Chapter 7

2.6K 64 4
                                    

CLEO POV

Irap lang ng irap ang baboy na nasa harapan ko pero dedma lang ako sa ginagawa niya. Ayoko ng patulan siya dahil naiistress lang kagandahan ko.

"So, bakit kayo nag away? Ang tatanda nyo na pero para kayong bata kung mag-away. Alam niyo ba na masamang impluwensya iyan sa mga bata, nagiisip ba kayo ng tama bago niyo gawin iyon?" Tanong ng kalbong dean ng school na ito.

"He started it," sabay turo sa akin ng baboy. Aba ba't ako lang?

Dinuduro-duro ko pa ang sarili ko na parang hindi makapaniwala, "Hoy taba! Hindi ako ang na una ha? Ikaw at ang anak mo ang nagbully sa alaga ko! T*ng ina mo with respect! Ay wait mali, take two take two. T*ANG INA MO WITHOUT RESPECT!" galaiting kong sigaw sabay sapok sa kaniya.

Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina na hindi ko na siya papatulan. Inawat naman kami ng kalbong dean kaya nasapok ko siya sa ulo niya.

"Ano ba tama na, aray! Hindi ako ang kaaway mo Mr. Madrigal! Bakit ako ang sinasapok mo?!" Sigaw ng dean sa akin habang pinipigilan niya ako. Sa kagigilan ko kasi ay pinagsasapok ko siya sa ulo gamit ang isang folder na nakuha ko sa isang gilid pero hindi ko siya pinansin dahil na kay taba ang buong atensyon ko.

"Ano ang karapatan mo para awayin ang alaga ko? Ikaw ba ang nagpapakain sa kaniya? Hindi diba?! Sige nga ano ang nararamdaman mo pag nalaman mong binubully ang anak mo? Hindi ba magagalit ka t*nga!" Mataray na wika ko sa kaniya sabay sagad na sagad na irap na pamalakasan ang ibinigay ko sa kaniya.

"Atsaka dapat ikaw ang role model ng anak mo. Hindi 'yong ikaw pa ang bad influence sa kaniya, anong klase kang ina? Pag iyang anak mo mabully okay lang sayo? Diba hindi! Hindi ko nga pinapadapuan ng lamok tapos ikaw, anong ginawa mo!" Dugto ko pang sabi na medyo charot lang sa part na pinadapuan ng lamok para effective ba ganern.

Pakialam ko ba sa batang 'yan? Kahit padapuan ko siya ng lamok wala akong pakialam, siya nga binubully ako e. Karma niya 'yan, charot lang! Baka mawalan ako ng trabaho.

"Is that true, Genesis?" Tanong ng dean kay genesis na tahimik lang sa isang gilid. Anong akala niya sa akin nagsisinungaling?

Nakita ko naman na napatingin ng masama si taba kaya sinamaan ko din siya ng tingin, "Anong tinitingin-tingin mo baboy? Gusto mo round two? Baka mapanot ka," mayabang kong saad baka mali ka ng kinakalaban ghirl!

"Shut up b*tch!" Sabi nito at umirap sa akin pero iba ang pinapahiwatig ng mata niya. Takot siya HAHAHAHA 'yan dapat sayo matakot ka baka bukas naka wig ka nalang.

"Y-Yes, he is bullying me everyday, kinukuha niya lagi ang baon ko pag recess." Nakayukong sabi ni genesis habang humihikbi kaya naawa ako.

Tiningnan ko naman ng masama ang mag ina lalo na ang bruha iyon atsaka ang anak niya na parang maiiyak na.

"And why would sam do that to you?" Kalmadong tanong ng dean kay genesis. Mabuti naman at kumalma na siya baka ma higblood na siya mamaya kasalanan ko pa. Okay lang naman may insurance na yata ito. Charot!

"I don't know he always do that since first day of school," nakayukong sagot ni genesis

"Then why did you keep it secret? And why you didn't report him to school stuffs or even your adviser that he's bullying you? You know that we do not tolerate those behaviour." Sunod-sunod na tanong ng kalbong dean.

Bakit ba ang dami niyang tanong? Sila ang may kasalanan kaya parusahan na yan. Kapag talaga ako hindi nakapagpigil baka masapak ko ito bigla, naku pigilan nyo ko!

"He—" hindi na natapos ang sasabihin ni Genesis dahil bigla nalang bumukas ng napakalakas ang pinto ng opisina ng dean at nakita kong si sir calyx ang nagbukan nun kaya agad agad akong tumayo.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now