CMWY 109

821 70 4
                                    

Halos maiyak si Ara habang nakatingin kina Jairold at Kanoa na magkayakap. Parehong nakangiti at nagkakamustahan na para bang hindi nagkakausap sa messenger. Minsan, madaling araw, naabutan ni Ara si Kanoa na kausap si Jairold. 

Kararating lang nito at sinundo nila sa airport bago hinatid sa apartment na sila rin ang naghanap. Sila na rin ni Kanoa ang nag-ayos. 

"Ara." Lumapit sa kaniya si Jairold para makipagkamay. "Thank you sa pag-ayos dito, ha? Sobrang nahihiya ako sa 'yo. Wala naman akong pakialam kay Kanoa. Sa 'yo talaga ako nahihiya." 

Malakas na natawa si Ara sa sinabi ni Jairold. Tiningnan niya si Kanoa na tatawa-tawa lang habang nakatingin sa kanila. 

"Don't mention it," Ara scrunched her nose. "Excited ako na soon, madadala mo na rin ang family mo here. I'm so happy rin na magkasama na kayo ulit ni Kanoa." 

Tumango-tango si Jairold sa sinabi niya. Paulit-ulit itong nagpapasalamat sa kaniya hanggang sa tawagin ni Kanoa para ipakita ang mga gadgets na provided ng company para gamitin sa trabaho.

Nang maging busy ang dalawa, naupo siya sa sofa at inobserbahan ang magkaibigan. 

Kung tutuusin, walang dapat ipagpasalamat si Jairold sa kaniya dahil mas malaki ang utang na loob niya rito sa paraang hindi nito sinukuan si Kanoa noong mga panahong lugmok ito tungkol sa pagkawala ni Antoinette. 

Bukod sa mommy ni Kanoa, si Jairold ang nagdadala ng pagkain, naglilinis ng condo, at nagpapaalala kay Kanoa tungkol sa kung ano ang kailangang harapin sa kasalukuyan. 

Maliit na bagay ang pagtulong nila ni Kanoa sa pamilya ni Jairold dahil kung wala rin ito, wala sila ngayon. Sa naisip, naramdaman ni Ara ang pag-init ng mga mata niya at hinayaang bumagsak ang luhang pinipigilan niya. 

Ara tried so hard to hide from Kanoa but failed. When she looked up, their eyes met, and Kanoa smiled at her. Napag-usapan na rin kasi nila ang tungkol kay Jairold. 

Sa application, ticket, visa, at itong apartment, sila ni Kanoa ang gumastos. Walang problema sa kanila. It was their way of thanking him for everything. Nagpadala rin sila ng pera para sa maiiwang mag-ina pansamantala hanggat hindi pa ito sumusweldo. 

Bumalik si Kanoa sa pag-explain kay Jairold tungkol sa trabaho dahil magsisiula na kaagsd ito sa isang araw. 

Samantalang, napatingin si Kanoa kay Ara na nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog. Dumako rin ang tingin ni Jairold bago sa kaniya. 

"Ang bilis ng panahon. Isang araw, manganganak na ulit si Ara," sabi ni Jai. "Ready ka na ba ulit?" 

"Oo naman. Excited na nga rin ako, eh. Medyo pasaway lang lately si Antoinette, pero okay naman. Nasa stage na rin talagang mag-maldita. Mas nakuha pa nga ata ng anak ko 'yong ugali ng kakambal ng asawa ko," umiling si Kanoa na natatawa. "Minsan natatahimik na lang kami ni Ara, eh." 

Natawa si Jairold at masamang tumingin kay Kanoa. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang perfect definition noon ng lalaking maldita? Ikaw 'yong lalaking palaging may sagot, palaging galit, at parang akala mo kaaway lahat." 

Walang naging sagot si Kanoa na nakatingin kay Jairold.

"Kaya kung ano ang inuugali ngayon ni Antoinette . . . gago, ganoon ka rin dati. Mas malala pa." 



T H E X W H H Y S

www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon