Chapter 41

1.7K 30 0
                                    

CLEO POV

Nakabihis ako ng off shoulder na color pink dahil sa kagustuhan ni Nanay at Anne. Nung una ay hindi ako pumayag dahil hindi naman ako nagsusuot ng pangbabae na damit, bakla ako pero hindi ako crossdresser. Pero sa huli ay wala na akong nagawa dahil pinilit nila ako at bumagay din naman sa akin dahil sa feminine features ko.

Si Christian naman ayaw akong paalisin kasi dapat raw si daddy niya lang ang pwede maka date sa akin for the rest of my life daw. Umiiyak iyak pa nga buti na lang at napatahan ko at nakatulog agad siya.

Naawa ako sa anak ko, Lagi niyang sinasabi sa akin na gustong gusto niyang makita ang daddy niya at ayun pa naman ang wish niya lagi sa birthday niya at hindi ko na tutupad yon, hindi kasi ang priority ng Daddy ninya. At hindi din alam ng daddy niya na nag eexist siya mundo. At baka pagnalaman non na nag eexist siya baka kunin siya sa akin na sana wag.

Pero impossible naman yon, masyadong malayo ang manila dito sa baryo namin. At hindi naman niya alam eh pero may konting kaba dahil sa naiisip.

Bakit kasi hindi siya maalis alis sa isipan ko kahit anim na taon na ang lumilipas? Ganon ba siya ka special sa buhay ko?

Jusko wag ko nalang I-overthink baka mabulyaso pa ang date kuno namin ni Bryan. I decided na ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya.

Ayaw ko siya paasahin, I already learn my lesson in the past yong ginamit ko si Lawrence para paselosin si Calyx. And it's was a reckless decision I've made.

Well at least I learn lesson on it. At hindi ko na gagawin yon ulit.

Naghihintay ako dito sa labas ng bahay namin, at hindi sa kalayuan nakita ko na ang RUSI ninyang sasakyan rusi? Bakit ganyan talaga?

Nang nakalapit siya ay sinalubong ko agad siya ng tanong.

"Akala ko ba hummer gagamitin mo? Ipinagyayabang mo pa yan kanina ah, bakit Rusi?" natatawanng tanong ko sabay tangap ng kamay niyang nakalahad.

Nahihiya naman siyang umiwas ng tingin at kumamot ng ulo may kuto ata siya.

"Ginamit kasi ni kuya ang hummer kaya ito muna sorry ha," nahihiya ninya wika sabay bukas ng passenger seat.

Naka amerikano suit pa siya pero rusi lang ang sasakyan. Habang nasa byahe ay tanong lang siya ng tanong. Ako naman sagot lang nang sagot.

Pumasok kami sa hacienda nila na maraming gulay at palay.

"You look beautiful tonight Cleo." Ay ngayon lang? Joke.

"Thank you." simpleng sagot ko sabay ngiti sa kanya.

Nagpapasalamat talaga ako sa tulong niya sa amin. Siya ang kumuha ng architect para sa bahay namin siya din ang nag commission sa mga helper at kung ano ano pa. Nang may financial crisis kami siya rin ang nandyan kaya kahit sinabi ko na sa kaniya na huminto na siya sa pang liligaw ay hindi talaga siya natitinag.

Huminto ang sasakyan sa garden nilang maraming lights na alam kong pinghandaan ninya. Halata naman eh.

"Do you like it?" Nakangiting tanong niya sabay bukas ng pintuan sa side ko at pinababa ako.

"Oo, nag-abala kapa." nahihiya kong wika sabay tangap ng kamay ninya. Bakit kasi ang gentleman niya. Nakakaguilty naman siyang i reject.

Pero siya 'to, hindi dapat siya aasa sa akin kasi aminin ko may nagmamay ari pa sa puso ko. Hindi ko man aminin. Siguro pagnagkita kami ulit ni Calyx sana may closure na. I still inlove with my cheater ex boyfriend.

I'm still madly smitten inlove with that f*cker.

Pinaupo niya ako sa puting upuan na parang reyna naman ako dito. At pinagsilbihan niya ako sa mga special foods daw na niluto niya.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now