Biglang napabangon si Kanoa nang kalabitin siya ni Ara at inaaya siyang lumabas. Kaagad niyang tiningnan ang orasan. It was just three in the morning.
"Saan tayo pupunta?" Naupo si Kanoa at hinaplos ang noo dahil parang biglang sumakit ang ulo niya. "Love, it's three."
"Bored na ako," ngumuso si Ara. "Please? I wanna walk around."
Kahit na inaantok pa, pinilit ni Kanoa ang bumangon. Pumasok siya sa loob ng bathroom naghilamos. Sinuklay niya ang buhok niya, nag-toothbrush, at nagpalit ng T-Shirt bago nagsuot ng hoodie.
Paglabas niya, naabutan naman niya si Ara na nakaupo sa gilid ng kama at sinusuklay rin ang buhok. Pagod siya, inaantok, at mayroong pasok mamayang umaga, pero hindi niya mahindian ang asawa. Bigla kasi itong nakaramdam ng homesickness at biglang na-miss ang mga kapatid kagabi.
Nagising din si Antoinette dahil sa pagbangon nila kaya binihisan niya ito para maisama.
Habang naglalakad, panay ang hikab niya, pero nakatingin lang siya sa mag-ina niyang magkahawak ang kamay at excited na magpunta sa isang diner dahil bibili raw muna ng pagkain bago sila tatambay sa isang lugar.
Mabagal silang naglalakad at kahit na maaga pa, marami pa ring taong naglalakad. Hindi rin alam ni Kanoa kung ano ang pumasok sa isip ni Ara dahil noon naman, manonood lang sila ng movie, pero nag-level up na sa parteng gustong maglakad.
Pagpasok sa isang diner, naupo sina Kanoa at Antoinette dahil dumiretso si Ara sa counter para makipagkuwentuhan sa isang waitress na nakilala nito.
"Daddy, I'm excited about the baby," sabi ni Antoinette na nilalaro ang hair tie na nasa pulsuhan. "Are you excited, too?"
"I am."
"I always wanted a sister or a brother," ani Antoinette habang nakatitig sa kaniya. "But I want a sister more. I want to braid her hair and dress her up! We'll be twins."
Pinilit ni Kanoa ang ngumiti dahil sa huling sinabi ni Antoinette. Araw-araw, hindi nawawala sa isip niya si Antheia lalo na at nasa pulsuhan niya ang tattoo ng initials ng isang anak ni Ara.
"Then we'll play with all my toys. The doll house, the dolls, and all my makeup!" Excited na sambit ni Antoinette. "I'll teach her how to use lipstick. Tita Belle taught me to put nails, too!"
Malalim na huminga is Kanoa. Kaya pala mayroong stickers ang kuko nito kahapon dahil itinuro pala iyon ni Belle.
Lumipat siya ng upuan at tumabi kay Antoinette. Kinuha niya ang hair tie sa pulsuhan ng anak at inayos ang buhok nito. Pinunasan din niya ang kamay nito dahil parating na ang order nila habang tinatanong kung kumusta na ang schooling.
Medyo kabado siya dahil tamad sa academics si Antoinette. Naalala niya bigla ang hirap ng mommy niya noon na nagtuturo sa kaniya at madalas pang napapatawag sa office dahil ayaw niyang sumunod sa teacher.
Paulit-ulit at halos palagi niyang hinihiling na sana ay makapareho nito si Ara pagdating sa pag-aaral. Mukhang malabo dahil ngayon, proud na sinabi sa kaniya ng anak niya na hindi ito nagsulat kahapon dahil tinatamad. Wala siyang nasabi. Malalim lang siyang huminga at napaisip sa mga gagawin sa susunod.
"Daddy, I love you so much," Antoinette said casually. "Can you cook rice tomorrow and we'll add milk? I loved it."
"Sure, pero promise na mag-drink ka ng water?" Hinaplos niya pisngi ng anak na tumango. "And you'll brush your teeth para hindi masira?"
"Okay." Tumaas ang dalawang balikat ni Antoinette at tinuro si Ara. "Look, Daddy! Mom got us a milkshake!"
Nagulat si Kanoa nang lingunin si Ara. Hawak nito ang dalawang milkshare na mayroon pang strawberry syrup sa ibabaw. Gusto niyang matawa. Hindi na isya nakapagsalita lalo nang makita kung gaano kalapad ang ngiti ni Ara.
"Just one, Love," Ara giggled.
—
T H E X W H H Y S
www.thexwhys.com