CLEO POV
Hindi ko alam kung nakailang irap na ako sa babaeng nasa harapan ko dahil inis na inis na sa kaniya. Kung makalingkis kasi sa boyfriend ko ay parang jowa niya at ito namang si Calyx ay dedma lang pero hindi niya man lang sinasaway.
"I'm staying here in the Philippines for good and Calyx my babe, please let me stay here in your mansion. My condo is still in process of renovation so I don't have a place to stay." Pagpapaawa effect nito kay Calyx kaya napangiwi naman ako ng palihim.
"Mawalang na po Bernadette ha, pero medyo naasiwa ako sa pagtawag mo sa KASINTAHAN ko ng babe. Pwede mo namang siyang tawagin sa pangalan niya. Parang jowa mo kasi kapag tinawag mo siya ng babe." Walang alinlangan kong saad sa kaniya na may diin pa sa salitang kasintahan.
"Oh! Akala ko ay wala kang pakialam, I'm so sorry for that. I'm just used to calling Calyx babe because he used to be mine before, but if you don't mind too I would rather call him that. Besides, there is no malice." Saad niya na may paawa na tono nung una pero maya maya ay tumawa siya ng mahina sa huling sinabi niya at may kasamang haplos sa braso ni Calyx.
"Wag mo sana pong mamasamain ha, pero past is past at hindi ko rin naman tinatanong kung ano ang meron kayo dati ni Calyx so please respect. Not because I'm being quiet here is your taking advantage of that. Respect my decision because I'm his boyfriend and in the first place you are not part of it, so stop meddling. And EX is EX kung baga sa math may value ang ex pero sa panahon ngayon wala na at sa relasyon wala silang value. Kumbaga syntax error na lang." Nakangising sambit ko kay Bernadette, alam kong medyo off limits na yun pero nakakabweset na kasi.
Parang walang respeto sa relasyon ng iba. Kung may plano man siyang sirain ang pinaghirapan ng relasyon ng iba ay baka nasapok at nasabunutan ko na ito.
Hindi ako pinalaki ng magulang ko na maging ganito ang asal ko pero itong kaharap ko ay sobra sobra pa sa masasabi ko. Hindi ako b*bo at t*nga para hindi mahalata ang ginagawa nito, kung may delakadesa ang babaeng ito ay hindi niya dapat ginagawa iyon, parang walang pinag-aralan. Sa tanang ng buhay ko ay ngayon lang ako naiinis ng sobra sa isang tao. Kung pamalditahan lang naman eh hindi ako magpapatalo sa kaniya atsaka pake ko ba sa kaniya.
"Ito ba ang pinagpalit mo sa akin Calyx? Walang modo at manners? Parang walang pinagaralan kung makaasta." Sarkastiko nitong sabi sa akin sabay irap pa.
Dahil doon ay hindi ko na kinaya pa ang inis na nararamdaman ko at nailabas ko na.
"Excuse me, kung ikukumpara tayong dalawa eh parang ikaw ang walang pinag-aralan dahil sa inaasal mo. Saan ba ang school mo para maenroll kita sa kindergarten. Hindi ka pa yata matured for grade 1 eh. Tsaka duh! Ipapaalam ko lang sayo na nakakabastos na yang ginagawa mong pahahaplos ng braso sa boyfriend ko. Baka nakakalimutan mo na jowa niya ako at nasa harapan niyo lang ako. Kung makalandi ka sa boyfriend ko parang hindi ako nageexist sa harapan nyo ah." Paguuyam ko ding sambit sa kaniya at umalis na lang doon dahil hindi man lang ako pinagtanggol Calyx. Kainis!
Pinuntahan ko na lang si Genesis sa kwarto nito para sabihin na maligo na siya at magbihis, baka kasi malate pa siya sa school niya.
Kinatok ko muna ang kwarto niya bago pumasok. Ayaw na ayaw niya kasi na biglang na lang papasok sa kwarto niya ng hindi kumakatok sa pintuan niya.
"Genesis gising na, dalian mo para hindi ka malate." Paggigising ko sabay ginalaw ko ang balikat niya ng dahan dahan.
Nagising naman siya. Minsan lang naman siya maging tulog mantika kung pagod lang pero kapag hindi ay medyo madali lang siyang magising.
Sinabihan ko siya na maligo na habang inaayos ko ang kwarto niya. Binalik ko ang mga laruan niya na nagkalat sa sahig sa isang basket. Sunod naman ay ang kama niya at winalisan ang buong kwarto niya. Maya maya ay natapos naman na si Genesis sa pagliligo at pinapaalis pa ako nito dahil magbibihis na siya.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanfictionCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...