Nang makabalik sina Ara at Kanoa sa events place, nakaayos na iyon para sa reception. Nagkukuwentuhan ang lahat ngunit tumigil nang makita silang pumasok. Kaagad na lumapit si Antoinette sa kanila at nagpabuhat kay Kanoa.
Hinalikan ni Ara ang pisngi ni Antoinette bago iniwan ang mag-ama niya sa dance floor na nakikipag-usap sa mga bisita nila. Kinuha niya ang mic at nag-hello sa lahat. Tumingin ang mga bisita sa kaniya kasabay nang paghina ng kanta.
"There's no program prepared po. I want you all to do whatever you want. Let's eat, dance, and enjoy the entire remaining hours. Kuwentuhan na lang po us, catch up!" Ara giggled. "Let's eat muna and then the dance floor is open na for all of us."
Ngumiti si Kanoa habang nakatingin kay Ara na nakikipag-usap kina Belle at Sayaka. Nasabi na sa kaniya ni Ara na hindi tulad ng mga traditional na kasal na mayroong program, mas gusto ni Ara na may freedom ang guests nila para hindi na rin antukin at tamarin.
Nagsimulang pumuwesto ang lahat para sa pagkain at nagtatawanan pa nga. Dahil na rin kakaunti ang guests nila at magkakakilala pa, hindi mahirap pakisamahan. Everyone was having fun especially when Antoinette and Jaja, Jai and Gia's daughter, started dancing in the middle.
Rikien—Reid and Frankie's son—joined Antoinette and Jaja.
"Si Rikien, parang puwede na ring mag-artista!" pagbibiro ni Sam kina Reid at Frankie. "Puwede na 'to sa commercial ng gatas o kaya ng juice!"
Nagtawanan lahat nang mabilis na umiling si Reid dahil aware silang lahat na ayaw nitong mag-artista ang anak.
Ara gazed at Kanoa who was watching their daughter while preparing her steak. Hinihiwa nito ang pagkain niya bago ibinigay ang pinggan sa kaniya. Tinanong pa siya kung gusto ba niya ng extra gravy o mashed potato.
Instead of saying yes, Ara held Kanoa's hand, leaned forward, and kissed his cheek. "Don't mind me, Love. Go enjoy with our guests. I'll be okay and thank you for slicing my steak. Go eat na rin."
"Pakainin ko muna si Antoin—"
"Let Shara do it muna, Love," Ara smiled at Kanoa. "Do you want something? Juice or wine?"
"Ikaw, may gusto ka ba?" balik na tanong ni Kanoa at tumayo. "Cupcake or what?"
"Cupcakes are fine; I like water lang," sagot ni Ara. Alam din kasi niyang hindi niya mapipigilan si Kanoa na kumilos para sa kaniya.
Kumakain si Ara nang lumapit sa kaniya ang mommy niya at hinalikan siya sa pisngi. Mag-isa lang itong dumating dahil pinanindigan ng daddy nila na hindi ito pupunta dahil hindi pa rin matanggap si Kanoa.
As if his decision and opinion matter.
"You look so beautiful." Her mom smiled widely while brushing her hair. "I really love the setup and your gown. Everything about the wedding is different from what I used to attend, and I like this so much. Mas maganda pala talaga 'pag kaunti lang ang guest. We'll get to spend time and know each other na rin."
Ara smiled while staring at her mom who was still talking about how beautiful her wedding was. She didn't say anything and would just nod.
"I'm really happy for you, Barbara. I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang mommy mo and I'm happy na you're not like me. Thank you for raising Antoinette on your own terms and for making sure she's living her best life," pagpapatuloy ng mommy niya. "I want you to be happy, Ara. Sorry kasi hindi ko kayo nagawang ipaglaban sa daddy n'yo."
Tumayo si Ara at mahigpit na niyakap ang mommy niya. Napapikit siya. Ramdam niya ang paghagod nito sa likuran niya.
"You being here is already enough," bulong ni Ara. "You didn't listen to dad when he said na 'wag kang magpunta sa wedding ko and I'm thankful that finally, you learned how to say no sa kaniya. Please, Mom, be happy, too. I know love mo si dad, but you deserve your own freedom. Sam, Belle, and I love you so much."
Naramdaman ni Ara ang paghalik ng mommy niya sa gilid ng noo niya bago ito humiwalay. Nilapitan nito si Kanoa na nakatayo sa gilid niya at nakipagkamay rito. Nag-uusap ang dalawa at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Naririnig niyang nagpapasalamat ang mommy niya kay Kanoa at lihim siyang napangiti dahil doon.
Nang makaalis ang mommy niya, humaplos ang palad ni Kanoa sa likuran niya kaya nagkatinginan sila. HInalikan nito ang balikat niya.
"Mahal kita," bulong ni Kanoa.
Ara smiled and caressed Kanoa's jaw and kissed the side of his forehead while whispering I love you. Okay naman siya. Masaya naman siya sa kasal nila, pero may kaunting kirot sa dibdib niya at hindi niya alam kung ano ang dahilan.
And she didn't have to say anything to Kanoa because she knew that he knew about it, too. Those two words from her husband . . . wait . . . Ara paused and stared at Kanoa after thinking about the word.
"Bakit?" Inabot ni Kanoa ang wine glass sa kaniya. "Gusto mong pag-usapan?"
"I just realized," she smiled warmly. "You're now my husband."
Mahinang natawa si Kanoa. "Ano ka ba? Ako nga, kanina pa 'ko nakatingin sa 'yo kasi hindi pa rin ako makapaniwala."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com