CMWY 91

2.6K 176 15
                                    

It had been three months since the wedding. Ara and Kanoa were busy with work and family. Pagdating pa lang nila sa New York, wala na silang naging pahinga dahil naglipat sila.

Nagsimula na rin ang pasok ni Antoinette sa school, ganoon din ang bagong trabaho ni Kanoa. Busy rin si Ara dahil marami siyang naging project nitong mga nakaraan, pero hindi nila hinahayaang mawalan ng oras sa anak nila.

Katatapos lang maligo ni Ara. Mula sa kwarto, naririnig niya sina Kanoa at Antoinette at mukhang nagtatalo na naman ang mag-ama niya dahil may katamarang pumasok sa school ang anak nila. Manang-mana sa ama.

Ara stared at herself in the mirror. She was still sleepy but had to move because she had a meeting. Nabanggit na rin sa kaniya kinagabihan na magiging busy ito sa trabaho dahil mayroong kailangang tapusing marketing material.

Lumabas si Ara at hindi siya nagkamali nang makitang nagdidiskusyon ang mag-ama dahil sa sapatos. Antoinette wanted to wear her princess shoes but it wasn't ideal for school. Masiyado na rin kasi itong malikot at gustong tumakbo nang tumakbo kaya hindi puwede.

"What's going on?" Ara sat beside her daughter. "Why ka mag-princess shoes? We already talked about this, Antoinette. Remember when your shoes broke last week? Nasira ang strap 'cos you're running."

"But I want to wear princess shoes, Mommy!" pagmamaktol ng anak niya. "I want the red one."

Nagkatinginan sina Kanoa at Ara. Tahimik na nakatingin si Kanoa sa mag-ina niya. Alam niyang mas makikinig ito kay Ara kay tumayo na siya at nagpatuloy sa pag-ayos ng baon nilang tatlo. Gumawa lang naman siya ng sandwich tulad nang madalas niyang ginagawa nitong mga nakaraan.

"Baby, I also like to see you wear the princess shoes, but your feet will get hurt and your shoes is masisira. Gusto mo ba 'yon? You won't be able to use it on Sunday! Remember na we'll visit a museum? I thought you'll use this one!" Hinawakan ni Ara ang sapatos ni Antoinette. "This is perfect para sa dress mong pink."

Nakita ni Kanoa kung paanong manlaki ang mga mata ng anak nila. Bumaba ito sa sofa, bumalik sa sariling kwarto, at paglabas, bitbit na ang kulay gray na rubber shoes.

"This one na lang, Mommy?" Antoinette scrunched her nose. "I'll use this one today na lang 'tapos mag-run ako with Gianna."

Gianna was Antoinette's classmate.

"Wow!" Ara clapped. "Thank you so much for listening to Mommy. Your feet won't get hurt here kasi this is comfortable. See?" Ipinakita ni Ara ang foam sa loob ng sapatos. "There's foam."

Nagpatuloy si Kanoa sa ginagawa habang pinakikinggan ang mag-ina niyang mag-usap tungkol sa school. Lumalaki na si Antoinette at matatas na itong magsalita hindi tulad noon na hirap sa R at L, medyo bulol pa. Malaki ang naging tulong ng socialization sa school kaya naayos ang pananalita ng anak nila.

Ang naging problema lang nila, masiyado na itong marason. Palaging mayroong sagot sa kanila ni Ara dahilan para madalas silang magkatinginan.

"She's not a teenager yet and I feel exhausted na sa conversation namin right now," ani Ara nang tumabi ito sa kaniya. "You're gonna be busy today, Love? Ako, yes. I have three meetings pala."

"Oo, eh." Lumapit si Kanoa kay Ara at ibinigay ang tinimpla niyang kape.

Pareho silang nakasandal sa kitchen counter habang pinanonood si Antoinette na ayusin ang sariling school bag. They trained their daughter to fix her own things and even to clean her own room.

Yep. Her own room.

Sakto lang ang laki ng apartment na nakuha ni Kanoa. Mas malaki ito kumpara sa unang apartment ni Ara. Tatlo rin ang kwarto. Isa kay Shara, isa kay Antoinette, at isa sa kanilang mag-asawa. It was perfect for them.

Pagkatapos nilang mag-almusal, naglakad silang tatlo papunta sa school ni Antoinette. It was just a ten-minute walk from their apartment and they got to talk while walking, too. Bonding na rin nilang pamilya iyon.

Hawak nina Ara at Kanoa ang kamay ni Antoinette habang tinatanong ito tungkol sa school at minsang pinakakanta. They were even singing with their daughter.

"Bye!" Kumaway si Ara kay Antoinette na papasok ng school. "Good girl lang ikaw kay teacher, ha?"

"Bye!" Nag-flying kiss si Antoinette bago tumakbo papasok.

Umiling si Kanoa habang nakatingin sa anak niya. "Isang araw, hindi na magpapahatid sa 'tin 'yan," natawa siya at hinawakan ang kamay ni Ara. "Ano'ng oras ang meeting mo? Lakad na lang tayo. Ihatid muna kita bago ako papasok."

Tumango si Ara at sumabay kay Kanoa. "Thank you sa breakfast and baon natin. Ang aga mo lagi gumigising lately."

"Nag-e-edit din kasi ako," sagot ni Kanoa. "Ano'ng gusto mong dinner mamaya? Magluto na lang ako. Maaga naman akong matatapos, uuwi ako kaagad."

Ara gazed at Kanoa and smiled.

"Bakit?" nagsalubong ang kilay ni Kanoa.

"Nothing. Thanks for taking care of us, Dad," she scrunched her nose. "I love you."

Mahinang natawa si Kanoa. "Mahal kita. Alam mo, 'pag gumaganiyan ka, para kayong pinagbiyak na buko ni Antoinette. Cute n'yong dalawa, eh."

"Kaya nga two Ara ang kasama mo always. Hindi mo ako makakalimutan," Ara giggled.






T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon