Chapter 33

1.9K 33 0
                                    

CLEO POV

Natapos na kami sa pag tree planting sa mga bakanteng lote ng bundok dito sa aming paghihikingan. May kunting pahinga kami tapos naghike agad kasi baka masakit na sa balat ang init. Nasa kalagitnaan na kami ng bundok ay nag take break muna dahil ang lagkit na namin at pagod na rin kami.

Habang nagrereklamo si Bernadette about sa skin niya daw na iitim daw ay busy naman ako sa pagpunas ng likod ni Genesis. Medyo hindi pa pagod si Genesis. Alam nyo ba na iba ang resestensya ng matanda kaysa sa bata. Kaya ang energetic pa ni Genesis sumasayaw sayaw pa nga. Kaya pinirmi ko siya sabay pusod ng buhok niya.

"Paro paro g, paro paro g!" Sumasayaw sayaw pa rin si Genesis kaya sinaway ko muna siya at sinabing magbehave. Tumango lang siya pero sumasaya sayaw parin.

Tigas ng ulo!

"Muffin ko," tawag pansin ni Calyx sa akin kaya tumingala ako sa kanya.

"Ano?" tanong ko sabay angat ng isang kilay.

"Water?" Sabi niya sabay binigay sa akin ang isang boteng tubig kaya tinangap ko na lang at ininom.

Pumunta siya sa likod ko sabay minasahe ang balikat kaya may napatingin sa amin at kinikilig at nangaasar kaya uminit ang mukha ko.

Nang natapos niya na akong imasahe ay may kinuha siya sa back pack niya na isang towel at pinahid sa leeg at mukha ko at kumuha siya ulit ng isa at nilagay sa likod ko.

"Ayieeee! mommy and daddy are so sweet!" asar ni Genesis sabay acting na kinikilig at nakisabay naman ang empleyado ni Calyx sa pangaasar.

Si Madam Josephine pala ay hindi sumasa sa amin, syempre may rayuma na siya at hindi na niya kaya. Nagstay lang siya doon sa beach resort na pagaari ni Calyx kaya walang kontra sa love life namin except kay Bruhang chaka doll na si Bernadette na masama ang tingin sa akin kaya napangmalaki akong yumakap kay Calyx sabay dila sa kanya ng wala nakatingin sa amin.

Akala niya huh.

Kaya kahit pagod ata si Bernadette eh nauna na siya at nakita ata ni Calyx iyon kaya nagsimula na ulit kami sa paglalakad minsan nag pipicture picture kaming tatlo. Halos tatlo't pung minuto ay nakarating na rin kami sa itaas ng bundok kaya kanya kanya kami sa pagpicture at posing.

"Guys, listen! Assemble your tent and rest for a while because we will start our program at the exact time of 11:00 AM. Enjoy!" Nagpalakpakan naman kami at nagsimula na sa pag assemble ng aming tent ni Genesis at Calyx. Si Bernadette naman ay nagpatulong sa mga lalaking empleyadong sa pagawa ng tent niya dahil bago lang daw ang nail care niya. Wala siyang katabi or ka share sa tent niya dahil ayaw daw niya ng kaagaw.

"Muffin ko, if your hungry go to my secretary. Nasa kanya ang foods ninyo ni Genesis, I'll just accept this call." Paalam ni Calyx kaya tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Hinalikan ninya muna ang noo ko at umalis ng tuluyan.

Ng wala na si Calyx ay pinagpatuloy ko ang pagaayos ng tent namin. Pero sa kalagitnaan ng pagaayos ko ng tent ay may biglang umepal na dangerous species na hayop at kinausap ako.

"Can we talk?" seryosong tanong niya sabay higit sa akin.

"Ano ba! Pwede naman tayo magusap ng maayos at hindi nagsasakitan." Inis kong wika sa kaniya.

"Okay, I'll be straight to the point, stay away and step back into our lives!" mahina pero galit na lintanya ni Bernadette at na gets ko na agad ang sinasabi ninya.

"Bakit ko naman gagawin yon? ano ka gold?" Pangiinis ko na effective naman. Kaya sa sobrang inis niya hinigit niya ko sa braso ng mahigpit.

"I'm not joking, and if you will not step back. I'll make your family and you a miserable hellish life." Galit pero permi na saad niya kaya sumeryoso ako.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now