Three days before the wedding, Ara wanted to rest and sleep. Kinakabahan din kasi siya at excited. Bigla niyang naisip na bad combination pala iyon dahil nag-manifest ito physically. Medyo hindi maayos ang pakiramdam niya.
Hindi niya maintindihan kung nasusuka ba siya o parang may butterflies sa sikmura niya. Malamang na kapag nalaman ito ni Kanoa, matatawa na naman ito.
Kanoa was with Jai. Hinayaan na muna niya itong makasama ang kaibigan. Ayaw pumayag dahil nami-miss daw siya, pero gusto muna kasi niya itong bigyan nang kalayaan kahit na sandali lalo na at hindi rin naman sila magtatagal dito sa Pilipinas.
Muling hinarap ni Ara si Belle na nakahigang katabi niya. Nag-puppy eyes ito dahil nga nagpapasamang magpunta sa mall. May gusto kasi itong bilhing sapatos, pero ilang araw na ring pinag-iisipan.
"Ayaw kong umalis." Niyakap ni Ara ang unan sa tabi niya. "Go buy it na kasi!"
"Grabe naman, eh. I want to spend time with you kaya nga kita niyayaya. Imagine, you'll get married in three days. After the wedding, siyempre you'll be with Kanoa for your honeymoon. And then you'll go back to New York na. Wala kang magiging time sa 'kin."
Nakatitig lang si Ara kay Belle na nagmamaktol. Gusto niyang pagtawanan ito, pero mukhang seryoso lalo nang ihiga na ang ulo sa unan. Nakita niya ang pagtulo ng luha nito.
"I just wanna spend time with you," mababa ang boses ni Belle. "I'll miss you na naman, eh."
Malalim na huminga si Ara at umiling. Bumangon siya at tinitigan si Belle na nakatingin sa kaniya. Salubong ang kilay nito at suminghot pa.
"Fine. Maliligo lang ako. How about Antoinette? Kuya Sam's very busy. Iiwanan na lang ba natin siya kay Shara?" tanong ni Ara at bumangon sa kama.
"Isama na lang natin siya," ngumiti si Belle at nagmamadaling bumangon. Lumapit ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Oh my gosh! Thank you so much, Barbara. I love you so much talaga!"
Bago pa siya nakasagot, lumabas na si Belle ng kwarto. Kinausap naman niya si Shara na kung puwede ay ayusan si Antoinette dahil sasama ang mga ito sa kanila ni Belle. Gets naman niya kasi ang point ng kakambal niya dahil may katotohanan iyon.
Nag-message na rin siya kay Kanoa na aalis sila at magpupunta sa malapit na mall. Tumawag naman ito at sandaling nakipag-videocall sa kanila ni Antoinette ngunit kaagad na nagpaalam dahil pumasok na rin si Belle sa kwarto para ayain sila.
They used Belle's car. Pinag-usapan nila si Aaron na mayroong exam kaya hindi makakasama. Ara also opened a topic about her twin's course. Excited siya para sa kakambal ngunit kita rin niya ang pagod nito sa pag-aaral.
Habang binabaybay nila ang daan papunta sa mall, nakatanggap ng tawag si Belle at dahil naka-bluetooth speaker naman, narinig niya ang conversation. It was Aaron asking kung puwede ba muna silang dumaan sa bahay nito dahil na kay Belle pala ang school ID na naiwan sa bag.
"I'm really sorry," Belle maneuvered the car and looked at her. "Okay lang ba?"
"Oo naman! That's more important than your shoes," Ara chuckled.
Belle laughed because it was true. Medyo may kalayuan din kasi ang bahay ni Aaron sa lugar kung nasaan sila. Hindi naman live in ang kakambal niya at fiancè nito. Nakatira si Belle sa sarili niyang condo unit, mayroon namang sariling bahay si Aaron sa isang kilalang subdivision.
Nilingon ni Ara si Antoinette na nakatingin lang sa bintana at pinanonood ang bawat lugar na nadadaanan nila. Medyo traffic din kaya naman inabot sila ng halos isang oras bago makarating sa bahay ni Aaron. Sinabi ni Belle na bumaba na muna sila dahil gusto nitong i-tour siya sa bahay ng kasintahan.