Chapter 34

1.7K 30 0
                                    

CLEO POV

Nagkabati rin kami ni Calyx dahil sinuyo niya ako umaga pa lang, breakfast in bed daw kahit tent lang. Nung una parang hangin lang siya sa akin pero persistent talaga siya. Ginamit niya pa talaga si Genesis as a bait.

Bababa kami sa bundok pagkasapit ng alas syete. Mags-stay kasi kami sa isla ni Calyx na nasa baba lang ng bundok kung saan don nags-stay si Madam Josephine at si Bernadette at mga kaibigan niyang plastic.

Ang plano is, maghihike at mago-over night sa bundok at three days sa isla para narin rewards sa mga empleyado niyang napakasipag at patience sa kanyang attitude. Pagkasipat ng 7:10 AM bumaba na kami ng bundok. Mas mabilis kami nakababa kasi pababa eh, hindi naman madulas kasi hindi naman umulan this past few day. Hindi rin masakit ang sikat ng araw dahil di ko knows, HAHAHA. Di joke lang dahil medyo mababa pa ang sikat ng araw kung baga nutrients pa lang ang binubuga ng araw hindi sunburn.

Mga 30 minutes kami bumababa at sa wakas nakarating din kami. Sinalubong naman kami ni Madam Josephine na kinuha agad si Genesis sa aking kamay at si Bernadette na papalapit sa amin.

"Hi Cleo!" bati niya sa akin na parang walang nangyaring sabunutan kahapon. Apaka plastic talaga! Inirapan ko lang siya at sumunod kay Madam Josephine, kahit naman magjowa kami ni Calyx ay hindi ko nakakalimutang may trabaho ako at nagtratrabaho ako sa kanya. Nilulugar lang namin ang lampungan.

"Calyx, I prepared your breakfast!" masiglang wika niya kaya lumingon ako at nakita kong niyakap siya ni Bernadette si Calyx kaya sinamaan ko siya ng tingin.

'Makuha ka sa isang tingin!' pahiwatig ng tingin ko kaya dali dali niyang inalis ang kamay ni Bernadette sa katawan ninya.

"Good." nginitian ko siya.

"Sorry Bernadette, but my boyfriend is going to cook for me, you can simply entertain your friends," tinignan ko naman sa kalayuan ang friends ni bruha. Parang donya silang nakahinga sa sun lounge at simusisip sa palamig nila. Ang isang kaibigan niya naman pinapagalitan ang stuff ng isla ni Calyx yata.

Mga improkrita talaga.

Naiinis pa rin akong lumalakad hindi parin kasi tumitigil si Bernadette sa pangungulit kay Calyx. Si Calyx naman halos maging anemic na sa putla. Alam niya kasi ang consequence ng pinagagawa ni Bernadette sa kanya.

Huminto ako sa lobby kasi hindi ko naman alam ang room number namin eh, kahit nagtatampo ako kay Calyx kailangan ko parin siyang pansinin.

Tumingin ako sa kanya at nag cross arms, kaya dali dali niyang kinuha si Genesis kay Madam Josephine at dinala kaming dalawa sa elevator.

"Muffin ko, kay mommy nalang daw mags-share si Genesis kaya share tayo sa room," mahinang wika ninya kaya tumango nalang ako at hindi siya tinitignan. Tinignan ko ang repleksyon niya sa metal at parang matatae na ewan na mut-mutla rin siya.

"M-muffin, I'm sorry to make you j-jealous, that's not my intention and I'm going to warn Bernadette to stay away from me," nauutal niyang sambit sa akin.

"Mamaya na natin yan pagusapan sa kwarto." malamig kung saad sa kaniya.

"Mommy, nagaaway po ba kayo ulit, like legit again?" oo chanak yan tatay mo kasi, sarap sabihin pero ayaw kung sabihin niya na away lang kami ng away ng tatay niya, kahit totoo naman.

"Hindi, nagpapalambing lang ako sa tatay mo." Sagot ko nalang at hinatid namin sa room ni Madam Josephine si Genesis sunod naman sa kwarto namin.

Pagkapasok pa lang namin inatake na agad ako ng tanong ni Calyx.

"Muffin ko, is everything all right? sorry for that. What do you want?"

"Layuan mo siya dahil alam natin na kahit sabihan mo siya na layuan ka, hindi parin yon nakikinig, makapal ang mukha nun eh, kaya mas mabuting ikaw nalang ang umiwas sa kanya." deretsyong sagot ko sa kanya.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now