[ Instagram ]
323,544 likes
noadnmrc birthday nyo ni antoinette. andito kami sa park. nagpapakain na naman siya ng ducks. habang tinatype ko to kasama niya mommy mo at saka si annabeth. ako nandito sa bench, nakatingin. bigla kitang naalala.ninakaw ko tong picture galing sa phone ng mommy mo haha
bumili kami sapatos ni antoinette kanina. pang 4 years old na yung size niya.
ikaw pang baby pa rin. binilhan ka ni ara, ilalagay daw niya sa box.noong nagbabayad na ako, nakatingin ako sa sapatos nyong tatlo. mas malaki na yung size nung para kay Annabeth kaysa sayo. darating yung time na hindi na kami bibili sa children's shoes section... pero babalik kami sa baby section. palagi.
palagi.