naman ay hindi naman mahirap mahalin si sir calyx pero kung sa isang kagaya ko siya magkakagusto, panigurado maraming hindi matutuwa. Atsaka straight pa sa isang ruler si sir calyx kaya malabong magkagusto siya sa akin.
Nagpagulong gulong naman ako ng biglang pumasok sa utak ko ang pag halik ni sir calyx sa akin.
"Ijo, kakain na! Pumunta kana sa baba at sasabay ka raw sa pagkain nila baby gen at master, dalian mo! Ikaw nalang hinihintay," biglang sigaw ni lola merin sa labas ng aking kwarto kaya napatigil ako sa pagikot ikot ko sa kama.
"Sige po, pababa na po!" Sagot ko at bumalikwas ng bangon.
"Dalian mo ha!" Pagpapaalala ulit ni lola merin sa akin kaya humarap ako sa salamin na nasa kwarto ko at bumuntong hininga.
"Baks! Wag kang gagawa ng katangahan sa harap niya please lang, maganda ka at mana ka sa akin. Wag magiging marufok for today's videoww!" Sambit ko sabay sapok ng mahina sa salamin.
"Hirap talaga maging maganda, kaloka!"
Lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretso na sa dining area ng nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang usapan ng mag-ama.
Nasaan na kaya ang ina ni Genesis? Bakit wala siya dito? Dapat siya itong katuwang sa buhay ni sir calyx at ang swerte nun kasi nakabingwit siya ng isang lalaki na whole package na.
Pwede naman ako maging nanay ni genesis e, charot lang! Taas ng pangarap ko noh?
Sleep malala cleo, asa ka pa dai.
"Why you didn't fight back?" Dinig kong tanong ni sir kay chanak at mukhang hindi pa nila napapansin ang presensya ko.
"I don't want you to get worried or even get mad at me, i know your already stress in your work. Ayaw kong makadagdag sa mga problema mo," saad ni chanak at tinapik naman ni sir ng mahina ang balikat ng anak niya at ngumiti.
Aw! Ang sweet!
"You won't ask if your nanny was ok?"
"Well i think he's ok, malayo sa bituka ang kalmot ng monster na 'yon,"
Bweset! So kakamustahin niya lang ako kapag patay na ako? Ganun?
Naku! Sarap tirisin ng chanak na ito nanggigil ako, sarap manakal ng batang maliit ngayon. Sana hindi ko na lang siya tinulungan, pero hindi naman ako papatulugin ng konsensya ko.
"Good evening sir at sayo rin y*wa na cha- este baby genesis," sabi ko at sabay ngumiti ng peke kay chanak. Sarap mo kurutin sa apdo!
Pero as expected si chanak inirapan lang ako.
"Good evening too, ayos ka na ba? Masakit pa ba ang mga pasa mo?" Tanong ni sir calyx sa akin.
Mabuti pa itong si sir may concern sa akin hindi katulad nung isang bweset na chanak diyan.
"Okay na po, medyo masakit pa ng kaunti," sagot ko at ngumiti dito ng totoo.
"By the way, your instant famous ha," sabi niya sabay ngisi sa akin kaya napakunot naman ang noo ko.
"Huh? Kailan pa ako naging famous?" Takang tanong ko. Minsan nakakab*bo talaga si sir calyx, my ghad!
"Naging famous ka dahil sa viral scandal video ng babaeng naka-away mo," nakangisi niyang wika at sabay na nilaro ang tinidor na hawak nito.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanficCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...