CLEO POV
"Nandito na tayo, halika na at ihahatid na kita sa room mo. Kanina pa sigurado tapos ang flag ceremony kaya ihahatid na lang kita sa room," masigla kong wika kay baby genesis habang naglalakad kami papasok sa loob ng school.
Well kahit papaano ay napatawad ko na siya, oh diba ang bait ko?
Pero ang lolo niyo ay ayun walang ginawa kundi ang irapan ako at kapag nagsasalita ako ay hindi niya man lang ako pinapansin. Mas okay na iyon baka kasi mag ka world war three pa.
At talagang maisasako ko na talaga siya.
Habang naglalakad kami ni genesis sa hallway ay may nakakasalubong pa akong mga nanay na naglalakad din at napapatingin sa gawi namin.
Naririnig ko pang may binubulong sila pero hindi ko nalang sila pinansin at umakto wala akong nakikitang mga mukhang gurang.
"Sino iyan?" sambit ng isang mukhang white lady dahil sa kapal ng make up sa mukha.
"Baka siya ang yaya ni Genesis?" Chismosa number two na mukhang palaka.
Ano ba kayo ako lang ito oh, ang sinayang ni natoy! Charot! Si sir Calyx lang gagapangin ko no! Rawwrr!
"Siguro, tara na at baka masira pa ang kagandahan ko sa kaniya." sambit naman nung mukhang clown.
Luh, may kagandahan pala diyan sa mukha mo ghirl?
"Halika ka na nga baby genesis," medyo may inis na sabi ko at hinila na si genesis papunta sa room niya.
Nang nasa tapat na ako ng room niya ay lumuhod ako para sana pagsabihin siya pero ang bweset dumeretso lang papasok sa room niya na hindi man lang nagpapaalam sa akin.
"Hayssttt..." Bumuntong hininga naman ako ng malalim. Kailan kaya kami magbabati ng batang iyon ng sa ganun naman ay mapadali ang trabaho ko dito sa maynila. Ang attitude kasi e, ayaw paawat.
Napagpasyahan ko na lang na umuwi at tumulong ng gawaing bahay. Nag aral din ako ng english kahit papaano ng may masagot naman ako ng tama kapag tinatanong ako.
Nang sumapit ang 11:30 AM ay nagluto na ako ng tanghalian ni chanak. Ang mga niluto ko ay fish fillet at guisado shutanghon, syempre pa healthy muna ang chanak nyo. Hiniwalay ko ang vegetable at prutas tulad ng patatas, strawberry, mangga na hinog, lettuce at marami pang iba. Ng matapos ko nang ilagay sa lunch box niya ay pumunta ako sa kwarto ko at naligo lang ako sandali.
Pagkatapos kong maligo ay nag ayos lang ako ng sarili at gumora na para pumunta sa school ni genesis. Ang sinuot ko lang ay isang plaint tshirt na kulay pink at jogging pants.
Nang nasa room na niya ako ay napansin kong sarado na ang pintuan doon. Naku lunch time na ata?
Naglibot libot muna ako para hanapin ang chanak na iyon. Habang abala ako sa paghahanap ay napadpad ako sa isang playground.
Alam ko naman na hindi aalis ang batang iyon dahil hindi rin siya pamilyar sa mga direksyon katulad ko.
Meron naman akong nakitang kumpulan sa bandang swing kaya as a chismosa, nakidumog ako. At ang nadatnan ko doon ay inaaway ng mag ina ang isang kawawang bata na nakayuko. Sa tingin ko ay umiiyak iyon dahil napansin kong gumagalaw-galaw ang balikat niya.
Kawawa naman siya.
Pwedeng makasuhan ng child abuse ang mag ina na ito e! Wala bang teacher dito para suwayin ang nangyayaring kaganapan dito?
Ay sabagay lunch time baka kumakain na ang mga ibang teacher ngayon.
Nagulat naman ako ng inangat ng batang inaaway nila, si chanak iyon ah? Tumingin naman siya sa direksyon ko na lumuluha kaya mas lalo naman ako naawa sa kaniya. My ghad! patay ako nito kay sir kapag nabalitaan niya na binubully ang anak niya.
"Makikiraan po!" Nagmamadaling kong wika na halos makadapa dapa na ako. Narinig kong maraming nagrereklamo dahil sa biglaan kong pagdaan sa kanila. Pakialam ko ba sa kanila? Hindi naman siguro sila bingi para hindi marining ang 'makikiraan po'
Tsaka may magagawa ba sila kung matatangal ako sa trabaho kapag hindi ako reresponde.
"Oh ano? Iiyak ka na lang ba diyan? Pabibo ka kasi masyado wala ka namang mommy kaya walang nagmamahal sayo kasi basura ka! Kawawa ka naman mr. little pa genius," mayabang na saad ng spoil brat ng bata sabay labas dila niya kay genesis.
Jusko! Wala man lang may balak umawat.
Narinig ko naman na lumakas ang hikbi ni Genesis dahil sa sinabi ng batang iyon. Nang nasa harapan na nila ako ay bumuntong hininga muna ako dahil napagod ako makipagsisikan.
"Hoy! Hoy! Hoy! Bakit mo inaaway si Genesis ha totoy? Ang kapal naman ng mukha mong awayin ang alaga ko," mataray kong sabi sa walang respetong bata. Kumapit naman si Genesis sa laylayan ng damit ko na umiiyak parin.
"Mommy, inaaway ako ng pangit na monster na iyan! Sabi niya totoy," umiiyak niyang sumbong sa nanay niyang bruha.
Kalokang bata! Wala pa nga akong ginagawa ngumangawa na agad?
"Hoy! Mukhang kabayo bakit mo inaaway ang anak ko ha?" Mataray na tanong ng nanay ng batang iyon at ma angas na lumapit sa akin.
"Ay wow? Ako dapat ang matatanong niyan ah? Bakit niyo inaaway ang alaga ko ha?" Nakataas kong kilay na sabi.
Anong akala niya matatakot ako sa kaniya? No way!
Kapal pa ng mukha na sabihin akong mukhang kabayo e siya nga mukhang baboy dahil sa sobrang taba kulang nalang ay lagyan siya ng mansanas sa bunganga para maging lenchong baboy na.
"E, pabibo iyang alaga mo, akala mo kung sino magaling, porket naka perfect lang sa exam." Mataray nitong saad sa akin at nagcross arm pa.
Taray ah? Murahin ko na ba 'to?
"Ah talaga baboy na marites? Kasalanan ba ng alaga ko na MAS matalino siya kaysa DIYAN sa anak mong payatot. Atsaka wag na wag mong tatawaging pabibo si Genesis kasi kung ikukumpara DIYAN sa anak mo ang alaga ko e, walang WALA siya." Sambit ko na may diin pa sa ibang words para sagad na sagad sa brain cells niya at ngumisi pa ako para maasar siya. At hindi nga ako nagkamali dahil para na siyang sasabog ngayon dahil sa inis
"Sa tingin mo, kina astig mo na ang pagiging bad b*tch mo? Hoy taba para sabihin ko sayo nagmumukha ka lang kontrabida sa GMA drama!"
"How dare you to say that to me!" Galit niyang sabi sa akin at sabay sampal sa akin. Napatabingi pa ang ulo ko dahil sa lakas nun at narinig kong nagsinghapan naman ang nanonood ng live show sa amin.
Aray wait medyo masakit.
Sasapukin ko na ba 'to?
Lumuhod muna ako kay Genesis at sinabi na bitawan niya muna ako at umusog ng kaunti. Binigay ko naman sa kaniya ang lunch box sa kaniya at ngumiti ng matamis.
Nang kinuha na niya ang lunch box sa akin at humarap muna ako sa bruha at ipapatikim ko sa kaniya ang malutong na crispy fried.
"Ito para sayo g*ga!" Mataray kung sabi at sabay sampal sa kanya ng dalawang beses. Napasalampak siya sa sahig at napasinghap din ang mga taong na nasa paligid.
"Ano? Makikipaghalikan ka lang ba diyan sa lupa? Siguro nagtataka ka kung bakit dalawang sampal ang ginawad ko sa iyo no? Syempre rebisco ka e, MAY PASOBRA DAHIL SPECIAL KA!"
Narinig ko naman na natawa ang mga nanood ng live show sa amin. Wala ng awatan dito! Warla na kung warla!
Tumayo siya at sinugod ako kaya ang resulta nagsampalan kami at nag sabunutan. Hindi na sana ako magpapaawat e pero may guard nalang na may dumating at inawat kaming dalawa.
Jusko! Ang sakit na ng katawan ko hindi pa nga tuluyang magaling sa mga natamo ko kaninang umaga tapos meron nanaman? Nakaka stress my ghad!
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
ФанфикCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...