CLEO POV
"Sir, pansinin mo naman ako oh!" Panunuyo ko kay sir pero parang wala lang itong narinig sa akin.
Parang tanga na nga kami dito eh, kasi kung saan siya pupunta ay doon din ang pupuntahan ko. Kanina ko pa siya sinusundan at kinakausap para suyuin pero hindi man lang ako nito pinapansin.
"Go away." Malamig nitong sabi sa akin pero napairap na lang ako.
Go away, go away ka diyan.
"Bakit ba ayaw mo akong pansinin ha?" Medyo naiinis kong sabi dahil napapagod na ako kakalakad para sundan siya.
"Kung aya mo magpasuyo, edi wag!" Sambit ko at inis na tumalikod sa kaniya
Siya na nga sinusuyo tapos siya pa ang galit. Kaloka naisstress ako sa kaniya ah.
"Ganon na lang yun? Ang liit naman ng pasensya mo. Hindi mo pa nga ako nasusuyo ng matagal, susuko kana? Tsk! Mahinang nilalang." Dinig kong sabi niya kaya inis akong humarap dito.
Ginagago ba ako nito? Shutang ina naman oh! Paiba iba talaga ang utak nito at hindi ko maintindihan my ghad!
"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko? Para ka naman kasing tanga, pinapahirapan mo pa ako habulin ka. Ang laki laki pa naman ng hakbang mo." Inis kong saad sa kaniya pero ang bweset, inismiran ako at nagcross arm pa sa akin at ngumuso.
Naku! Naku! Naku! Sarap isaboy sa dagat, kagigil!
Bigla namang may pumasok sa isip ko kaya agad akong lumapit sa kaniya at walang pasabing hinalikan ito sa labi niya na nakanguso.
"Ano? Okay ka na?" Tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.
Ngumiti naman siya sa akin at ngumuso ulit.
"Pwedeng isa pa," sabi niya kaya natampal ko naman siya mukha.
"Magtigil ka nga diyan." Saway ko at lumayo ng kaunti sa kaniya. Mahirap na at baka nakawan ako nito ng halik.
"Halika, punta tayo doon sa liblib na secret place ko dito." Sabi niya sabay kuha ng isang kamay ko at hinatak ako bigla.
Hindi naman ako umangal, marufok ako eh. Choss!
Ilang lakad lang ang ginawa namin ay nakarating na kami sa sinasabi nitong secret place at namangha naman ako sa ganda nun.
Sobrang linaw ng tubig na rumaragasa sa malawak na falls at halos kuminang ang mga mata ko sa dami ng mga paro parong nagliliparan. May mga nagkakantahan ding mga ibon na hindi masyadong masakit sa tenga at nakakarelax lang pakinggan.
"Ang ganda! Halika picture tayo, tapos maligo na rin." Masiglang saad ko habang nagtatalon pa kaya natawa naman si Calyx sa ginagawa ko.
"Okay, maghintay ka lang diyan dahil aayusin ko pa ang pagkain natin sa kubo." Tumango na lang ako sa sinabi niya at pumunta sa may gilid ng falls para magpicture.
Kinuha ko muna ang Iphone ko sa at kinuhanan na ng litrato ang paligid. Nagboomerang pa ako at nagshort video.
Nang nagsawa na ako sa kakapicture ay walang pagdadalawang isip akong lumusong sa tubig.
"Woah! Ang lamig!" Sigaw ko dahil sobrang lamig pala ng tubig.
Nagtabi tabi po naman ako dahil mahirap na at baka may maabala pa akong engkanto na natutulog.
Halos malagutan ako ng hininga dahil may biglang kumapit sa paa ko. Sinasabi ko na nga ba at may engkanto dito eh! Akmang sisipain ko ang shokoy o serena ay may nauna ng nagsalita sa likod ko.
"My muffin ako lang ito, don't panic okay. By the way, you look so hot and fabolous in that swim wear. Thank God dahil tayo lang ang nandito kaya ako lang ang makakakita sa katawan mo. Ako lang dapat ang makakita, mahawakan, dilaan at kainin ang katawan mo dahil sa akin ka lang." Mahinang bulong nito sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit sa may bewang ko.
YOU ARE READING
Babysitting The Montenegro Son
Fiksi PenggemarCleo Madrigal isang tipakal na bakla na walang inisip araw araw kundi ang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Nang may nagalok sa kaniyang isang matandang babae na maging babysitter ay hindi niya agad iyon tinanggihan dahil sinabi ng matandang ba...