Si Kanoa at Antoinette lang ang sumundo sa mga kapatid ni Ara dahil masama ang pakiramdam nito at baka mahilo sa byahe. Sa daan pa lang, walang tigil sa kuwentuhan sina Belle, Sayaka, at Antoinette tungkol sa pag-aaral nito sa New York. Si Sam naman ang nasa passenger's seat.
"Nahihirapan ka ba kay Ara ngayon?" tanong ni Sam na natawa. "Naalala ko noon na ang choosy niya sa pagkain. Madalas noon ang pagkain namin steak at mashed potato dahil paborito niya iyon. Magastos pa."
Natawa si Kanoa. "Mahilig siya ngayon sa Chinese food. Madalas kumain ng xiao long bao, saka 'yong dumpling na mayroong chili sauce. As in iyon ang madalas na order. Hindi naman ako nahihirapan, pero pumapasok akong kaamoy niya kasi gamit ko ang shampoo at body wash niya. Iyon lang ang pasado."
Malakas na natawa si Belle. "I should give you a gift pala from Bath&Body. You can't disappoint the pregnant lady. Dapat palagi kang amoy melon."
Pinakikinggan niya sina Belle at Sam na nagkukuwento kung paano si Ara noong buntis sa kambal. Walang alam noong umpisa, pero naging maselan noong panahong nalaman na at kung ano-ano ang kinakain.
"Thankful nga ako na mayroon siyang kasama noon," sabi ni Kanoa sa mababang boses. "At least kahit papaano, hindi siya masyadong nahirap—"
Tumigil sa pagsasalita si Kanoa at humigpit ang pagkakahawak sa manebela nang maalala ang hirap ni Ara sa pagbubuntis, sa panganganak, at pag-aalaga sa kambal.
Alam niyang napansin ni Sam ang pananahimik niya nang mapag-usapan ang tungkol doon kaya iniba nito ang usapan at nagtanong lang tungkol sa trabaho niya. Ikinuwento niyang medyo nahirapan siyang makipag-transaction sa ibang lahi, pero na-enjoy naman niya.
Isang magandang napansin ni Kanoa sa mga katrabahong ibang lahi, walang crab mentality na malalang problema ng mga Pilipino. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang mamasukan sa mga kumpanya dahil ibang-iba.
Hindi nagtagal, nakarating sila sa apartment. Kaagad silang sinalubong ni Ara na yumakap kay Belle. Matagal at nag-iyakan pa ang dalawa lalo nang haplusin ni Bell ang tiyan ni Ara. Hagulhol, hindi lang basta iyakan na ikinangiti nila ni Sam.
Belle and Ara might be a thousand miles apart, but the connections were there.
Narinig niyang ikinuwento ni Belle na hindi ito nakatulog nang ilang araw dahil may ibang nararamdaman at iyon pala ang mga panahong naglilihi si Ara at hindi pa alam ang tungkol sa pagbubuntis.
Sunod na niyakap ni Ara si Sam. Umiyak ito sa balikat ng nakatatandang kapatid at panay ang pasasalamat. Hindi nila alam kung para saan, pero alam ni Kanoa na tungkol sa pagsuporta.
Sam was also vocal about being sad that they chose to live in the US but was happy for them for choosing what they wanted.
Nag-order na lang sila ng takeouts na ni-request mismo nina Belle at Sayaka. They got Wingstop, and everyone was sitting and eating on the floor. Ikinatawa nilang nagpapasubo talaga si Antoinette kay Sam ng mga pagkain kahit kaya naman dahil naglalambing.
Tumabi sa kaniya si Ara at pinabubuksan ang in can na juice. Sumandal ito sa kaniya at ngumiti.
"Thank you for picking them up," Ara kissed his right cheek. "Look at Antoinette! Very pa-baby naman 'yan kay Samuel!"
Sam chuckled and hugged Antoinette. "I won't mind!"
—
T H E X W H H Y S
www.thexwhys.com