CLEO POV
Isang linggo na akong hindi lumalabas sa kwartong ko dahil ayaw kong makasalamuha si Calyx at Genesis. Buryong na buryong na ako dito pero ginusto ko to.
Sabi ni Nanay walang araw na hindi bumibista si Calyx at Genesis sa karenderya namin kaya ito ako umiiwas kahit miss na miss ko na si Genesis.
Ang sakit sa puso na makita na gustong gusto makilala ni Christian ang daddy niya pero hindi ko matupad dahil may anak na sa iba ang daddy niya.
Ang sabi nga ni Nanay at Anne ang pogi at hot daw ni Calyx, oo naman at totoo iyon. Hindi naman pogi at charming ang anak ko kung hindi. I mean maganda ako pero mas malakas ng lahi ni Calyx eh.
Alam nila Nanay at Anne kung bakit ako hindi lumalabas pero ang anak ko at si Clark takang taka hindi na daw ako kasing sigla this past few days. Hindi na daw ako pala ngiti. Paano ako ngingiti kong di ako masaya at nasaasaktan ako?
Si Daniel at Denden nga ay galing romblon ang mga shuta mag shota na pala sabi na eh may chemistry silang dalawa. Gusto nila ako maka bonding pero umayaw ako kahit gusto ko na sila inulunod sa ilog. Baka next week. Pumunta sila dito sa bahay namin para i inform ako na ikakasal na sila invited ako. Kasi kami lang naman ang magbabarkada na naiwan sa baryo kaya ang mga shuta iniingit ako.
Pero masaya ako para sa kanila. Si Anne rin hindi ko natanong pero nakikita ko dito sa bintana kausap ninya lagi si Alfred. Lagi ko sila nakikita na nag aaway at tinataboy ninya si Alfred. Nakikita ko pa nga dito ang pagmamakaawa ni Alfred at halos humagolhol na pero no reaction parin si Joanne. Ayaw ko naman maging judgemental kaya pinabayaan ko nalang sila sa buhay nila.
Si Clark lagi niyang kausap si Khairo at minsan ay nakita kong magkaholding hands ang dalawa pero agad din nilang pinaghiwalay ang kamay nila ng napansin nilang nakatingin ako sa kanila. Hindi ko na tinanong si Clark kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Khairo, malaki na ang kapatid ko at bahala na siya sa buhay niya. Charot!
"Dada, may papamimigay si mayor! Kailangan ng parents may pupuntahan kasi sa bayan ni Tito Clark kasama si Tito Khairo, Dada please pumunta tayo," Pagpapacute ninya sa akin kanina pa ito eh.
"Sinasabi ko sayo Christian tigilan mo ako." saway ko sa kanya. Hindi kasi ito mapakali ang kulit kulit.
Tumatalon talon pa siya sa kama na pinagaayos ko pero ito ang kulit ginugulo ako.
"Dada, kasi eh." pagmamaktol ninya sabay lambing sa leeg ko. Nagbibiro pa akong nagreklamo hindi ako makahindi kaya hinalikan ninya ako sa leeg at noo. Love na love ninya daw ako.
Kaya wala rin ako magawa kundi pumayag ang cute eh. Tapos hindi ako titigilan.
Kaya kinabukasan ay maaga pa kami nakapila sa ayuda ni mayor dito sa gym sa baryo namin.
Nakaupo ako sa plastic na upuan si Christian naman nakipaghabulan sa mga bata, pinabayaan ko muna. Mamaya pa naman mag st-start ang bigayan.
"BAKLAAAA!" may biglang sumigaw sa aking pangalan kaya tinignan ko yon. Sumigla naman ang mukha ko ng makita si Denden.
"Den!" sabik na sigaw ko. Kung akala mo nasa airport at sumusundo ng OFW mong kaibigan.
"Kamusta ka na bakla? Ay pak fresh na fresh pero mukhang tigang, walang dilig yarn?" Tinampal ko naman ang braso niya. Ang g*ga ninya talaga, yan tuloy pinagtitinginan kami dito. Baka isipin hayok kami sa s*x. Jusko!
"Ay sorry naman, oh siya kamusta ka naman? nakakatampo ha kahapon pumunta kami sa bahay mo para iabot ang invitations at hindi ka talaga lumabas, miss na kita, nandito ka lang pala sa ayuda ni mayor, oh siya magchika muna tayo at may ibabalita ako." masayang usal ninya sabay higit sa akin paupo.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanficCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...