When the car stopped, Ara started scratching the back of her hand. Na-trigger ang anxiety niya kahit na matagal nang nangyari ang lahat. Alam niyang napansin iyon ni Belle nang hawakan nito ang kamay niya.
Their parents knew that they were coming.
Lumingon si Sam sa kanila ni Belle. "Kaya mo ba?"
Pinilit ni Ara ang ngumiti at tumango. Hindi na siya sumagot. Basta na lang niyang binuksan ang pinto at lumabas. Binuhat niya si Antoinette at sandaling ipinalibot ang tingin sa buong lugar.
Ara tried to feel something. Na-miss ba niya ang bahay kung saan siya lumaki? Siguro, oo dahil na rin sa mga kapatid niya. Her siblings made their childhood memorable. The helpers, too! Isang rason iyon kung bakit masaya sila kahit na wala ang mga magulang nila. Their helpers helped them grow up.
"Let's go." Kinuha ni Sam si Antoinette mula sa kaniya at naunang pumasok sa bahay.
Ara and Belle held hands. Ngumiti siya dahil kung wala ang mga kapatid niya, hindi niya bibisitahin ang mga magulang niya. Wala sina Kanoa, Aaron, at Sayaka dahil mas minabuti na rin muna nilang sila na lang muna.
Kanoa was still with Jairold and Ara let him be with him dahil pagkatapos ng kasal, malamang na mawawalan na naman ng pagkakataong magkasama ang dalawa lalo kung babalik na sila sa New York sa mga susunod pa.
Kaagad silang sinalubong ni Manang Myrna, ang may-edad na kasambahay nila. Isa ito sa nagpalaki sa kanila.
"Naiiyak ako kasi kumpleto kayo ngayon!" sabi ni Manang Myrna habang naglalakad ito papalapit sa kanila. "Barbara! Ang ganda-ganda mo! Miss na miss na kitang bata ka!"
Pumusisyon ito para yakapin siya. Niyakap niya ito pabalik at naramadaman niyang muli ang yakap na nakalakihan niya. Ang yakap na akala niya ay hindi na ulit niya mararanasan dahil ayaw na sana niyang bumalik sa bahay ng mga magulang niya.
"Sabi ng mommy mo, ikakasal ka na raw," anito habang tinatapik ang likuran niya. "Ang saya-saya ko para sa 'yo. Alam kong hindi madali ang lahat, pero masaya akong masaya ka."
Nangilid ang luha sa mga mata ni Ara dahil nalungkot siya na sa ibang tao pa niya naririnig ang mga salitang gusto sana niyang marinig mula sa mga magulang niya, lalong-lalo na sa mommy niya na wala man lang ginawa para sana maging maayos ang pagdedesisyon ng daddy nila.
"Oh siya!" Humiwalay si Manang Myrna. "Tara na at naka-ready na ang pagkain." Nilingon nito si Antoinette. "Napakagandang bata naman nito!"
Ngumiti sina Ara, Sam, at Belle bago sumunod kay Manang Myrna. Ipinalibot na rin ni Ara ang tingin sa garden dahil malaki na ang ipinagbago ng landscaping. Nakita rin niya sa parking ang apat na sasakyan ng mga magulang niya.
Naunang makapasok si Sam at Antoinette kaya narinig kaagad nila ang boses ng mommy nila na tinawag ang pangalan ng anak niya. Mukha namang excited, hindi lang niya alam kung totoo.
Nang tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay, naabutan nila ang mommy nilang nakahalik kay Antoinette at ang daddy nilang pababa ng hagdan. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya bago ibinaling ang tingin sa anak niya. May sumilay na ngiti sa labi nito habang pababa at dumiretso sa mommy niya at kay Antoinette.
"Buti naman naisipan n'yong bumisita," sabi ng daddy niya. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ni Antoinette. "You're so big and very pretty! Mabuti na lang at kamukha mo ang mommy mo noong maliit siya."
Walang sinabi si Ara na nakatingin lang sa mga magulang niya habang hinahagkan ang anak niya. Nang buhatin ng daddy niya si Antoinette, lumapit sa kaniya ang mommy niya at mahigpit siyang niyakap.
"I'm so happy you're here," bulong nito at hinaplos ang buhok niya. "How's New York? Nag-enjoy ka ba sa bagong work mo?"
"Yes, mom," sagot niya at niyakap ito pabalik. "It's nice to see you again."
"I missed you." Humiwalay ang mommy niya sa pagkakayakap sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. "How's your wedding preparation? One week na lang, right?"
Ara nodded lazily and forced a smile while staring at her mom's face. "Yeah," she responded in a low voice. Gusto niya itong sumbatan, pero ayaw niyang madamay ang mga kapatid niya dahil oras na nagsalita siya, aalis sila.
Tinawag na rin sila ng kasambahay na ready na ang pagkain nila. Nanatiling buhat ng daddy niya si Antoinette. Kinandong pa nga, pero hindi pa rin siya pinapansin. Okay lang naman sa kaniya iyon, basta wala itong sasabihing kahit na anong magiging rason para piliin niyang umalis.
Habang kumakain, panay ang tanong ng mommy niya tungkol sa New York. Tungkol sa trabaho niya, sa pag-aaral ni Antoinette, sa apartment na tinitirhan nila, at sa lugar kung saan siya madalas na namimili ng grocery. She knew it was just to make a conversation.
Isang tanong at isang sagot lang. Iyon lang ang kaya ni Ara.
Masasarap ang pagkain. Okay naman ang conversation nina Belle at Sam sa mga magulang nila. Alam din naman niyang twice a month nagpupunta ang mga ito sa bahay nila para bumisita.
Nakikita ni Ara sa peripheral vision niya na sinusubuan ng daddy niya si Antoinette ng apple. Hinarap niya ito at nagsalubong ang tingin nila dahilan para ibaba ni Ara ang utensils na gamit niya.
"Dad, by the way, I just wanna know if you're gonna attend the wedding," tanong niya. "I need to confirm kasi hindi pa kayo nagbibigay ng RSVP card. I just wanna know, too, para sa hotel accommodation n'yo ni mom."
As expected, her dad shook his head. "I won't attend," he uttered firmly. "I'm not sure sa mom mo. Pupunta ka ba?"
Tumingin sa kaniya ang mommy niya. Hindi ito nagsalita, pero matagal na nakatitig sa kaniya dahilan para sumikip ang dibdib niya.
"Mom, magsalita ka naman," mahinang sambit ni Ara. "Fight for us naman," dagdag niya bago hinarap ang daddy niya na nakatitig sa kaniya. "I think it's good na you won't be there. At least I don't have to be worried na you'll do things just to please yourself."
Her dad's brows furrowed and squinted.
"Na I won't have to adjust based on your liking," she smiled and gazed at Sam who was sitting beside their mom. "Besides, Kuya Sam will walk me down the aisle. He's more like a father naman to me than you are."
"Barbara. Careful." May pagbabanta sa boses ng daddy niya.
Ara snorted and smiled. "Sure."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com