Chapter 4

2.7K 62 3
                                    

CLEO POV

Hindi pa man tumitirik ang araw ay gising na ako. Sinabi kasi kagabi ni lola merin sa akin na may pasok siya ng maaga si Genesis. Inaayos ko lang sandali ang pinaghigaan ko bago ko napagpasyahan na maligo.

Nang natapos na akong maligo at magbihis ay dumeretso na ako papunta sa kusina.

"Good morning sis!" Pagbati ko nang makapasok na ako sa loob ng kusina.

"Magandang umaga din sa 'yo, sis!" Nakangiting pagbati din nito sa akin habang may sinusulat sa isang maliit na papel.

Siya si Angeline Fernandez at isa din siyang katulong katulad ni lola merin. Magkaparehas lang kami ng edad kaya naging close ko kaagad siya. Tiga probinsya din ito at tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Siya ang breadwinner nila sa pamilya dahil naparalyze daw ang tatay nito dahil sa heat stroke.

Morenang babae si Angel at medyo singkit ang dalawang nitong mata. Medyo pandak ito kaya minsan ay naasar ko itong liit dahil ang cute niya kapag naasar. Oy! Wag kayong ano diyan! Hindi porket sinabi kong cute siya ay may crush na ako sa kaniya. Hindi magiging straight si ako for today's videoww! Tsaka iniisip ko palang na kakain ako ng tahong ay nako mga dai! Nandidiri na ako!

Hotdog lang ni si—

"Hoy!"

"Ay hotdog niya!" Gulat na sabi ko at napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Uy! Anong hotdog yan? Ikaw sis ah!" Sambit ni Angeline at tinusok tusok pa ako sa tagiliran ko.

"G*ga! bat ka naman kasi nang gugulat ha?" Mataray na tanong ko dito. Well expect niyo na magiging mataray talaga ako kapag ginugulat ako.

"Kanina pa kaya kita tinatawag, tapos para kang t*nga lang diyan na nakatulala," sabi nito at ngumuso pa sa harapan ko.

"Ay ganun ba, sorry naman hehe,"

"Ano pala ang gagawin mo dito?" Tanong niya at nagsimula ng magsulat ulit sa papel na hawak nito.

"Magluluto ng umagahan para sa kanila," sagot at ngumiti pa ng pagkatamis tamis sa kaniya na labas pa ang isang dimple ko.

"Ganun ba sige magluto ka na at ako naman ay mamalengke pa," saad niya at dahan dahan na naglakad palabas ng kusina.

"Sige ingat lang sis!" Pahabol kong sabi dito bago siya makalabas ng kusina.

Sinimulan ko naman magluto ng pagkain nila at ang ang naisip kong lutuin ngayon ay corn beef na may sibuyas at pritong itlog.

Nang natapos na ako sa pagluluto ay tumingin ako sa isang orasan na nakasabit sa dingding at malapit na pala mag 6:30 kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ni Genesis. Mahirap na at baka bawas sweldo pa kapag na late siya sa school.

"Baby gen! Gising na malalate kana sa school mo," sigaw ko habang kumakatok sa pintuan niya.

Ilang minuto ang lumipas pero walang sumagot kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan niya para sana gisingin siya pero wala pa man sa kalahati ang nabubuksan ko ay naramdaman kong may kung ano ang natapon galing sa itaas ko. Napansin ko naman na isang baldeng harina iyon na may kasamang itlog.

Jusko po!

"Hahahaha! You look like a pancake but smell so awful! Hahahaha! serves you right! Wait mas maganda kung sunog na pancake yeah thats right! Hahaha!" Para siyang maliit na demonyo sa lagay niya ngayon.

Pero totoo naman ang sinabi niya na para akong isang pancake ngayon. Kaya kahit anak siya ni sir calyx ay sinamaan ko siya ng tingin. Naku! Sinasabi ko na nga ba at masusupalpal ko rin siya balang araw at ngayon na iyon.

"Hoy! Chanak! Ang sama sama ng ugali mo! Supot ka naman!" Sigaw ko sa kaniya.

Anong akala niya hindi ko siya papatulan? Nek nek niya! Hindi ako magpapatalo no, kung gusto niya ng laro, edi makikipaglaro din ako sa kaniya. Shuta siya! Malalasap niya ang ganti ng isang api!

Shala, warla na ba this?

Pero, supot is real!

"Oh ito para sa 'yo," sabi ko at binato din siya ng harina at itlog na galing sa katawan ko.

At ayun, head shot ang chanak.

"Boom! Head shot! Hahahaha supot ka na nga, mukha ka pang payaso diyan! Anong akala mo hindi kita gagantihan, asa ka boy!" Tumawa pa ako na parang demonyo sa harapan niya.

"Oh, ano ka ngayon? Taob ka no? Dsurb!" Pangaasar ko pa ulit sa kaniya sabay lumabas ng kwarto niya at tumakbo papunta sa may hagdanan para bumaba.

"HAHAHAHA— Wahh!" Hindi na natapos ang pagtawa ko ng bigla akong nadulas sa hagdanan kaya ang ending ay nagpagulong gulong ako pababa ng hagdan.

"A-Aray ko po! Ang sakit ng noo ko at katawan ko," daing ko ng nasa ibaba na ako habang hinihimas ang pwetan ko na masakit.

"HAHAHAHA! you think you win against me? I'm not dumb, ow! Anyways, you look like a begger, so here! That's for you, my what so ever welcome party and I'm gonna rate this on the spot party, hmmm, i think it will be 99/100 where is the one percent? The one percent is, you throw a yacky things on my face, so how dare you! But anyways better luck next time," pagkatapos sabihin ni chanak iyon ay tumawa pa ito sa akin bago niya ako binato ng isang piso kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Jusko! Limang taon na bata ba talaga ito?

"Welcome to hell! You let yourself bring, so face it and you shoul be a shame for what you've done to me," dugtong pa niyang sabi sa akin.

"Care to explain what's happening here?" Biglang sulpot ni sir calyx sa eksena.

Pinilit ko naman tumayo ng dahan dahan at ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Nang makatayo na ako ng tuwid ay tumingin ako sa gawi ni sir at nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin.

"S-sir," kinakabahan kong sambit dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin kong paliwanag.

"Oh ijo, ay jusko po! Bakit ganyan ang itsura mo? Ang dami mong pasa at sugat! Halika at gamutin natin iyan," nag-aalalang sabi ni lola merin sa akin.

"A-Ayos lang po ako lola hehe," pagsisinungaling ko kahit na parang matutumba na ako sa pwesto ko dahil sa pagkirot ng katawan ko.

"He started it!" Biglang sigaw ni genesis at umiyak pa sa tatay nito.

Ay ano nayan? Pa victim?

"And why would he do that to you?" Tanong ng ama niya na halatang walang alam sa eksena na nangyari kanina lang.

"He put flour and egg in my face, and it smell like sht!" Pagiiba niya sa nangyari kanina na parang nandidiri pa sa sinapit niya at nagmura pa.

Ang bata bata niya pa para magmura, hindi ba siya dinidisiplinahan ng magulang nito?

"Profanity son," madiin na saway ni sir calyx kay genesis.

"A-ah hindi po ako nag-umpisa sir, sa katunayan nga po ay binuhusan niya po ako ng harina at itlog sa buong katawan ko at lalong lalo na nilagyan niya ng mantika ang hagdanan kaya ako nadulas," pagsusumbong ko baka kasi masisante ako bigla.

"Manang paki gamot muna si Cleo at ikaw genesis, maligo ka at kumain na dahil malalate kana. Mamaya na tayo mag usap usap pagkatapos mo maligo, do you understand?" Utos ni sir sa amin habang may accent pa sa huling sinabi niya.

Mapapa how to be you nalang talaga ako.

"Yes dad," sagot ni chanak at tumingin pa sa akin sabay irap sa akin.

Anong iniirap irap niya diyan? Tusukin ko mata niya, shuta siya.

Babysitting The Montenegro Son Where stories live. Discover now