CMWY 35

2.3K 144 12
                                    

Naalimpungatan si Kanoa nang maramdamang wala siyang katabi. Si Antoinette kaagad ang nakita niya. Nakadapa ito at nakayakap sa stuffed toy na lion na palagi nitong katabi. Wala si Ara.

Madalim ang buong kwarto at sapat na ang LED clock na nasa office table ni Ara. Pasado alas tres pa lang ng madaling araw.

Inayos niya ang comforter kay Antoinette at maingat na bumangon. Sa pinto pa lang, narinig na niyang nakabukas ang TV. Naririnig niya ang putukan ng baril mula sa pinanonood ni Ara. Hindi niya alam kung nanonood nga ba ito o nakatulugan na lang.

Tuluyang lumabas si Kanoa at naabutan si Ara na nakahiga sa sofa, pero gising. Kaagad itong bumangon nang makita siya.

"Kanina ka ba gising?" tanong niya at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. "Madaling araw pa lang."

"I can't sleep," sagot ni Ara.

Seryosong napatitig si Kanoa kay Ara na nanatiling nakatingin sa TV. Mababa ang boses nito at panay ang singhot. Okay naman sila kagabi. Nanood rin sila ng movie bago natulog. Nagpa-deliver pa nga sila ng pizza at ice cream.

"Pero nakatulog ka na?" Ibinaba ni Kanoa ang baso ng tubig sa coffee table.

Mabagal na umiling si Ara. "I can't sleep. I'm not feeling well."

Kaagad na inilapat ni Kanoa ang likod ng kamay niya sa noo ni Ara at mainit nga ito. Sunod-sunod rin ang pagsinghot at doon niya napansin na medyo raspy ang boses nito.

"Bakit hindi mo 'ko ginsing? Uminom ka na ba ng gamot?"

"Yup. I cooked mushroom soup na rin kanina but I want sopas. Do you know how to cook it? Can we try it tomorrow?" tumingin si Ara sa kaniya. "I wanna sleep na, but I can't. Masakit din ang puson ko. I think I'll have my period soon na."

Hinalikan ni Kanoa ang noo ni Ara bago pumasok sa kwarto. Mahimbing pa ring natutulog ang anak nila, pero kailangan niyang asikasuhin si Ara. Kumuha siya ng hoodie at medyas para dito. Kumuha rin siya ng comforter dahil mukhang sa sala na sila mag-stay.

Iniwan na lang niyang nakabukas ang pinto ng kwarto at hininaan ang TV para kung sakali mang magising si Antoinette, hindi ito iiyak.

Naabutan niyang muling nakahiga si Ara. Pinasuot niya ang hoodie na kaagad namang kinuha. Pumuwesto naman siya sa dulo ng sofa para isuot ang medyas kay Ara.

"Matulog ka na muna," aniya habang inaayos ang comforter. "Dito na lang muna ako. Binuksan ko naman 'yung pinto para kay Antoinette. 'Wag ka nang manood ng TV."

Bumangon si Ara mula sa pagkakahiga at nagpalit ng puwesto. Ginawa nitong unan ang hita niya. Sinuklay naman niya kaagad ang buhok nito at naramdaman ang init ng noo. Tiningnan niya ang orasan. Kailangan niyang bantayan ang gamot.

"Sopas lang ba ang gusto mo bukas?" tanong niya. Kinuha niya ang phone sa coffee table. "Ano pa para makapagpa-deliver ako ng grocery mamaya."

"Sopas lang." Humikhab si Ara. "You can sleep na later sa room. I'll stay here muna so Antoinette won't be sick din. I'm sleepy na sa meds. Ano ba 'yan."

Mahinang natawa si Kanoa at hinaplos ang buhok ni Ara. Hindi na siya nagsalita. Pinatay na rin niya ang TV para makatulog ito. Ilaw na nanggagaling sa pantry lang ang nakabukas at sapat na iyon para magsilbing liwanag.

Hawak ang phone, nakaramdam ng kaba si Kanoa.

Hindi siya marunong magluto ng sopas.



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon