Nagising si Ara nang marinig ang boses ni Antoinette at Kanoa. Nasa dining table ang mga ito at mukhang kumakain dahil panay ang hagikgik ng anak niya. Nakatalikod ang mag-ama sa kaniya kaya hindi alam ng mga itong gising na siya.
Hindi pa rin siya makapaniwalang magkasama na sila ni Kanoa. It took them long, but finally, they were together.
There were a lot of setbacks, but they didn't back down. Nagpatuloy si Ara sa trabaho, ganoon din si Kanoa. Palagi silang magkausap lalo na ang mag-ama niya dahil pareho nilang ayaw makalimutan ni Antoinette ang itsura ni Kanoa.
Natakot din kasi si Kanoa na baka kapag dumating ito sa New York, hindi sumama si Antoinette at umiyak kaya gumawa sila ng paraan para hindi iyon mangyari.
Ang resulta, pagdating ni Kanoa, hindi pa sila nakakauwi sa bahay ay nag-aya na ang anak nila sa museum. Kanoa couldn't break his little girl's heart. Kahit may jetlag at pagod sa byahe, nagpunta sila sa museum para tingnan ang paboritong awiwals ng anak nila.
Bumangon si Ara at lumapit sa mag-ama. "Good morning."
"Hi, Mommy!" Antoinette waved at her and showed her a fruit. "Shoberi, Mommy. This one Biches."
"Peaches," pagtama ni Kanoa. "P. Puh. P. Peaches."
Gustong matawa ni Ara, pero pinigilan niya dahil baka samaan siya ng tingin ni Kanoa. Tinuruan pa nito ng tamang pagbigkas ang anak nila dahil paulit-ulit ang pagsabi nito ng biches.
Nakatalikod siyang kumukuha ng kape habang pinakikinggan ang dalawa. Kung noon, sa video call lang sila ganito, ngayon magkakasama na talaga sila.
"Barbara."
Sumama ang tingin ni Ara kay Kanoa.
"Nagpaalam si Shara na lalabas muna kasi mamimili raw siya sa Filipino market. Nagpa-grocery ka raw. Gusto ko rin sanang mag-aya sa malapit na grocery mamaya kung okay lang sa'yo," ani Kanoa. "May mga bibilhin lang akong personal essentials. BIli na rin tayo ng gamit."
Ara nodded and walked towards the dining table. Paulit-ulit pa ring ipinakikita sa kanila ni Antoinette ang mga prutas na hiniwa ni Kanoa. Bukod sa mga prutas, mayroong grilled cheese na paborito ni Antoinette at yogurt drink.
Kanoa encircled his arm around Ara's waist while they were talking about Antoinette's food. Bibili raw sila ng stock para sa mga susunod na araw. Sa bahay naman madalas nagtatrabaho si Ara at bihira sa opisina kaya magkakasama pa rin sila.
Yumuko si Ara para halikan ang noo ni Kanoa na humigpit lalo ang yakap sa kaniya.
"Sorry, naka-sleep ako," natatawang sabi ni Ara. "Si Antoinette? Ano'ng oras siyang nagising?"
"Lumabas siya ng kwarto. Sa sahig na ako na tulog. Nakakahiya sa inyong dalawa, eh. Inagaw n'yo 'yung sofa ko," pagbibiro ni Kanoa. "Itong si Antoinette, sumiksik na rin kaninang madaling araw, eh."
Ara pouted and apologize making Kanoa chuckle. He stood up and kissed Ara's lips who kissed back. The kiss was getting deeper when they heard their daughter.
"Biches."
They pulled away and laughed. Kanoa attended Antoinette.
"Mahal, it's peaches," Kanoa corrected their daughter. "P. Peaches."
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com