CMWY 107

922 71 2
                                    

Maagang nagising si Ara dahil naramdaman niyang sinisikmura siya. Paglabas ng kwarto, naabutan niya si Sam at Belle na nasa kusina na kumakain ng tirang cake na nabili nila kahapon. Parehong hindi makatulog ang dalawa kaya naisipang manood ng movie. 

At kahit hindi siya nakisuyo, kumuha ang kuya niya ng platito para bigyan siya ng cake. Tinanong din nito kung ano ang gusto niyang drink bago naghain para sa kaniya. 

"Kuya, I miss your steak and mashed potato and all the sides na pinapakain mo sa 'kin before," Ara pouted. "I missed you both so much. Puwede bang here na lang kayo sa US tumira?" 

Belle looked sad but smiled. She was aware it would be next to impossible because of her twin sister's profession. Alam niyang papasok na rin ito sa isang ospital kasama si Aaron. Alam din niyang nagpaplano nang magpakasal ang dalawa, pero postponed muna dahil buntis siya at hindi puwedeng umuwi sa Pilipinas. 

"I'm sorry," Ara looked down. 

"Ano ka ba? Our wedding can wait. Mas important sa 'kin na you're there. You, Kanoa, Antoinette, and the baby! Kapag okay na, saka na kami magpapakasal. We're not in a rush," Belle held her hand. "Ang gusto ko now, enjoy your pregnancy with Kanoa. You didn't have that opportunity back then. This is your time." 

Ara's eyes immediately pooled with tears. Both Sam and Belle didn't ask her to stop crying. Naiyak siya dahil hindi niya maiwasang balikan ang nakaraan. Kung paano niya itinago sa lahat lalo kay Kanoa ang pagbubuntis niya sa kambal, pero sa pagkakataong ito, magkasama na sila. 

"We just want you to be happy," Sam said in a low voice. "Ayoko nang alalahanin natin 'yong nakaraan, Barbara. Ayoko nang maalala kung gaano tayo nahirapan sa situwasyon mo. Nalungkot ako na hindi na kami ang kasama mo, pero masaya ako na sa pagkakataong ito, hindi ka na iiyak kasi wala siya." 

She knew how bad her brother suffered because of her. Naalala niyang halos mapabayaan nito ang businesses dahil naka-focus sa kaniya. Kung paanong mas madalas na lang itong nasa condo para sa kaniya. 

Naalala din niya kung paanong muntik bumagsak si Belle sa isang subject dahil sa kaniya. Hindi ito umalis sa tabi niya, natutulog sa tabi niya, at nagre-review pa pero tatabihan siya sa kama at hihinto sa ginagawa sa tuwing maririnig nitong umiiyak na naman siya. 

Everyone around her was affected. It wasn't just her. 

Iniba ni Ara ang usapan at nagtanong siya tungkol sa parents nila. Maayos naman daw ang lagay ng mga ito. Nalulungkot siyang hindi na sila nag-uusap ng daddy niya, but it is what it is. She chose Kanoa and she wouldn't change this present for anything. 

"I hope we'll talk again one day," aniya at ibinalik ang tingin sa kuya niya. "How are you and Saya? I'm shy na mag-ask kay Saya kaya sa 'yo na lang." 

"We're good! We're having a great time together. Hindi ko rin talaga inasahan na we'll even date." Their brother smiled. "But I like what we have." 

Ngumiti si Ara. "I know you'll treat her well. You, of all people. I know she's in good hands. After all her heartbreaks, she deserves someone who'll treat her right. I have no doubts sa 'yo, Kuya. I am actually worried sa 'yo. We kinda know how toxic Sayaka was, but sana hindi na ngayon." 

Natawa si Belle sa sinabi niya dahil may katotohanan iyon. Malaki ang problema nila kay Sayaka noong kabataan nila dahil sa mga nangyari sa relasyon nito. Sayaka was always a victim of cheating—the main reason why their bestfriend had severe trust issues. 

"I love her," Samuel assured. "Ako na ang bahala sa kaniya." 

Ara and Belle knew Sam wasn't kidding. 



T H E X W H H Y S

www.thexwhys.com














Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon