CLEO POV
Sana maging maayos lang sila, kahit naman bruha yan si Madam Josephine ay Ina pa rin siya ni Calyx at lola pa rin siya ni Christian at Genesis. Sana lang dumating ang time na matatangap ninya kami kahit anak ko nalang. Kahit wag na ako.
Dito na kami natulog kasi hindi ko nama pwedeng iwan dito si Genesis. Pinadalhan kami ni Nanay at ni Clark ng damit dahil hindi na kami nakauwi, pangsamantala ay dito kami naninirahan. Hindi naman naninibago si Christian, mas gusto niya nga dito kaysa sa bagay namin.
"Da, ilang araw na wala si daddy babalik pa po ba siya?" malungkot na tanong ni Christian.
Lumohod naman ako para magpantay kami.
"Syempre, babalik si daddy. Nagpromise siya
diba? At saka busy si Daddy mo. Kakatawag ninya lang, sasabihan ko siya na umuwi agad siya kasi miss na siya ni Christian the great." lies, alam kong masamang magsinungaaling pero wala akong magagawa. Mas okay na 'to.
Sa totoo lang hindi kami nagtatawagan ni Calyx kasi hindi ninya sinasagot ang cellphone ninya. Nakakainis nga. Humanda siya pagbalik niya, kukurutin ko siya sa singit, joke lang.Wala akong magawa kasi hindi ko nga alam kung kailan siya uuwi. Jusko stress na ako dito kahit walang ginagawa. Buhay prinsesa at prinsepe kami dito pero stress kasi tanong ng tanong si Christian tungkol sa Ama ninya.
Oras oras tanong ng tanong pero right naman ninya non pero hindi maiwasan ma-stress kakulitan nila, jusko nagsama ang dalawang pasaway parang tatanda ako ninto ng maaga.
Pero dumating ang dalawang linggo walang Calyx na dumating at umuwi. Galit na galit ako pero hindi ko pinakita.
Hanggang sa isang araw nagkagulo ang Hacienda dahil may sumugod na armadong mga lalaki. Natatarantang tinawagan si Calyx pero hindi siya sumasagot.
"Calyx, sagutin mo, bw*sit wag ngayon. Kailangan ka namin." takot pero nagawa ko lang magmura.
"Genesis magtago kayo diyan! Isama mo ang kapatid mo, wag kayong aalis diyan!" mahina pero nagmamadaling pinasok ko sila sa closet.
Tinignan ko sa bintana ang kaganapan. Nanlaki ang mga ko ng masaksihan ko ang brutal na pagpatay sa mga tauhan ni Calyx dito.
Nanghihina pero kinuha ko ang kutsilyo at perming hinawakan 'yon, ayaw ko man pero para sa mga anak ko gagawin ko.
"Cleo!" namilog ang mga mata ko ng narinig ko ang pamilyar na boses ni Bernadette.
Hindi ko na control ang sarili binuksan ko ang pintuan ng kwarto pero yon ang maling desisyon kong ginawa ko.
Tumambad sa akin ang armadong maskoladong mga lalaki at si Bernadette na nakangiti sa akin na parang demonyo.
"Suprise!" masayang ani ninya sabay tulak sa akin kaya napa atras ako.
"Anong ginagawa dito? Bakit mo' to ginawa?" galit pero may kaba dahil bigla ninya ako tinutukan ang baril.
"Dahil sayo nagdaka letse leste ang buhay ko! Bakit kasi binuhay ka pa sa mundo 'to. Salot ka lang naman sa buhay ko! Sinira mo buhay ko, walang hiya ka! Inagaw mo sa akin ang lahat. Si Calyx, si Genesis at iba pa kaya dapat kalang depatsihin, letche ka!" sinampal niya ako ng napakalakas hindi ako makaganti kasi nakatutok sa akin ang ang baril nila.
Umiiyak siyang lumapit sa akin at hinigit ang buhok ko. Napaigik ako sa sobrang sakit. I need your help Calyx, where are you?
"Hindi ka naman talaga kagandahan at bakit ikaw at ikaw parin pinipili nila compare to me." ngumisi ako sa kanya.
"Simple, dahil ako angel ikaw demonyo. Ako kamahal mahal ikaw hindi. Ako may dignidad ikaw wala. Ako hindi ako sakim sa pera ikaw gold digger. So walang wala ka sa akin 'yan ang rason bakit walang pinili sayo. Baliw na papatol sayo, your my opposite, so no one loves you. Cause you're a useless b*tch!"
Sinakal ninya ako kaya tinapik tapik ko ang kamay ninya hindi ako makahinga.
"Well your right, I'm evil. So you should be scared. Asan ang anak ko?" tumawa ako ng sarkastiko sa kanya. Anak? She still recognize Genesis as his son?
"Anak? Sino ang anak mo, as far as I remember nasa tyan mo ang anak mo, so bakit mo ako tinatanong, pake ko sa inyo?" bintawan ninya ako sabay tulak. Nagaalab ang mga mata ninya.
"Alam kong alam mo na, wag mo akong gawing b*bo!" sigaw niya sa akin.
Hinigit ako ng tatlong armadong lalaki. Pinagsasampal at pinagtatadyakan. Ang sakit ang katawan ko pero hinding hindi ko sasabihin kong asan sila ni Genesis. Hindi ko sila isusugal ang kaligtasan nila. Mamatay muna ako.
"Asan na siya?!" galit na nagtitimping wika ninya.
"Ah hindi mo sila ilalabas? Sige gusto mo ng hide and seek huh." nagtingin tingin sa sulok ng kwarto.
"Bernadette, wag mong idamay si Genesis dito, walang silang kinalaman dito. Wala ka na talaga awa? Anak mo siya pero di mo siya pag-aari na kukunin mo lang kung kailan mo gusto! Away natin ito, wag sila. Sobrang hayop mo naman na kayang mong idamaay anak mo dito!" galit kong sigaw sabay piglas sa napahawak sa akin. Hindi ako makawala dahil marami sila tapos lalaki na maskolado. Anong panama ko sa kanila. Plus nanghihina ang katawan ko sa mga pasa.
"Wala akong pake, ilabas mo siya o ipuputok ko sa bungo mo ang baril na 'to, kung mahal mo pa buhay mo ilabas mo siya, nagpapakahero ka na naman. Hey Genesis, my sweety labas ka na hmm... mommy is waiting or else you want this b*tch to die here. Right here, right now."
"Wag kang lumabas Genesis, wag kang makinig sa bruha na 'to!" sigaw ko rin pero huli na ang lahat lumabas na si Genesis sa closet. Lumabas rin si Christian na umiiyak na nakayakap kay Genesis.
"Stay here buddy, let kuya handle this situation." Pagpapatahan ninya kay Christian. Inalis ninya ang luha sa mukha ng kapatid ninya.
Lumapit siya sa kay Bernadette na nakangiti sa kanya.
"Good boy honey." sinuklay ninya ang buhok ni Genesis pero winaksi ninya ang kamay nito kaya nawala ang ngiti nito at bumalik ang bagsik sa mata nito. Nangamba naman ako, Alam kung halang siya at kahit kadugo ninya kaya ninya saktan at patayin.
"Wag mong saktan si Genesis!" Nagpupumiglas pa rin ako pero wala pa rin.
Tinignan ako ni Genesis na parang iiyak na. Lumuhod ako. Please lord. Save us!
"Wag kang sumama, Genesis." Ngumiti lang siya sa akin tapos tumingin ng malalim sa tunay ninyang nanay.
"Kung sasama ako sayo, pakawalan mo sila. Wala silang kinalaman dito. Spare my my mommy and my lil bro." malamig na wika nito sabay lapit sa akin.
Hinalikan niya ako sa noo at niyakap.
"Be strong mom, I'll be okay." last ninya sinabi at sumama sa kanila.
Napaluha naman ako, nakatanaw lang ako sa kanila habang umaalis. At last pinakawalan na nila ako.
"Dada!" lumapit siya sa akin at niyakap ako. Humagolhol na ako, jusko po. Sumabay na rin sa pag-iyak sa akin si Christian.
Mga ilang sandali pumasok si Aling Miranda na duguan rin.
"Jusko po Sir, tinawagan ko na ang mga kasama ni Sir Calyx para ipaalam ang nangyari dito." Nilapitan niya kami at chineck kahit siya duguan rin.
Nakatulala parin ako dahil si Genesis lang ang pumapasok sa utak ko.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
FanfictionCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...